THE DIARY GAME SEASON 3 (02-09-22) DIGITAL PAINTING FOR MY GRANDPARENTS

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang araw mga kapwa steemians, kumusta na kayo? Sana maayos rin ang lagay niyo.

It's been a while! At gagawa ulit ako ng content para sa digital artwork ko. Kaya't manatili lamang kayo at patuloy na sumubaybay, salamat!

Noong nakaraan nagpinta ako ng picture ng lola ko at nandon yon sa isang blog ko noon, hindi ko pa natapos ma paint yung kay lolo dahil kulang ako sa storage. Pero ngayon, masaya ako kasi natapos ko na ang artwork! Parehong nasa canvas ang painting nila lola at lolo, pininta ko yun sa semi realistic way.

Heto na po 'yon:

Untitled176_20220122081953.png

Ang reference:

FB_IMG_16347117906582914.jpg

Pinagdurugtong ko yung mga magkakasunod na progress ng pagpinta ko at ginawa kong video. Inupload ko yun sa YouTube:

Eto po yun:

Pagkatapos kong magpinta, in-upload ko ito sa mga social media accounts ko at sinabi kong may balak akong tumanggap ng mga komisyon. Inencourage naman ako ng kapatid ko para don, sinabi niya sakin na mag accept ako at sa gcash ang payment. Sinabi niya pa na kung siya ang alam magpinta, tatanggap siya ng mga komisyon. At nakikita ko dun yung determinasyon niya kung siya raw ako. Pero sabi niya, tutulungan naman niya ako kung sakaling tatanggap ako ng komisyon.

Kasi naman, alam kong challenging talaga para sakin na magkomisyon ng digital artwork. Kaunti lang ang device storage ko pero alam kong kailangan ng more than 250 MB para makapinta ako sa ibis paint x app. Pag naparami na kasi ng layer yung ibis paint x app, maaaring hindi mag work properly yung app sa phone mo, maaari pang macorrupt yung artwork. Pero, kung talagang gusto kong gawin 'to, makakahanap naman ako ng paraan. Haha baka hindi lang ako ganon ka determinado. By the way, may nakakaalam ba dito na gumagamit ng ibis paint x app kung paano i-convert ang storage ng mga artworks sa SD card? Pwede niyo po bang sagutin sa reply?? Salamat po in advance.

Eto nga pala ang link ng part 1 blog ko ng digital painting ko para sa lolo't lola ko:

https://peakd.com/hive-174301/@celyxzstin/digital-painting-for-my-grandparents

Makikita niyo ron yung proseso ng painting.

At yan lamang po ang maibabahagi ko sa ngayon. Maraming salamat po sa pagbabasa at pagpatuloy na bigyang pansin ang blog ko! Magandang araw sa lahat!

Best regards from:
@jeycel

Sort:  
 3 years ago 

ng galing mo po... di ko pa natry ang ibis.. ang natry ko ay ung procreate

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 58805.73
ETH 2642.82
USDT 1.00
SBD 2.45