The Diary Game : 12-13-21 | Digital Painting For My Grandparents (Work In Progress)

in Steemit Philippines3 years ago

Hello everyone! Magandang araw sa inyong lahat. Kumusta kayong lahat? Sana lahat ay masaya.

Nandito na naman po ako ngayon, kasi gusto ko lang magbahagi ng something. Anong something? Haha. Something po ito na nais ko ring ibahagi sa iba, sa inyo, kasi ang saya pala sa pakiramdam kapag nagawa mo yung akala mong hindi mo kaya.

Gusto ko pong i-share sa blog na 'to yung digital painting ko para sa lolo at lola ko, pero actually WIP (Work in progress) pa lamang 'yon dahil yung kay lola ko lamang yung natapos ma paint.

Andun po sa YouTube channel ko yung whole process. Nilalagay ko kasi dun yung mga art process ko.

Time lapse painting:

Medyo nahirapan ako kasi iisang phone lang ang gamit ko habang kailangan ko ng mas maraming storage para sa pag paint. Kinukulang na kasi yung device storage ko para sa mga necessary applications at ganun na din sa pagguhit sa ibis paint x app, at may importanteng videos pa akong kailangang i save.

Marami kasing mga mahahalagang bagay sa phone ko, na nangangailangan ng storage at kailangan matapos. Yung tipong gusto mong pagsabay-sabayin lahat para matapos na. Pero mas mahirap pala tapusin yung mga bagay pag gusto mong pagsabay-sabayin. Kasi marami kang iisipin tapos pag di mo na kinaya, sa huli hihiga ka na lang at magproprocastinate. Paano ba maging organized? @joreneagustin paturo naman. 😅

So ang ginawa ko eto muna, yung kay lola muna, tsaka na yung kay lolo. Kasi dapat dalawa sila kasi yun yung nasa picture. Di pwedeng iisa lang sa kanila yung i-portray ko, kaya gagawa ako ng part 2 blog. Soon, abangan niyo po. 😊

Dati pinapangarap ko yung way of painting na may color blendings, highlights at shadows. Nakakamangha kasi tas nakakaappreciate yung mga nakikita ko sa news feed ko sa Facebook na mga drawings na kayang kaya nilang ma determine kung saan ilalagay yung shadows at highlights gayundin sa mga paintings na mayroong color blendings digital man o traditional.

Nga pala, yon! Pangarap ko yung ganon! Isa rin si ate Jenzel at yung friend kong si Nicole sa mga artist na inaadmire ko, at kung saan ako nainspire. Si Nicole dati, wala pa siyang mga art materials. Ordinaryong papel lang at monggol na lapis, tapos iginuhit niya yung hinahangaan niyang tao. Kung kumpara sa mga drawing niya ngayon, hindi masyadong gaya yung drawing niyang yun noon. Pero nakita ko yung mga arts niya ngayon, ang ganda, gayang gaya niya! Marami na ring nagpapacommision sa kanya. Tapos si ate Enzel naman, nakita ko noon yung guhit niyang mata. Di ko alam kung anong gamit niyang materials noon. Ngayon, ang dami na niyang guhit at maraming nagpapacommission sa kanya. Sana all alam ang traditional art. 😄 Inencourage rin nila ako at nagbigay sila ng tips na nakatulong sa kanilang pagguhit, traditional art yung sa kanila. Sa actual paper sila gumuguhit tapos gumagamit sila ng grid para mas maging accurate yung details. Sinubukan ko rin yung ganon sa bond paper gamit yung mongol pencil pero di ko kinaya. Na art block ako. Pero digital muna talaga ako kasi dito yung mas kabisado ko. 😄

Masaya ako kasi alam ko na mag blending. 😍
Sa mga nakaraang pagguhit ko sa ibis paint x, di ko alam yung mga ganon. Pero anong mga naging motivations ko sa pagpaint ng ganong paraan? Ang ginawa ko, nanood ako ng mga tutorials sa YouTube. May isang channel na nagpo-post ng process of painting. Madali siyang maintindihan tapos nailahad niya yung mga importanteng steps, tapos yung brush na ginamit niya. Nagbigay rin siya ng motivation. “Trust the process.” aniya. Kung makikita mong parang mahirap matapos, parang di mo kayang gayahin yung mga detalye, just trust the process basta ipagpatuloy mo yung proseso at maghanap ka ng paraan para maayos yung di mo matapos tapos na details.

So ito po yung pictures ng process ko at outcome.

Untitled108_20211130100427.png

Untitled108_20211130100608.png

Untitled108_20211130100535.png

Untitled96_20211120134830.png

Untitled96_20211123211721.png

Untitled96_20211124095818.png

Untitled96_20211124091540.png

Untitled96_20211124091259.png
.

.. .

Untitled96_20211130100827.png

Untitled96_20211130101514.png

Untitled96_20211130101527.png

Untitled96_20211130101532.png

Untitled96_20211130110642.png

Untitled113_20211201132153.png

20% beneficiary will set to @steemitphcurator.

Yon lamang po ang nais kong maibahagi sa inyo sa ngayon. Maraming salamat po sa pagbabasa at pag view sa blog ko.

Magandang araw po sa lahat!

Sort:  
 3 years ago 

Hi!

Your post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue creating high-quality content here at Steemit Philippines Community.
Remember to always follow the #Club5050 rules for more chances of curators' upvotes.

Congratulations!

Luzon Moderator
kneelyrac

 3 years ago 

Maraming salamat po dahil isa ang post ko sa mga napili. Thank you po sa support 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 59099.74
ETH 2639.21
USDT 1.00
SBD 2.49