Steemit Philippines Photography Contest Week #5 - Filipino Food Photography: Sardinas!
Magandang araw ng Miyerkules Steemit Philippines at sa lahat ng awesome kong mga ka-Steemian!
Kamusta po kayo? Maulan din ba sa inyung lugar? Dito sa Bataan ay ambon ambon lamang at mahangin.
Nakakagutom po ang mga naunang entry na aking binisita para sa Filipino Food Photography Contest dito sa ating komunidad. Lalo po akong na-encourage na sumali din. Kaya naman nagluto po ako ng simpleng Filipino Food at ito ay ang SARDINAS!!!
Opo, tama po ang nabasa ninyo mga ka-Steemian ko. Sardinas ay isa sa kilalang inihahain nating mga pinoy sa hapag kainan. Isa sa malaking source ng animal protein ang sadinas para sa milyong filipino. Matatagpuan sa Zamboanga City ang mga naglalakihang factory ng sardinas at kinukunsidira itong Sardines Capital of the Philippnes. Halos isang milyong metric-tons ng isda ang nahuhuli sa Sulu Celebes Sea na nakapalibut sa Zamboanga Peninsula.
At sa aking pag saliksik tungkol sa sardinas, Isa palang norwegian ang nakaimbento ng sardinas inilagay sa lata ilang daang taon na ang nakalipas. At ito'y nagtagal hanggang sa kasalukuyan.
Naalala kopa noong bata ako nasa 15pesos ang presyo ng isang lata ng sardinas sa mga sari-sari store. Ngayon ay nagkaka halaga na sya ng 22pesos.
Habang lumulipas ang taon, nakikita ko sa social media ang iba't ibang luto ng sardinas at nilalagyan ng twist. Katulad ng Spaghetti Sardines, Lasagña Sardines at marami pang iba.
Bagong Luto Ginisang Sardinas w/ malunggay
Simple lang ang pagkakaluto ko sa sardinas. Ito ay Ginisang sardinas namay malunggay. Napakadali lamang itong lutuin. Igigisa mo lamang ito sa sibuyas, bawang at kamatis saka ilalagay ang fresh malunggay.
At meron napo kayong masarap at masustansyang ulam na pagsasaluhan sa murang halaga.
Courtesy of may kapit-bahay sari-sari store
Alam nyu ba na marami sa ating kababayang OFW na minsan ay sabik makakain ng sardinas. Maswerte ang iba na mayroong mabibilhan na Filipino Grocery. Ngunit ang iba ay talagang mag aantay pang makauwi dito sa Pilipinas para muling matikman ang sardinas.
Hanggang dito napo uli ang aking masarap na entry para sa araw na ito. kaen po tayo mga ka-Steemian! Wag po tayong magpapalipas ng pananghalian.
Nais ko palang imbitahan na sumali din dito sa patimpalak na ito sila Ate @aideleijoie Mommy @jurich60 at si Sis @chy07
Smile,
@jewel89
![inbound6870122939607601996.webp](https://cdn.steemitimages.com/DQmcCVwNFuB5hcwPcWhdn3NzxAREUK23W2rLYDyTMYS7T2v/inbound6870122939607601996.webp
Ka yummy ng sardinas! Pero ako ang favorite ko yong in natural oil na sardinas, kasi pag yang in tomatoes sauce umaasim ang sikmura ko.
Ay oo nga noh momshie hnd ka pla pwede dyan. Mackerel ang pwede sayo mi 😊
Hi ate @jewel89 😊
Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong diary post sa araw na ito. Ang iyong entry po ay kwalipikado para contest sa linggong ito, week 5 ng Pinoy Food Contest.
Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating contest.
Updated Rules and Regulations
Yan din ang paborito kong ulam, sardinas lalo na kapag gipit sa pera. 😊
Thanks kuya @jb123 sa pagbisita ng aking fishy post😁
Walang anuman po ate. 😊
Maraming paraan pala para maging mas masarap ang sardines. Salamat sa pag share...
Welcome po and maraming salamat din po Sir @loloy2020 😊
Opo ang dami napong ibat ibang klase luto ng sardinas, lalo napo spaghetti sardines, yummy!
simple at madaling lutuin!!
Opo simple at masarap 😁
Thankyou po Ate @me2selah 😘
ito sana cover photo mo,,paki edit po.
Salamat po @juichi na edit ko napo ☺️
Thankyou po @juichi 😘😘😘