Steemit Philippines| Contest of the week "My Three Wishlists Before 2022 Ends"
Greetings Steemians 😊
Good Day to all Steemians 🥰 how's your Christmas season going?
Hope you're all well and fine.
"Days is fast approaching and Christmas is coming so before this year ends let me share my wishlist".
Noong una kung makita tong contest na ito sabi ko parang wala naman yata akung hiling ngunit ng lumipas ang ilang araw napagtanto ko nay may tatlo o higit pang bagay akong inaasam-asam na makamtan bago man magtapos ang taong ito.
It's been a while since I prayed for this and this is the first wish on my list.
TO BE A FRIEND OF HIM PERSONALLY
Ganito kasi yun guys hehehe tagalog nalang para mas ma explain ko ang aking nararamdaman hehe 😆
Naging kaibigan ko si Lev noon at hanggang sa kami'y nagka-ibigan ngunit yun lang ay masasabi ko na puppy love 💕
Tumagal ang nabuong pagsasamahan namin ng ilang mga buwan hanggang sa bumitaw siya at ang buwan na ako'y kaniyang binitiwan ay ang taong ito (disyembre). Kadalasan sa social media lang kami nagkakausap kasi sa personal di masyado or sadyang di lang talaga siya handa ng mga panahong iyon kaya noong ako'y kaniyang binitawan ako'y lubhang nasaktan. Kasi para sa akin siya na yung tipo ng lalaki na hinahanap ko ngunit mali pala ako di pala.
Ako'y lubhang nasaktan ng mga panahong yaon. Hanggang sa lumipas ang ilang taon mula noong pinaka masaklap na buwan ng aking buhay unti-unti ang sakit na aking naramdaman ay dahan-dahan ding naghilom at mag move on na din.
Sa mga pangyayaring iyon, natutunan ko na di porke't lahat ng gusto natin ay nasa isang tao na o umaayon na sa ating mga gusto ay ibig sabihin siya na o yan na talaga. Kaya tinuruan ko ang puso ko na "Maghintay sa tamang panahon na itinalaga ng Kataas-taasan kasi yung timing Niya always on time, not delayed.
Nga pala, simula noong pangyayaring iyon, ang aming pagkakaibigan ni Lev ay dahan-dahan ding naputol at ang koneksyon namin sa isa't-isa'y unti-unti ding lumabo kaya ang aking Unang hiling bago magtapos ang taong ito ay ang "MAIBALIK ANG PANAHON NA KUNG SAAN ANG SAYA'Y DI MATUTUMBASAN NG KUNG ANO PA MAN" kahit kaibigan lang, nagpapansinan sa personal, di yung hanggang sa social media lang.
Actually, madalas na kaming nagkakausap ngayon sa Social media ngunit sa personal na komunikasyon malabo pa rin, may pag ka shy type din kasi itong si Lev. Kaya yan una kung hiling bago man magtapos ang taong ito sana makamit ko na ang ninanais ko.
Ito nga pala si Lev, ang aking ka-ibigan noon ngunit kaibigan nalang ngayun😊
(Di man maibabalik ang aming nakaraan tanging hiling ko lang na maibalik ang aming tunay na pagkakaibigan kung saan ang kaligayahan na mararamdaman ay di matutumbasan ng kahit ano pa man)😊
Ngayon naman ang pangalawang hiling ko ay "SANA MAKASAMA KUNG MULI ANG MGA TAONG NAGING PARTE NG AKING BUHAY NANG AKO'Y NAG WORKING STUDENT DOON SA SIKATUNA "
Isa din ito sa mga naging prayer ko na sana makasama ko silang muli.
Sila ang mga kasamahan ko na Youth sa Sikatuna (municipality). Noong ako'y nag working student doon nakilala ko sila kasi sa bawat Sunday nagsisimba kami ng aking amo at nakihalubilo ako sa kanila at nagkakilala, tumagal ang isang taon at ilang buwan na sila'y aking nakasama, nakalaro, nakausap, nakapag celebrate ng mahahalagang okasyon kung saan ang aming relasyon spiritually ay mas lalong tumibay. Hanggang sa dumating ang araw na kailangan ko nang umuwi sa amin kasi kinakailangan na ako ng aking mga magulang sa bahay. Ang aming pagsasama ay naudlot at kaya tangi kung hiling na sila'y aking muling maka piling, makasama at maipadama na sila'y mahalaga sa akin.
At higit sa lahat ang inaasam-asam ko na makita, makasama muli ay ang aming kapitbahay doon sa Sikatuna na siyang aking unang naging kaibigan sa lugar na iyon si Charmine Joy at si Carl John.
Sila din ay naging kalaro ko ng iba't-ibang klaseng laro hanggang sa ako'y natuto na mag bike yun ay dahil sa tulong nilang dalawang magkapatid. Hiling ko na sana bago man magtapos ang taong ito ay magkaroon ako ng pagkakataon na sila'y muling makasama ko at maipadama sa kanila na mahalaga sila para sa akin at ang aming mga alaala ay mahalagang mahalaga at kailan may di mawawala sa aking puso't isipan.
Ang panghuli ko namang hiling ay "ANG MAGKAROON NG SARILI KONG PANTALON NA KULAY ITIM NA FITTING ANG KANYANG STYLE"
Honestly, never pa akong nagkaroon ng sarili kung pantalon na galing mismo sa aking pagtitiyaga.
Mayroon akung mga pantalon ngunit ito'y bigay lamang at noong huling Mayo 2021 nagdiwang ang asawa ng aming pastor ng kanyang 60th anniversary at aking isinuot ang kanyang bigay na pantalon na sadyang kasya na kasya at bagay na bagay sa akin,
ngunit ito'y napunit malapit sa pwetan
kaya noong wala na yun hiniling ko talaga na sana bago man magtapos ang taong ito ay sana makabili ako ng ganitong klase ng pantalon kahit di brand new okay na ako.
Hanggang dito nalang nagtatapos ang aking tatlong kahilingan bago man magtapos ang taong ito, it din ang mga bagay o pinapangarap ko na matagal ko ng pinagtitiyagaan na ipagdasal at nawa'y ibigay ito ng Panginoon sa tamang panahon.
Inanyayahan ko sina @usagigallardo @jurich @manticao na ipabatid din nila ang kanilang mga kahilingan bago man magtapos ang taong ito.
Maraming salamat at magandang araw sa ating lahat!🥰
dalangin ko din na matupad ang mga panalangin mo lalo na yung sa inyo ni Lev
Salamat 😊
Sana nga!
Totoo yung mga naririnig ko pag ang kaibigan mo ay naging jowa mo at magka hiwalay ang friendships mawawala din. Sana kahit ex na andun parin yung friendship ano sis? Hihihi
Oo nga ate eh...kaso may pag ka introvert din yan si lev
Ah, unhi lang permi ug tagad sis para mabalik ang friendships
Dili mi klasmet 😢 tas dili sad mi magkahalubilo kanunay so sad
Na inlab diay si Jess. 😁 Sana ay makamit mo ang lahat ng iyong ninanais Jess.
Hehehe yes po ate noong ako'y grade 8 pa lamang hehe...sana ate in God's perfect timing 🥰
I think I can help don sa 1st wish mo, just give me Lev's fb account and ako na bahala hehe.
By the way, may I know your waistline?
Oh 😲
His fb name sir is lev besas and my waistline is 28 and 1/2 😊