#club5050 ||Diary Game Season 3| (11-26-21)|Claiming my Reward

in Steemit Philippines3 years ago

IMG_20211126_142628.jpg

Hello fellow steemians, specially here in steemit Philippines. I hope that everyone is doing good. Here I am again... sharing my daily diary.

Araw ngayon ng byernes, araw ng pag kuha ng modules at pag submit ng mga answer sheets ng aking mga anak sa kanilang eskwelahan.
IMG_20211126_113535.jpg
Kaya, umaga palang abalang abala na ako sa mga gawaing bahay at sa paghahanda ng mga e susubmit na mga modules.
At excited po ako dahil makukuha ko po ngayon ang premyo na aking napanalunan kahapon sa ginawamg FB live kumustahan ng kanilang school na may tema na "NEW NORMAL NA WALANG IWANAN: KARAPATAN NG BAWAT BATA ATING TUTUKAN"
Nag papasalamat ako sa mga teachers at faculties and to our beloved principal for initiating such games for students and parents as well. Isang magandang tulay tungo sa pagkakaisa ng bawat guro, estudyante at mga magulang.
Nanalo po ako ng 100 pesos at McDonald's toy. Laking pasasalamat ko po dahil ang aking 100 pesos ay naibili ko nang pagkain sa aking mga anak at tuwang tuwa ang aking anak sa kanyang McDonald's toy.

IMG_20211126_151451.jpg

Morning po ang schedule nang pagkuha ko ng modules dahil sa hapon ibang sections na naman ang naka assigned, ginawa ito upang maiwasan ang maraming tao kaya by schedule po ang pagkuha at pag submit ng mga modules.

Pag dating ko sa school, medyo nahiya po akung kunin yung premyo ko kasi kailangan ko po puntahan yung teacher na naka assign buti nalang tinulungan ako ng aking classmate noon na teacher na din sya ngayon na sya namang adviser din ng aking anak siya ang lumapit sa assigned teacher upang makuha ko ang premyo.
Maraming salamat po kay teacher Nemia.

PicsArt_11-26-09.13.46.jpg

Pagkatapos ay kumuha na ako ng modules at nag submit ng mga answer sheets.

IMG_20211126_142124.jpg

Sinamahan ko din ang aming kapitbahay na mag papirma ng certificate para sa 4P's beneficiary, while waiting, umupo kami sa may guard house para mag hintay sa papel na pinapirmahan sa aming punong guro.

IMG_20211126_143845.jpg

Pagkatapos ay umuwi na rin kami.

Mainit po ang panahon, naglakad lang kami pauwi, Hindi rin naman kalayuan ang school sa aming bahay kaya naman while walking napag usapan namin ang steemit at na e share ko sa kanila ito.
At naging interisado naman sila at excited na maka login. Kaya pag dating namin sa aming bahay, nagpahinga ng sandali at maya maya ay tinulungan ko ang aming kapitbahay na maka login sa Steemit. And thanks God ay naka pag login naman Siya kaagad. Walang naging problema Hindi gaya ng ibang tinulungan namin na maka pag login na maraming naging problema kaya hindi kaagad naka pag login.
Sa ngayon hinhintay ko na makasali din Siya dito sa Steemit Philippines.

Hanggang dito na lamang po ang aking kwento. Salamat sa pag bisita sa aking post. God bless us all.

Always,
@jenniferocco

20% beneficiary is set to @steemitphcurator.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 59026.89
ETH 2655.48
USDT 1.00
SBD 2.50