Early morning family bonding / 20% goes to steemitphcurator // #club5050

in Steemit Philippines3 years ago

20211025_061137.jpg

20211025_060937.jpg

Isang napakagandang araw po sa lahat. Nandito na naman ako upang ibahagi ang naging bonding namin kasama ang aking pamilya.

Maaga kaming nagising dahil maliligo na naman kami nang dagat. Pagpatak nang alas kwatro nang madaling araw ay gising na ang mga bata. Talagang excited sila dahil maaga silang gumising. Dahil nga araw nang pahinga ngayon nang aking asawa kaya naisipan namin na maligo nang dagat. Naisipan namin na maligo nang madaling araw kasi marami tayong makukuhang mga benepisyo kapag sa madaling araw tayo magbabad sa dagat. Bukod sa may benepisyong makukuha sa madaling araw mas maganda rin na maligo sa ganitong oras dahil hindi pa mainit ang silak nang araw.

20211108_175815.jpg

Masayang masaya ang mga bata habang nagtatampisaw sa tubig. Meron din silang nakukuha na kung ano anong bagay galing sa ilalim at namamangha sila nito. Aliw na aliw sila sa mga maliliit na mga isda sa ilalim nang dagat na kanilang nakikita. Kapag lumalapit sila ay agad agad namang lumalangoy papalayo ang mga isda at hinahabol nila ito. Ang panganay ko ay naghahanap siya nang sisidlan dahil huhulihin daw niya ang mga isda. Natawa nalang ako dahil kampanteng kampanti siya na mahuhuli niya ang isda. Napagod nalamang siya sa kakahabol pero hindi parin niya ito nahuhuli. Naaaliw nalang akong pagmasdan siya.

Simple lang ang bonding namin na ito pero ang sayang naiidudulot nito sa mga bata ay walang kapantay. Nakikita kung masayang masaya sila kahit nagbaon lang kami nang pandesal at tubig ay enjoy na enjoy na ang mga bata.

20211025_070258.jpg

20211025_070254.jpg

20211025_065624.jpg

20211025_065621.jpg

Sa pagpatak nang alas otso nang umaga ay naging mainit na ang sikat nang araw kaya kailangan na naming umuwi. Tila ayaw pang umuwi nang mga bata, hindi nila alintana ang init araw. Napasimangot na lamang sila nang sinabi kung uwian na. Sinabihan ko nalang sila na babalik nalang kami sa susunod na day off ni papa. At dahil doon umuwi silang may saya at nag iisip na sila sa susunod na balik namin.

Hanggang dito na lamang po, maraming salamat po sa pagbasa. Ito po ang iyong lingkod @jeanalyn

Sort:  
 3 years ago (edited)

Greetings to you @jeanalyn,
We are glad that you are eligible for the #club5050 tag. We are also inviting you to visit @steemitfoods and share your daily food diary and delicious recipes. As of now, we have the support of steemcurator01 and 02, you might be the chosen one for our top post of the day! Just follow the instructions for more chances of upvotes! If you have some questions, join our telegram and we are here to assist. Telegram Link

Here is the latest update of our Food Diary Game Season 3 Link

Thank you, see you there!

 3 years ago 

Thank you po sir @juichi

 3 years ago 

Grabe ang aga 4am! Excited talaga sila. Maganda sis at nakapabonding kayo mag anak.

Maraming salamat sa pagbahagi ng inyong Diary post.

Ingat palagi!

 3 years ago 

Hehehe yes po sa sobrang excited nila po 4 am palang ay gising na sila😁

 3 years ago 

Hello po,
Maraming salamat sa pagbahagi ng iyong diary sa linggong ito. 😊

Masaya ang pamilya lalo na kapag nagkakabonding. Ang ganda din lugar niyo po.

 3 years ago 

Yes po napakaganda po dito. Salamat po😊

 3 years ago 

Walang anuman. 😊

 3 years ago 

Congratulations @jeanalyn,
This post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue making quality posts here at Steemit Philippines Community. Remember to always follow the #club5050 rule for more chances of curators' upvote. Link

Show your support by delegating your steempower to our community.

20211105_215049_0000.png

Delegate 50 SP | Delegate 100 SP | Delegate 150 SP | Delegate 200 SP | Delegate 250 SP | Delegate 300 SP | Delegate 350 SP | Delegate 400 SP | Delegate 500 SP | Delegate 750 SP | Delegate 1000 SP

 3 years ago 

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 58119.97
ETH 3054.21
USDT 1.00
SBD 2.26