Ang bonding naming pamilya // 11-15-2021// 20% goes to steemitphcurator
Isang napakagandang araw po sa lahat nandito nanaman ako upang magbahagi nang aking kwento ngayong araw na ito.
Araw ngayon nang lunes at araw rin nang pahinga nang aking asawa at nagkataon rin na sahod niya ngayon kaya naisipan namin na pumunta sa isa sa kilalang simbahan dito sa amin ang birhen sa regla church. Dahil nga ay nalalapit na ang kafiestahan dito ay dagsa narin ang mga tao.
Pagkatapos naming magsimba ay agad agad ay naisipan namin kumain sa isang kilala at patok na pagkain dito sa mercado namin. Ang pagkain na ito ay lugaw na pwedeng parisan nang nilagang itlog or lumpiang gulay.
Tuwing pumupunta kami dito hindi talaga namin nakakalimotan na kumain nang lugaw. Kasi bukod sa masarap ito ay mura rin ito. Sa halagang 115 php ay busog na busog na kaming apat.
Pagkatapos namin na kumain ay naglibot libot kami upang mamili nang ibang pangangailangan namin. Bumili din kami nang ukay-ukay. Marami kang pwedeng mabili sa ukay-ukay basta masipang kalang maghalukay.
Pagkatapos naming maglibot ay pumunta kami sa isang malaking tindahan dito sa mercado dahil may nabalitaan kami na may nagbebenta daw nang microphone na mga old stock sa halagang 20 pesos lang. Kaya pinuntahan namin at totoo nga na may 20 pesos na microphone peru kailangan mo pang piliin nang maigi dahil yung iba ay sira na. Dahil siguro matagal na ang stock kaya may sira na yung iba.
Totoo po na 20 pesos lang ang bili namin niyan at kumanta na kami gamit yan at talagang gumagana siya at maganda din naman ang tunog.
Pagkatapos namin ay pumunta kami sa grocery store upang mamili nang iba naming pangangailangan. Medyo mahaba ang pila kaya medyo natagalan kami doon.
At ang panghuli at ang pinaka request nang mga chikiting at paborito rin nang lahat nang mga bata at pati rin nating matatanda ang jollebee.
Bumili rin kami nang jollebee dahil nga pinakarequest ito nang mga bata. At expected na marami na naman ang tao kaya mahaba habang pilahan na naman😅.
Worth it naman ang mahabang pagpila ko dahil enjoy na enjoy ang mga bata sa kanilang kinain.
Dito napo natatapos ang aking kwento at salamat po sa paglaan nang inyong oras upang basahin ang aking kwento
Lubos na gumagalang @jeanalyn
Napakasaya talaga kapag may panahon ang pamilya pagbonding lalo na kong ang boung pamilya ay nagsama-samang nagsisimba. Sabi nga nila, a family that prays together, stays forever.
Maraming salamat sa pagbahagi ng iyong diary post dito sa @steemitphilippines. 😊
Maraming salamat din po sa pagbibigay mo nang oras upang basahin ang aking kwento😊
Namiss ko magdine in sa Jollibee with our children. At ang galing 20 pesos lang ang microphone :D
Yes po miss ko narin po ang magdine in kasama mga anak ko.
Nag try lang ako bumili kasi nga po maam nahiwagaan ako sa 20 pesos 😅 pero na try napo namin ang microphone na yan at ok naman po siya😊 gumagana naman po.
Magandang balita yan gumana hehe.
This post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue making quality posts here at Steemit Philippines Community. Remember to always follow the #club5050 rule for more chances of curators' upvote. Link
Show your support by delegating your steempower to our community.
Salamat po