Steemit Philippines Photography Contest| Week #3| FilipinoCulture: Ang Simpleng Pamumuhay
Magandang umaga sa lahat, panibagong araw at panibagong hamon na naman ang dumating sa ating buhay, Bukas ay umpisa na ang pagpasok ng ber months.
Ngayon, ay panibagong patimpalak na naman dito sa @steemitphilippines at ito ang filipino culture.
Throwback picture;
At sa araw na ito ay nais kong ibahagi sa inyo ang aking throwback picture ng aking tatay kasama ang aking pinsan noong naghaharvest kami ng niyog. Sila kasi ang nagkakarga nito patawid ng ilog.
Tradisyon o kultura na naming nakatira dito sa probinsya ang ganitong sistema. Kapag magharvest ng niyog ay ito ang pangunahing gamit namin para mas mapadali ang pagtrabaho. Dito sa probinsya lalong-lalo na sa mga sitio ay hindi sasakyang de gulong ang makikita kundi ganito.
Ang tawag namin dito ay balsa yung iba naman kangga o kariton maraming mga pangalan ito depende sa lugar. Hinihila ito ng kalabaw o di kaya ay baka. Marami ang nagagamitan nito, paghahakot ng tubig, panggatong, mga niyog o kahit anong uri ng mabibigat na bagay.
Madiskarte talaga kami dito sa lugar namin, wala kaming sasakyang panghakot kaya ganito ang ginawa namin. Kaya ang balsa at kalabaw ay karamay na ng mga magsasaka dito, laking tulong kasi sa amin para madali ang trabaho.
Hindi lang sa balsa ginagamit ang kalabaw, pwede ring sa sakahan gaya ng pag-aaro o kahit anong sitwasyon na may kinalaman sa pagsasaka. Madali rin itong gamitin lalo na kapag ang kukunin ay nasa masukal na damuhan.
Nakakaaliw at masayang tingnan ang ganitong klase ng pamumuhay, walang pulosyon sa hangin, walang babayaring gasolina, at higit sa lahat Natura na Natural.
Medyo mahirap nga lang paamuhin ang kalabaw lalo na kapag hindi ka sanay sa mga ganitong uri ng trabaho. May halong lakas ng braso at boses kapag nagbabalsa para marinig ng kalabaw kong ito ba ay palalakarin o pahihintuin.
May sinyales kasi kapag gumagamit ng kalabaw at balsa gaya ng;
heeee kong ito ay palalakarin at;
luwaaah kong ito ay pahihintuin.
May mga kalabaw din na mahirap ipasunod, imbis pahihintuin ay patuloy pa ring maglalakad, kaya gagamitan mo talaga ng malakas na paghila para ito ay tumigil.
Pagboud:
Tunay na napakasimple ang aming pamumuhay dito, at ito ang aming kultura o tadisyon sa araw-araw naming pamumuhay, mahirap pero nakakaaliw, nakakapagod, pero masaya.
Nais kong imbitahan dito sa patimpalak sina ate @jurich60, ate @aideliejoie at sir @caydenshan at sa lahat ng mga myembro ng steemitphilippines.
Salamat ya. 😊
Thank you very much. 😊
Hapit ko nahulogan ug sino dala butay. Ganahsn ko kay naay botbot.
Among manok nay nahulugan ugbisa ka bulig wala na naporma. 😁 Salamat sa pagbisita nay. Godbless. 😊
Kalooy sa tag iya.sa manok
Nalipay noon ko nay 😁😁 kay naa nay sud an 😂😂
naalala ko probinsya pagnakakakita ako ng kalabaw. wala kasi kalabaw dito sa city.
Thanks for sharing Del.
Salamat din sa pagdalaw ate, Godbless you. 😊
Mabuhay at Congratulations dahil isa ang post na ito sa napiling recommendation post para sa @booming upvote sa araw na ito. Maghintay na lang po bukas o higit pa kung natanggap.
Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.
Maraming Salamat po!!!
Salamat @steemitphcurator. 😊
Sa tuwing uuwi ako sa aming probinsya niyog din ang aming pangunahing kabuhayan don tulad ng kopras. Saludo sir...
Saludo din ako sa iyo Sir at hindi mo nakalimutan ang probinsya. Godbless. 😊
Ganito talaga ka simple ang pamumuhay nang mga Pinoy dito sa Probinsya at proud ako dito dahil kahit na mahirap ay masaya pa rin na namumuhay.
Salamat sa pagbahagi @jb123.
God Bless!!!
Walang anuman po kuya @loloy2020 😊
Nakaka-relate ako dito dahil sa probensya rin ako lumaki at pangunahin kabuhayan ng family ko ay kopra at palay.
Yes sir, kami dito yan pa rin ang pangunahing gamit namin. 😊
Galing! bisig at pawis kulturang pinoy tradisyong walang kupas at natural
Salamat ate @jurich60 😊
Wow ang galing naman po Kuya @jb123. Nakaka bilib ang energy nyu at lalong lalo na ang Kalabaw. Makikita talaga ang sipag at tyaga pag nasa probinsya. 🌴🐃🐂
Salamat ate @jewel89 😊