Diary Season 3: July 15, 2021; Ang Ilog

in Steemit Philippines4 years ago

Magandang gabi sa lahat, kumusta na kayo? Sanay ay ayos lang kayong lahat. Gusto kong ibahagi sa inyo ang mga kaganapan ng aking buhay lalong-lalo na kaninang umaga sa lugar namin.
Dahil tuwing hapon uulan ng malakas, palagi na ring bumabaha. Kaya may isang gabi na napakalakas ng ulan, kaya inaasahan talaga na babaha ng malaki. Pagka-umaga ay tiningnan namin ang ilog at ito ang tumambad sa amin.
IMG_20210713_100442.jpg
Nabuwal ang lupa pati ang malaking punong-kahoy at tuluyan itong natumba sa ilog. Buti nalang at hindi tinangay ng tubig pero malaki ang nawalang lupa sa kabilang parte mg lugar. Epekto kasi ito sa walang tigil na pag-ulan kaya lumambot ang lupa at bumigay ito. Iba-iba kasi ang lokasyon ng tubig sa ilog, minsan sa kaliwang banda dadaan at minsan sa kanan naman kaya malaki ang tsansa na mabubuwal ang lupa.
IMG_20210713_100403.jpg
Dagdag pa rito, ang lupa na nakatambak dito ay maraming buhangin na nakalagay, walang gaanong punong-kahoy sa gilid na siyang makakapigil upang hindi mabuwal ang lupa. Ang mga punong-kahoy kasi ay natangay na ng nagdaang pagbaha at kaunti nalang ang natira dito. Kaya lahat kami ay nangangamba at baka patuloy itong mabuwal at makarating na sa likod-bahay namin.

IMG_20210713_100420.jpg
Kaunti lang din ang mga bato nakakagay dito at aasahan talaga namin na sa susunod na may malaking pagbaha malaking parte ng lupa ang mawawala na naman. Kaya plano naming gumawa ng paraan para mapigil ang paguho nito. Plano naming maglagay ng buhangin at bato sa mga sako at ilagay sa gilid ng ilog.
IMG_20210715_174643.jpg
Kaninang hapon ay umulan na naman ng malakas habang nasa bahay ako ng aking tita. Kaya nangangamba na naman ako at baka may malaking pagbaha na naman na magaganap sa ilog namin.
Pero kahit medyo nasa panganib ang kalagayan namin dito pero sanay din kami dahil dito na kami pinanganak, lumaki at nabuhay. Sanay na rin kami sa malaking pagbaha ang tanging magawa namin ay e monitor ang pagbaha at maging handa palagi.
jb123.gif

Sort:  
 4 years ago 

Ang laki nga ng mga nabuwal na lupa...mejo malawak pla ang ilog dyan at mas lumawak pa lalo. Doble ingat po kayo dyan kuya @jb123 tama po yan minomonitor nyu for safety. Kame naman dto saamin is praying na umulan pra magka tubig.

 4 years ago 

Salamat ate 🤗

 4 years ago 

Ingat kayo jan del. Dyan ba kayo kumukuha ng sand gravel na blog mo sa mga naunang araw?

 4 years ago 

Salamat ate.. opo dyan po kami kumukuha ng sand and gravel. 🤗

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.25
JST 0.039
BTC 105647.40
ETH 3331.47
SBD 4.08