The Diary Game Season3 // Kapistahan ng Mahal na Birhen de Regla// by @itsmejos

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

FB_IMG_1637446614104.jpg

20% payout para sa @steemphcurator

A blessed Sunday sa Lahat.
Hello Steemit Philippines Mabuhay...
Gawin natin Masaya at Masigasig ang ating mga Buhay Gaya ng pagmamahal na ibinibigay ng Panginoon Diyos sa bawat isa sa atin.
Nais kong ibahagi sa inyong lahat ang mga kaganapan sa fiesta ng aming Lugar.

Kahapon ang nakatakdang petsa ng kapistahan ng Birhen de Regla sa aming lugar,sa mga nariring kung usapin tungkol sa imahe na ito ito'y isa sa mga nagmimilagro na Santa Kayat sa tuwing kapistahan niya maraming mga dayuhan o mga tao na pumupunta sa simbahan upang makapagdarasal at mananampalataya. May mga nag aalay ng mga bulaklak kay Mama Mary. Pagkalabas namin sa aming trabaho ako at ang aking mga kasamahan sa trabaho at dumiritso kami sa simbahan para makapagtirik ng kandila at mag alay ng aming mga panalangin.

IMG_20211029_174139.jpg

IMG_20211112_190052.jpg

Ito ay isa sa mga nakagawian natin mga Pilipino ang pagiging maka Diyos sapagkat namana na natin ito sa mga kanu nunuan natin at higit tayong mga Pinoy ay naniniwala na mayroong Diyos. Maraming tao sa simbahan sapagkat dalawang taon na hindi nakapagdiwang ang simbahan ng kapistahan sapagkat nagkaroon ng pandemya sa buong bansa kung kaya sa pistang ito marami ang nasisiyahan
sapagkat unting unti na bumabalik sa dati ang mundo dahil kaunti narin ang naitala sa mga peryodiko hinggil sa covid-19 at yan ang pinakapinagdarasal ng karamihan sa atin ang maibalik na sa dati at magiging normal na ang lahat.

IMG_20211121_201747.jpg

IMG_20211121_201605.jpg

IMG_20211121_201636.jpg

Pagkatapos namin sa simbahan dumiritso kami sa Bahay ng isa sa kasamahan namin sa trabaho para maki fiesta narin. Sa bahay nila kami ay masayang kumakain at nagkukuwentuhan sa mga bagay bagay. At nag kuwento rin ang Ina sa kasamahan namin na sa tuwing kapistahan ang maghahanda talaga sila hindi lang para sa mga bisita kung di ito ay naging tradisyon na nila sa kanilang pamilya at ito ay isa sa paraan ng kanilang debosyon kay Mama Mary.
At pagkatapos naming kumain kami ay busog na at pagsapit ng alas nuwebe ng gabi kami ay nag siuwian na sapagkat malalim na ang gabi.

IMG_20211120_183527.jpg

Pag uwi namin wala ng trapik sa daan kaunti nalang ang mga sasakyan .

At hanggang dito na lamang ang aking salaysay, isang masaya at tagumpay na kapistahan ang aming nararanasan. Hanggang sa muli Maraming salamat ..... Kept safe ang God's bless us always.

Truly Your's
@itsmejos

Sort:  
 3 years ago 

Happy fiesta and be safe

 3 years ago 

Thank you....

 3 years ago 

Wow congrats

 3 years ago 

Salamat ng marami 😇

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.17
JST 0.028
BTC 68552.89
ETH 2454.37
USDT 1.00
SBD 2.36