VERIFICATION POST; VISAYAS-REGION @glennamayjumaoas 14/10/2021
MAESTRA RAKETERA NG CEBU, GLENNA!
Magandang buhay Steemit Philippines! Magandang buhay sa lahat! Nais ko po sanang magpakilala sa inyo! Dati na po akong bahagi ng Steemit, datapwat, sa hindi inaasahang mga kadahilanan, ako po ay nahinto. Nahinto man, ako po ay bumabangon at muling sumusubok! Nawa'y bukas ang tahanang ito para sa isa na namang indibidwal na punong-puno ng kuwento tungkol sa kabiguan at tagumpay!
Ako nga po pala si Ginang Glenna May J. Raganas, guro, maybahay at raketera. Nagmula po ako sa isang mahirap na pamilya na may mayabong na pangarap. Naniwala ako na mairaraos ko ang aking pamilya kapag ako ay nagpursige sa pag-aaral. At iyon nga, sa tulong ng aking butuhing mga magulang, na hindi ininda ang kahirapan sa buhay, nakapagtapos ako at nakahanap ng magandang trabaho.
Dahil sa mga pagsubok na aking nadaanan, natuto akong kumayod at magsumikap. Gamit ang talentong bigay sa'kin ng Maykapal, at hinubog ng aking ama, ako ay naging punong-abala sa kahit anong okasyon ma pa piyesta, kasal, kaarawan at kung ano-ano pa! Hindi ko na mabilang kung ilang ulit ko na itong ginawa, 'di ko na rin alam kung magkano lahat ang aking kinita, pero isa lang ang alam ko, hindi kailan man nakakakain ng maayos ang punong-abala dahil palagi itong abala. HAHA
Maliban diyan, dahil salat sa mga magagandang bagay noong ako'y musmos pa lamang, pangarap ko ang magkaroon ng isang tindahan na punong-puno ng mga magagandang damit, bags, sapatos at iba pa. Ngayon, malayo man ito sa aking pangarap na tindahan, sinisimulan ko na ang pagtitinda ng mga damit at bags. Pakiramdam ko, bumabawi ako sa aking sarili. Wala ako ni isa ng mga ganito kagagandang damit at bags noon, ngayon, niraraket ko na!
Raketera man, hinding-hindi ko isinawawalang bahala ang aking pagiging guro. Nananatili pa rin itong nangunguna sa aking listahan. Kailan ma'y hindi kayang tumbasan ng kahit anong raket ang pag-asang naibibigay ko sa aking mga mag-aaral. Raketera man, sinisigurado ko, kasama ng aking butihing asawa, na maging masipag at mabuting mga guro, para sa bata, at para sa bayan.
Ang buhay talaga kailangan pinag-sisikapan. Hindi lahat ay masuwerting ipinanganak na may kaya. Pero sa totoo lang, sa tingin ko, hindi ako magiging ganito ka-tiyaga kung naging madali lang ang buhay sa akin. Tingin ko, pinatatag ako ng ng aking sitwasyon at ng panahon.
Hanggang dito nalang muna siguro. Hanggang sa muli.
Nagmamahal,
Glenna
nice story mam... enjoy!
Salamat maam! Laban lang. 😍
Welcome back to steemit ma'am and welcome to Steemit Philippines!
Thank you po ma'am! 😍
Hello Sis! Welcome to Steemit Philippines! Katulaf mo isa din akong raketera. Mapa online selling, blogging at iba ba.
More success to you po!
Welcome once again sa Steemit Philippines. For community updates, pwede nio pong bisitahin ang ating community account @steemitphcurator.
Amping kanunay!
Hello siiis! Thank you! Mabuhay ang mga raketera! Hahahha. Sure sure, will do. Thank you again! 😍
Welcome bebsy ! 🥰
Thank you, bebsy! 😍
Welcome back madam! 😍
Thank you madam! 😍