The Diary Game Season 3: (October 29, 2021) Pack lunch at ice cream para sa kabataan sa aming lugar

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang hapon po sa lahat lalonglalo na po sa nga taga Steemit Philippines na matiyagang nagtatrabaho para sa pamilya kahit sa matinding init, ulan, na may kasamang sakit ng katawan.

photoCollageMaker_20211029_180941816~2.jpg

Ngayong araw ay ibabahagi ko sa inyo ang kabutihang nagawa na inyong lingkod kasama na rin ng mga kasamahan natin sa platapormang ito katulad ni @traderpaw.

Sa nakaraang araw ay nagkita kami ni @traderpaw para ibigay ang pera na tira sa kanyang charity events noong siya ay aktibo pa. Sa ngayon ay naging abala pa po siya a pag aasikaso ng kanyang mga papeles sa kanyang bagong trabaho sa ibang bansa. Ayon sa kanya ay tulong iyon galing kay @el-nailul at @nazarul. Gusto ni @traderpaw na magamit iyon para sa mga bata.

IMG20211027140353.jpg

Ibinigay ni traderpaw sa akin ang 2,000 Php or 40 USD. Tama rin at may dalawang taon na bata na nagdiwang ng kanyang kaarawan. Wala silang pambili ng ice cream at konti lang ang kanilang packlunch kaya ibinahagi ko ang pera na laan talaga para sa mga bata.

Ang isang malaking container ng ice cream na cookies and cream ang flavor ay naghahalaga ng 1,300 Php or 26 USD ang ang natira pa na 700 Php 14 USD ay para sa pack lunch.

IMG20211028155627.jpg

IMG20211028155618.jpg

received_4387877394633530.jpeg

Napaka sayang tignan ng mga bata na nag eenjoy sa ice cream na unlimited dahil minsanan lang po ito. Nabusog din sila sa pagkain na ibinagi namin para sa kanila. Makikita sa kanilang mga mukha ang kasiyahan lalo na kasalo nila ang kapwa bata.

IMG20211028170036.jpg

IMG20211028164038.jpg

IMG20211028163846.jpg

Sa kabila ngkahirapan ngayon hindi pa rin sagabal ang pasiyahin ang mga bata sa maliliit na bagay na para sa kanila ay malaking kasiyahan na. Sana sa susunod na act of kindness namin ay maka pamahagi din kami sa mga matatanda o medyo hindi na bata dahil sigurado gustong-gusto din nila na maka libre ng ice cream lalo na po kon pagkain na magagamit sa buong pamilya.

Maraming salamat sa mga sumusuporta sa akin at sa mga gawain na makakatulong ng mga nangangailangan.

Mabuhay po tayong lahat at sana ay pagpalain tayo ng Diyos sa langit.

Sort:  
 3 years ago 

ang ganda naman ng activity nito mam... Namiss ko na rin magcharity

 3 years ago 

Naka gawa na po kayo ng charity nung birthday ng anak ninyo kasi pinapasaya mo yong mga bata sa lugar ninyo sa pagbigay ng candies at foods sa kanila. God bless po

 3 years ago 

Wow! Kay buti ng iyong puso ma'am!

 3 years ago 

Salamat po ma'am. Ingat po kayo

 3 years ago 

God will bless you aunte for the kindness you have in your heart and kay @traderpaw who also helped

 3 years ago 

God bless you too!❤️

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.18
JST 0.033
BTC 88286.50
ETH 3019.87
USDT 1.00
SBD 2.77