#BURNSTEEM25//THE DIARY GAME 11-08-2022//"MORAL RECOVERY PROGRAM"

in Steemit Philippines2 years ago

Binabati ko po ang bawat Steemians dito ng isang mapagpalang gabi sa ating lahat. Isang karangalan po na mabahagi ko sainyo ngayon patungkol sa kong ano ang Moral Recovery Program.

Batid po nating lahat na hindi lang sa simbahan tayo makakarinig ng pangangaral galing sa salita ng Dios, kung hindi maging sa social media. Marami tayong nakikita sa internet na mga tauhan na s'yang nangangaral sa mga tao kalsada, market, at iba pa, at laganap na ito hindi lang sa Pilipinas, kundi maging sa ibang bansa. Hindi lamang mga Pastor, Propeta, Ebanghelista, Misionario, at Guro na nasa five fold ministry, kung hindi ay maging mga kabataan na hinirasyong ito.

Salamat sa Panginoon sa kanyang gabay at sa pagbubukas ng daan na ang Lanao District Council of the Assembly of God ay nagkaroon ng opurtunidad sa pagtuturo hindi lamang sa loob ng simbahan, kundi'y pati na rin sa mga matataas na antasang paaralan.

Ang Moral Recovery Program ay isang values na subject ng mga studyante, kong saan ay nagtuturo ng mga pangangaral na mula sa salita ng Panginoon na nakasulat sa aklat "Biblia".

Nakikita po natin sa hinirasyong ito na ang mga kabataan ay rurok na sa pag bebisyo, kahit mga mag-aaral ay lantaran na sa mga malalaswa at hindi kaaya-ayang mga galaw o gawain na kanilang naging lifestyle. Maraming napariwara na mga kabataan kaya tumataas ang rating ng mga maagang nabubuntis dahil sa kakulangan sa pagtuturo ng magandang kagawian at asal.

Kaya naman salamat sa Panginoon at binigyan niya kami ng uportunidad sa pagtuturo ng kanyang mga salita sapagkat nakakatulong po ito upang magabayan at matuto silang magkaroon ng takot sa Dios. Hindi lang magandang pag-aasal ang itinuro dito kong hindi ay lahat na po.

Kaya sa araw na ito, masaya ako nakasama sa programang ito kasama sina Pastor Dudz at Pastor Romel. Isang malaking karangalan rin na nakakapag bahagi kami ng mga testimonyang nakapagbibigay ng inspirasyon sa mga studyante patungkol sa kong paano kami binago ng Panginoon, at nakapag aabot ng mga dalangin para sa mga studyanteng ito, higit sa lahat, natuturoang gabayan hindi lamang sa kanilang pisikal, ngunit maging sa kanilang spiritual.

Salamat din sa Panginoon sa buhay ng mga guro na tumanggap sa kanilang paaralan ng pangangaral tungkol sa salita ng Dios.

Ang lahat ng handog na papuri ay para lamang sa Panginoon!

25% payout of this post goes to @null

God bless us all.🙏🏻🙌

Sort:  
 2 years ago 

God bless 😇.... tinuod gyud te .. nindot na nga program bah kay makatabang jud sa mga bata

 2 years ago 

Totoo sis at ang mga kabataan ngayon mas maraming oras sa teknoloheya.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.12
JST 0.027
BTC 55499.23
ETH 2917.22
USDT 1.00
SBD 2.30