#Burnsteem25 | THE DIARY GAME Season 3 | "SANGGUNIANG KABATAAN SEMINAR" DAY 3 | 08-25-2022 |

in Steemit Philippines2 years ago

AddText_08-24-11.46.18.jpg

Blessed evening Steemians. Tonight hayaan nyo po ako na magbahagi sa ika tatlong kaganapan ng aming seminar.

Kaninang umaga matapos kaming mag-agahan, 9 am ay sinimulan namin ang pang anim na session. Medjo stressed na ako sa daming workshop. Sa bawat Barangay ay dapat maka pasa sa ganitong workshop patungkol sa Purchase Request (PR), Purchase Order (PO), Inspection and Acceptance Report (IAR), Stock Card (SC), Property Equipment Card (PEC), Requisition and Issue Slip (RIS), at Property Acknowledgement Receipt (PAR). Di ko paman natapos ay nag bigay na agad sila ng snacks, pero habang papatapos na kami sa snacks, medjo nakaka tense na ang mga sumusunod dahil maya't maya lang ay ereport na namin ang aming mga natapos na workshop. Mayroong pito na worksheet ang dapat na masagotan, buti nalang dahil sa kinapos kami sa oras, ay kinakailangan nalang na mayroong dalawang representative sa bawat municipality ang mag rereport.

IMG_20220824_232257.jpg

Approaching to 1pm natapos ang unang session namin tsaka kami nakapag pananghalian. 15 minutes lang ang itinagal sa aming kainan bago ulit kami maka balik sa part 2 nang session six. Medjo maiyak-iyak na ako sa sobrang pagod at puyat magawa at matapos ko lang ang mga gawain sapagkat iniwan ako ng SK Chairman at Treasurer na kasama ko dahil sa hindi na kinaya ang sobrang pagod, at nagpahinga na sila during session, kaya ako na ang gumawa sa lahat, gayoon paman, dahil sa gabay ng Panginoon, naitawid ko naman lahat hanggang sa maghapon.

IMG_20220824_232435.jpg

Natapos ang buong maghapon at dumating na ang gabi. Sa gabing ito ay mayroon kaming tinatawag na social night. Sinimulan ito ng pa raffle, salamat sa Dios at na picked ang pangalan ko, at naka receive ng gamit, sinundan agad ito ng haponan. Matapos ang haponan ay official na inumpisahan ang social night. Hinati kaming lahat sa anim na grupo. Bawat grupo ay magpi-present ng tiktok kaya di ako sumali, pumayag naman ang staff. Maraming mga patimpalak na laro kaya ang bawat isa ay nagsisiyahan at masayang nagpi-perform habang nakipag compete sa ibang mga ka grupo. Natapos ang social night na puno ng saya at majority sa mga dumalo ay nag night swimming habang ako ay nagpapahinga na.

Salamat sa Dios sa kanyang walang sawang gabay at pagbibigay ng lakas upang makayanan ang mga gawain sa buong araw.

Ang lahat ng papuri at pagsamba ay para sa kanya lamang.

Magandang gabi ulit Steemians!
God bless po sa'ting lahat.

25% beneficiaries goes to @null

Sort:  
 2 years ago 

Kahit saan talaga uso ang tiktok ba, ang saya naman ng social night ninyo.

Date verified: August 25, 2022
StatusRemark
Verified user
At least #club5050 status
Plagiarism free
#steemexclusive
Not using bot
At least 300 words

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.12
JST 0.027
BTC 55499.23
ETH 2917.22
USDT 1.00
SBD 2.30