#BURNSTEEM25|THE DIARY GAME 09-2-2023|"CHURCH DEBUT"

in Steemit Philippines10 months ago

IMG_20230902_214235.jpg

"Celebrating God's Goodness" ito ang naging Tema namin sa pag celebrate ng 18th Church Anniversary ng Living By Faith Global Mission Assembly of God sa Camanga na pinangangalagaan ng isang faithful na lingkod ng ating Panginoon na si Pastor Eddison Jaudian.

IMG_20230902_212552.jpg

Sabado ng umaga ay pumunta na ako sa simbahan upang gawin ang parte ng gawaing pinapagawa sa amin. Kasama ko si Sister Charimar Yapac na s'yang naka assign bilang chairman ng pagsasagawa ng church decoration. Golden yellow at peach- ito ang naging motif namin sa celebration kaya sinimulan namin mula 9am kasama narin c Jonairah Pecolados na isa sa aming youth, hanggang sa dumating narin si ate Elvie Dalong para tumulong saamin, hanggang sa nagsidatingan na ang iba pa naming mga kasamahan sa church kasama na rito sina Pastor Eddison at kanyang pamilya.

IMG_20230902_212730.jpg

Bawat isa ay tutulungan upang mapadali ang trabaho sa Pag dedecor, salamat sa Panginoon at dumating ang kapatid ni Pastora Jen na si ate Beth kasama ang kanyang asawa na si Pastor Junifer Hequilan na sya namang tumulong saamin dala ang kanilang mga youth upang mas lalong mapadali ang mga gawain. Salamat sa Panginoon at nagkaisa ang lahat hanggang sa matapos, pagka gabi nag eensayo na kaming mga music team para sa Praise and Worship.

Kinabukasan Linggo na, at sobrang excited na kami sa pag cecelebrate ng debut ng church. Maraming mga dumalong bisita sa ibang church, andon rin ang Barangay Captain kasama ang iba pang mga kagawad sa lugar ng Camanga. Naging living testimony rin sila kong paano nasimulan ang pagsasagawa ng pagtitipon sa church na iyon, at nasakhihan rin nila kong paano ito nagsimula at sinubok ng mga pagsubok hanggang sa naging successful dahil sa tulong ng Panginoon.

IMG_20230902_212424.jpg

Kumuha rin ang church ng Speaker mula sa Mother Church na si Rev. Ronie Perez kasama na rin nito ang kanyang maybahay. Salamat sa Panginoon naging successful ang PART 1 ng aming gawain, ang pagsamba at pagpapasalamat sa Panginoon sa 18th year ng kanyang patuloy na pagbibigay ng siksik, liglig ,at umaapaw na mga favor sa church na ito.

IMG_20230902_212129.jpg

Ang PART 2 ng patuloy na pagsasagawa ng nasabing selebrasyon ay ang tinatawag na Praise and Worship Explosion and Healing Crusade na naganap sa mismong covered court ng Barangay na sinimulan ng alas tres ng hapon. Mayroon ring mga pakulong prizes na kong sinong pangalan ng mga dumalo ay makakatanggap ng mga pabuya. Salamat sa Panginoon at mayroong mga dumalo mula tanghali ng araw na iyon hanggang kinagabihan. Maraming pumunta upang magpapa-pray kay Pastor kasama ng aming Section 3 Presbyter na si Rev. Jun Villagracia. Karamihan rito ay mga taong may karamdaman at salamat sa Panginoon dahil sa kanilang malaking FAITH kay God, nakaranas ang iba sa milagro na ginawa ng Diyos sa kanila o tinatawag nating Divine Healing.

Pagkatapos ng nasabing event ay mayroong hinanda ang church na haponan dahil marami pa naman ring mga pagkain na natira mula sa church. Salamat sa Panginoon sa kanyang biyaya at gabay na naging successful ang 18th Church Anniversary, Praise and Worship Explosion at Healing Crusade sa isang buong araw na iyon. Mula preparasyon hanggang matapos, salamat sa Panginoon sa lakas na kanyang binigay sa bawat isa na involved sa event na iyon.

Magandang gabi Steemians.
Purihin ang Panginoon! 😇

25% payout from this post goes to @null

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.12
JST 0.028
BTC 55629.86
ETH 2914.29
USDT 1.00
SBD 2.28