#BURNSTEEM25|THE DIARY GAME 02-29-2023|ANG AKING SPECIAL NA ARAW

in Steemit Philippineslast year (edited)

Ito na nga! Magandang gabi Steemians.

IMG_20230129_203701.jpg

Sa araw na ito hindi ko lubos maisip na kaarawan ko na pala. Parang kailan lang noong nag birthday ako last year. Masaya ako dahil labis ang pagmamahal ng Dios sa akin na hanggang sa araw na ito, ay kanya pang dinagdagan ang aking buhay, at masayang nag se-celebrate kasama ang mga pamilya ko kay Kristo.

Alam naman natin na habang tumataas ang age natin, ay pababa ng pababa ang pamumuhay natin dito sa mundo. Dahilan na sobrang greatful ako life extension na gift ni God sa akin.

IMG_20230129_204200.jpg

Kaninang umaga hindi ko halos maipaliwanag ang aking saya nang narinig ko alas kwarto ng umaga ba may kumakanta sa labas ng bahay. Nagising ako sa mga kanta na sumalubong saakin, iyon pala ay sina Pastor Romel, Pastor Quilven, Kuya Jeypee, Kuya Junrey at Jicel pala ang nag serenade sakin.

Sinalubong nila ang araw ko na puno ng kasiyahan, declaration at dalangin, kasama ang mga pagkain na kanilang surpresa. Salamat sa Dios dahil sakanilang effort, sakripisyo na gumising ng umagang umaga at mga expenses para surpresa saakin. Walang mapaglagyan ang tuwa ko na may hindi nakakalimot sa birthdate ko.

Matapos ang serenade, pumunta kami sa church upang mag samba sa ating Panginoon. Nag-alay rin ng mga panalangin si Pastor Dudz sa akin.

Wala talaga akong inihanda sa araw na ito, sapagka't ang inisip ko ay di baling walang naihanda basta maibili ko lang ng gamot ng papa dahil kakalabas lang ng hospital yun at kailangan niya ang para sa kanyang gamot. Para saakin mas mahalaga ang pangangailangan ng papa ko, di bali nang walang handa, malusog at masaya naman ako.
Masaya ako dahil marami namang bumati saakin at nag bigay ng mga panalangin at declaration.
Ito na nga! Magandang gabi Steemians.

IMG_20230129_204438.jpg

Matapos ang aming church divine service at celebration of Bible month, umuwi na agad ako, subalit maya't maya ay nag chat saakin si Sir Dan, ma'am En, Junrey at Jicel na gusto silang maligo ng dagat at maghanda ng kunting salu-salo in extension saaking kaarawan kaya napag-isipan namin na mag ambag-ambagan kami para sa pagkain, at yun nanga, nakarating kami sa Old Pantalan at masayang nag diwang kasama si Kuya Jeypee.

IMG_20230129_204728.jpg

Napaka simply lang ang pagdiwang ng birthday ko, kaya praying na sa susunod makakabawi ako sa mga hindi ko nakasamang mag celebrate na mga kasamahan sa church in God's favor. Alam ko namang nauunawaan nila ang sitwasyon ko kahit di ko man sinabi sakanila.

Isang malaking pagpapasalamat ko sa Panginoon dahil nananatili s'yang tapat sa'kin sa lahat ng aspeto saaking buhay. Kailan man ay hindi sya nagkulang at hindi nagpapabaya saakin. Up to this age, I am so much blessed and greatful kasi may Panginoon akong palagi kong masasandalan at laging nag co-comfort saakin. Isang malaking pasasalamat ko sa kanya sapagka't nakarating pa ako sa edad na ito dahil maraming tao ang hindi pinalad na makaabot sa edad na ito. Tunay ngang kay buti ng ating Panginoon.

This is how I celebrate my birthday.

Sa uulitin, magandang gabi Steemit Philippines.

GOD BLESS US ALL!

25% payout from this post goes upon @null

Sort:  
 last year 

Hello there! Happy birthday! Seems like you really enjoyed your special day. Wishing you all the best in life and may your dreams come true!

 last year 

Thank you so much for your greetings and wishes ma'am ❤️ God bless you.

 last year 

Happy Birthday po. 😊

 last year 

Thank you so much 🥰

 last year 

You're welcome po. 😊

 last year 

TEAM 5 CURATORS

This post has been upvoted through steemcurator08. We support quality posts anywhere and with any tags.
Curated by: @chant
BRINGING_MUSIC_TO_YOUR_EARS.gif

 last year 

Belated happy birthday sis. Gusto ko rin maranasan ang mamanyanitahan ba, kay wala jud koy mahinumduman nga ge manyanitahan ko sa akong birthday hihihi.
Ako lang mahinumduman kay mo uban ko mag manyanita hihihi ganahan kaayo ko ana mag uban uban mag manyanita, magpapasaya ng birthday celebrant.

 last year 

First time ko din ma mañanitahan diri sa Mis.Or. Sis. 😅😆 Bitaw, maka experience raka ana puhon. ☺️🥰

 last year 

Maobah? Atleast naka experience najud ka, thoughtful kaayo sila sa imuha ba.

 last year 

Happy birthday! It's great to hear that you celebrated your special day surrounded by loved ones and with gratitude towards God. Your appreciation for life extension is inspiring and heartwarming. Your simple celebration with friends and family shows that it's the company that truly matters. Wishing you many more blessings in the future.

 last year 

Happy Birthday Sis! Nkikita ko sa mga larawan na talagang maraming nagmamahal sa iyo.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.12
JST 0.028
BTC 55629.86
ETH 2914.29
USDT 1.00
SBD 2.28