#BURNSTEEM25||THE DIARY GAME 11-04-2022|| "ECO-FASHION"

in Steemit Philippines2 years ago

Hello dear Steemians! A blessed night po sainyo. I know busy po ang lahat dito at abala sa pagtatrabaho, pag-aaral, pag-aasikaso sa mga gawaing bahay at iba pa. But let me share this with you sa kong ano rin ang pinagkakaabalahan ko.

Matapos kong makapagsaing at makapag haponan, nag hugas agad ng pinggan tapos nakapag-ayos na sa sarili, nakita ko yong pinsan ko na tulala at malungkot. Tinanong ko kong anong problema, sabi nya may gaganaping fashion contest of recycled materials sakanilang paaralan kinabukasan at wala s'yang ganoon. Meron akong mga kagamitan na mga recycled materials kaya binigay ko sakanya upang makapag gawa sya.

Mahigit alas utso na ng gabi ngunit hindi nya pa rin sinimulan, yon pala ay hindi sya marunong gumawa at wala s'yang idea paano gawin ito, kaya ako na ang gumawa.

Ang mga recycled materials lang na meron ako ay:

      —Trash bags
      —Paper Plates
      —Softdrinks Straw
      —Used Papers
      —Old fit dress

Ang ginamit kong pandikit ay stick glue, wala akong glue gun kaya lighter ang ginamit kong pangtunaw ng stick glue. Mano-mano kong ginawa lahat.

Ang old dress tapos inumpisahan ko sa dulo, sa may tuhod banda. I fold the papers and formed it into something like paypay, tapos dinikit ko isa-isa sa ibaba upang ang old fit dress ay magkakaroon ng mabubukadkad sa dulo na hindi na kinakailangan pa ng piticot dahil ito na ang silbing piticot nito.

I cut the paper plates into circle form at dinikit sa clothe na s'yang magmumukhang polkadats. I placed it at the upper side of folded papers. Tapos, ang mga tira-tirang na cut na parte ng paper plates ay idinikit ko lahat sa buong likuran ng dress.

Ang softdrinks straw ay ginawang parang mga maliliit na bulaklak dahil kulay pula at puti naman ang mga ito, tapos idinikit sa may mga paper plates polkadats side upang matabunan ang clothe at hindi makita, tapos sa front lang lahat nakadikit.

Ang trashbag ay pinag gugupit ng mga lailiit rin at ginawang bulaklak. Hindi masyadong makikita ang kanyang beauty dahil kulay black ngunit nagawan pa rin ng paraan. Ito ay nakadikit simula sa dibdib papuntang biwang.

Simula around eight PM ng gabi kong sinimulan, alas dos ng kinaumagahan ko natapos. Nakatulog lang ako ng dalawang oras at mahigit tapos gumising upang magtinda sa canteen at makapanood ng kanilang fashion pageant contest sa paaralan.

I thank God na kahit hindi maganda ang pagkakagawa ko, na appreciate ng pinsan ko at labis nya pang ikinasiya dahil hindi na sya ibabagsak ng kanyang teacher. Salamat din sa Panginoon na s'yang nagbitaybigay nang lakas saakin sa paggawa nyan, na kahit halos walang tulog, pagkatapos ng pagtitinda at panunood ng kanilang paligsahan sa paaralan, God sustain my strength, at nakasama pa ako ngayong hapon sa campus ministry na ginanap sa Initao Comprehensive high school at nakauwi na safe and sound.

25% beneficiary goes to @null

All the Glory and honor belongs to God alone.

God bless Steemians at mabuhay tayong lahat.

Sort:  
 2 years ago 

Napakahusay na ideya! Eco-fashion, i think this could be a great initiative specially here in the philippines.

 2 years ago 

Wow napaka talented nyo po sis, naisip mo yan agad agad last minute na. Amazing!

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.12
JST 0.027
BTC 55499.23
ETH 2917.22
USDT 1.00
SBD 2.30