#BURNSTEEM25 || THE DIARY GAME 10-11-2022 || "NEGOSYONG PATOK SA PASUKAN"

in Steemit Philippines2 years ago

Maligayang araw mga Steemians. God bless sa'ting lahat. Just wanna share with you today, kong ano ang negosyo na aming binibenta sa canteen.

Ang mama ay mahilig magluto ng mga kakanin na binibenta namin ngayon o sa mga araw ng pasukan ng mga studyante.

Ito po ang kanyang mga niluluto:

KUTSENTA
— ito ay gawa sa all purpose cassava flour, na hinaloan ng lye water, brown sugar, salt, pwedi ring haloan ng food coloring pero, itong gawa ni mama ay wala pong food coloring, tapos kinayod na niyog ang nagsilbing kanyang toppings then e steem ng mahigit 15 minutes.

HOTCAKE
— ito ay gawa sa 3rd class flour na may halong itlog, margarine, salt, brown sugar, baking, yeast tsaka pagka naluto na, white sugar ang ibudbod sa ibabaw.

MARUYA
— ito ay saging na hinaloan ng harina o coated by flour with the orange food color. Tapos e di deep fry sa pinakulong mantika. Matapos ma fry ay budburan ng white sugar.

SIOPAO
— ito ay hindi class na siopao na lagi nating nakakain sa 7/11 o kaya sa Chowking, ito ay simple lamang. Ang laman po ng siopao ay bihon with carne norte and egg, tapos ketchup.

BUTSIE
— ito ay mula sa minasang harina mixed with egg. Ang nagsilbing palaman nito ay bukayo. Ang bukayo ay isang niyog na niluto na may halong mascubado, vanilla, salt, brown sugar and water tapos pamalahin hanggang maging sticky tsaka ipalaman sa minasang harina, then mag- antay ng mga 30 munites bago e deep fry sa mainit na mantika.

SHAKOY
— ito ay gawa sa minasang harina na may halong egg, baking, yeast, vanilla, salt, margarine at brown sugar. Mix all with water. Pagkatapos masahin, mag hintay ng 30 minutes upang patuboin, tsaka e fry sa mantika. Kapagka naluto na, ay budboran ng white sugar.

TORON
— ito ay isang saging na binalot ng lumpia wrapper, tapos prituhin. Pwedi ring sa Pag prito ay lagyan ng brown sugar upang may lasang manamis tamis ang binalot nito. Pagkatapos maluto ay tuhogin ang bawat isa ng barbecue stick at,
SAGING BARBEQUE
— ofcorse ito ay saging na hinaloan ng latik.

SUMAN
— ito ay gawa sa pure glutinous na bigas na niluto at hinalo sa nilatik na katas ng niyog na may halong white sugar, and salt. After mixing, ilagay sa dahon ng saging sa ganitong shape tapos ilagay sa steemer at e steem ng mahigit isang oras. Kaya umabot sa isang oras na Pag steem dahil marami ang laging niluluto ng mama.

GULAMAN
— ito ay may kani-kaniyang flavor, ngunit ang laging pinipiling flavor ng mama ay butong. Ito ay ihalo sa tubig at kapag ito ay kumulo na, tsaka ilipat sa lalagyan at hintayin hanggang lumamig tsaka e slice dependi sa shape na iyong gusto. Haloan ng condensada at malamig na tubig. Tapos e serve.

Ito lang po ang mga naluto ng aking ina ngayon, na s'yang aming pinaninda dito sa high school canteen. Salamat sa Panginoon sa kanyang gabay, lakas at kaalaman na binigay kong paano ito lutuin lahat.

BILI NA KAYO!😊

Hanggang sa muli, isang mapagpalang araw Steemians.

25% goes to @null

All thanksgiving belongs to God alone!

Sort:  
 2 years ago 
DetailsRemarks
#steemexclusive
atleast #club5050
Plagiarism Free
Bot-Free
At least 300 Words
Burnsteem25
Verified Member/Visitor
 2 years ago 

Kalami ani na mga pagkaon oi! Peborit nako kutsinta!! papalita ko! hehe

 2 years ago 

Hi @emzcas!

This post has been chosen to be recommended for the @booming support program.

Thank you for creating quality content in the Steemit Philippines Community.

Visayas Moderator,

@me2selah

 2 years ago 

Wowwwwwwww....thank you so much Sis Met. 😇

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.12
JST 0.028
BTC 55629.86
ETH 2914.29
USDT 1.00
SBD 2.28