#BURNSTEEM25||THE DIARY GAME 01-23-23||SIMPLENG KAARAWAN

in Steemit Philippineslast year (edited)

Binabati ko po ang lahat ng Steemians dito ng isang mapagpalang gabi po sa ating lahat.

Nais ko pong ibahagi sainyo ngayon ang isang simpleng selebrasyon sa araw na ito, nang Kaarawan ng aking magandang pamangkin.

IMG_20230123_231421.jpg

Sinabi ng pangalawang panganay ko na kapatid na simula noong namulat na ang kanyang mga anak, ay hindi pa nito nakikilala ang mukha ng karagatan sapagkat noong naroon pa sila tumira sa Davao City, ay wala pa itong kamuwang- muwang sa dagat kahit pa naipasyal na sila ng mga ito. Kaya naman, kahapon ng hapon pumunta ang kapatid ko sa bahay sa paghikayat saamin na doon sa dagat ganapin ang kaarawan ni Marjurie. Sakto na naihatid ako ni kuya junrey at jicel sa bahay kaya tatlo kaming inimbitahan.

IMG_20230123_231359.jpg

Alas tres ng madaling araw, gumising na kami upang ipaghanda ang mga pwedi naming maambag na mga pagkain. Kinatay ng mama at papa ang tatlong manok na aming alaga at nagluto ng iba pa.

Alas syete bumyahi na kami patungong Gimangpang, sa lokasyon ng aming mga kamag-anak na malapit na malapit sa pamilya namin sapagkat ang kanilang tinitirahan ay malapit lang sa dagat. Si ancle ay pangigisda naman ang trabaho. May sarili s'yang mga lambat at banka na magagamit sa pangingisda kaya naman pagdating namin doon, pinakita niya saamin paano manghuli ng mga seafoods.

Mga ilang minuto dumating na ang aking kapatid, kasama ang kanyang kaisa-isang asawa at dalawang anak. Namangha ang mga pamangkin ko sapagkat ngayon lang sila nakakakilala sa mukha ng karagatan at excited agad silang maligo.

IMG_20230123_231333.jpg

Kasabay ng kanilang excitement ay may halong kaba, kaya naman inalalayan sila nang aking kuya na maligo at nagsigawan sa takot ang dalawa dahil sa pag-iisip na baka malunod sila. Eksaktong naroon ang ancle namin kaya sabi nya, mamamangka muna sila, at doon nabawasan ang takot ng aking mga pamangkin, dahil napalitan ng saya lalo na noong pinasakay na sila sa bangka.

IMG_20230123_231308.jpg

Kahit kami lang, masaya pa rin kami na nagdiwang sa simpleng kaarawan ng pamangkin ko dahil nakita ko na hindi lang sila ang masaya, pati narin ang mga magulang nila at mga magulang ko. Hindi nakadalo c Jicel kaya kaming apat lang nina kuya junrey, ang bonso namin, ang first cousin ko, at ako ang hindi rin nagpapahuli sa boating.

Sa kahit simpleng paraan lang na selebrasyon ang ginawa namin, isang malaking pasasalamat namin ito sa Panginoon sapagkat tinipon nya kaming magkakapamilya upang pagsaluhan ang kasiyahan na kanyang pinadama sa bawat isa saamin. Nakapunta kami sa lugar na iyon na safety, lalo na Pag uwi namin na kahit umuulan, hindi nya parin kami pinababayaan.

Ang lahat ng papuri at pagsamba ay sa Dios lamang. Magandang gabi, at

GOD BLESS SA ATING LAHAT!

25% payout from this post goes to @null

Sort:  
 last year 

TEAM 5 CURATORS

This post has been upvoted through steemcurator08. We support quality posts anywhere and with any tags.
Curated by: @chant

BRINGING_MUSIC_TO_YOUR_EARS.gif

 last year 

Belated happy birthday sa pamangkin mo na si Marjurie sis.

 last year 

Salamat Sis 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.12
JST 0.028
BTC 55629.86
ETH 2914.29
USDT 1.00
SBD 2.28