#BURBSTEEM25||THE DIARY GAME 01-27-2023||"PAGPAPAGAMOT"

in Steemit Philippineslast year (edited)

Sa araw na ito, masasabi ko talaga na tunay na ang Dios ay napakabuti sapagka't tayo po ay kanyang kinahabagan.

Mapagpalang araw Steemit Philippines!

IMG_20230127_115250.jpg

Kagabi pa lang halos wala na kaming tulog sapagka't sinusumpong po ang aking ama ng kanyang karamdaman/sakit. 5am nakapag desisyon si mama at papa na pumunta na sa hospital dahil pakiramdam ng papa parang hindi nadaw sya makahinga. Ang mama ay magtitinda sa canteen kaya naman, sya nalang muna mag-isa dahil sasamahan ko c papa sa bahay gamutan.

IMG_20230127_115820.jpg

Medjo na tense yong pakiramdam ng papa ng makarating kami dito sa hospital dahil ang pasyente sa kabilang area ang nag nagflatline, dina na revive ng mga doctor. Tapos kakarating lang din na traffic inforcer dahil nakabangga syA ng aso at tumilapon syA ba may maraming gasgas sa katawan, kaya panay ang aliw ko kay papa upang hindi sya magkaka nervious dahil napaka ingay ng hospital dahil sa iyakan ng mga kapamilya nitong pumanaw ba pasyente.

Alas nwebe ng umaga nabigla ako kasi dumating si kuya Junrey dito. Nangbili ng pagkain, insakto wala pa kaming kain. Di naman ako makakalabas dahil walang mag a-assist kay papa. Salamat sa Panginoon at nandito si kuya, nakakatulong saamin ni papa ngayon.

IMG_20230127_115832.jpg

Sa ngayon po tatlong klaseng ipratropium na ang pinag nebulize kay papa matapos s'yang e SCG at turukan. Hinihintay ko nalang kong anong magiging finding ng Doctor, at kong mananatili ba kami rito, o makakauwi sa araw na ito.

Sa araw na ito naka schedule sana na after ko sa canteen, mamayang hapon makakasama ako kina Pastor sa pagtuturo sa silid aralan ng mga salita ng Dios, subalit di ako matutuloy dahil dito. Bagama't sinabihan ko na si Pastor Quilven na syA muna magturo sa FORTITUDE-11 dahil sa sitwasyong ito.

Sa ngayon kasalukuyan pang ginagamot si papa at naghihintay nalang kami ng results. Salamat sa Dios sa araw na ito dahil kahit ganito ang sitwasyon ngayon, nananatili s'yang gumabay saamin at nagbigay ng lakas loob na maging isang positibo lang sa lahat ng mga hindi magandang kaganapan na nangyayari.

Magandang araw po sa muli Steemit Philippines.

GOD BLESS US ALL!

20% payout from this post belongs to @null

Sort:  
 last year 

Get well soon po sa papa nyo.

 last year 

Thank you for contributing content here at Steemit Philipinnes Community.

Date verified: January 27, 2023
StatusRemark
Verified user
At least #club5050
Plagiarism free
#steemexclusive
Not using bot
At least 300 words
#burnsteem25

Keep creating quality content to have a greater chance of getting support from the curators.

 last year 

Hello, this post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue creating high-quality content here at Steemit Philippines Community.

Congratulations!

Mindanao Moderator
@long888

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.12
JST 0.028
BTC 55629.86
ETH 2914.29
USDT 1.00
SBD 2.28