Ang Aking Introduksyon Sa Steemit Philippines

in Steemit Philippines4 years ago

Maganda at Masiglang buhay po sa lahat ng mga kapwa ko Filipino saan man sa mundo. Kumusta po kayong lahat? Naway nasa mabuti kayong kalagayan.

IMG20210414105404.jpg


Ako nga pala si el-dee-are-es, sa mga di nakakakilala sa akin. Ako po ay mahigit tatlong taon ng aktibo dito sa Steemit. Sa katunayan, marami na akong nasalihang mga community mula sa iba’t- ibang bansa. Kaya naman, ako ay masayang- masaya ng nalaman kong may sarili ng komunidad ang bansa nating Pilipinas. Salamat kay @loloy2020 sa pagtaguyod ng Komunidad na ito. Hangad ko na maging matagumpay ang Steemit Philippines.

Gaya ng mga ginawa ko sa ibang community, nararapat lamang na ako’y magpakilalang muli gamit ang ating sariling wika. Ang totoong pangalan ko po ay Ellen, tatlompo’t- isang gulang, at nakatira sa lalawigan ng Pangasinan. Ang mga kapwa kong Pangasinense at personal kong kakilala ay sina @atongis (aking asawa), @nongni, @lyann, @iyanpol12, @shula14, @aquinotyron3, @dunkman, @nuahs, @milanie at marami pang iba. Kung mabasa nyo man ito, inaaanyayahan ko kayong sumali at sumuporta sa ating kumunidad. Maalala ko, naunahan na pala ako ng aking pamangkin na si @nongni na maging bahagi dito.

IMG-3183.JPG

Gaya ng palagi kong sinasabi sa aking mga panimula, ako ay isang Registered Nurse dito sa ating bansa. Subalit, kinailangan kong tumigil sa serbisyo para sa aking kalusugan. Ako’y nagkasakit nung nakaraang taon. Gustuhin ko man magpatuloy, alam ko sa aking sarili na hindi ko kakayanin lalo na sa mga panahong ito. Sa kasalukuyan, ako ay masayang nagtratrabaho sa bahay. Bukod sa ako’y abala sa mga gawaing bahay, abala din ako sa paghahanap-buhay online. Mabuti nalang at noon pa ay mayroon tayong Steemit. Bukod sa naienjoy ko ang platapormang ito, itinuturing ko itong isang malaking tulong sa panahon ngayon na wala akong regular na trabaho.

Bilang isang Filipino, tinataglay ko din ang mga karaniwan na katangian ng isang Pinoy. Ako’y mapagmahal sa aking pamilya, may pakikisama, magalang, masipag (pero hindi naman palagi), at masayahin. Datapwat, hindi ko nakasanayan ang “ Filipino time” o laging nahuhuli sa mga appointment. Sinisikap kong laging maging maagap.


Dumako naman tayo sa aking mga paborito. Ang susunod na mga larawan ay makikita nyo ang mga paborito kong Filipino foods.

IMG_20210413_190139.jpg

IMG_20210413_190339.jpg


Gaya ng ibang Pinoy, mahilig din po akong kumanta lalo na pag may videoke.


IMG-4638.jpg


Ang iba ko pang mga hobby ay pagkuha ng larawan, pagluluto, pananahi ng mga simpleng kasuotan, at pagbibisikleta.

IMG_20210414_195437.jpg

Naubosan na ko ng mga ibabahagi. Hanggang dito na lamang ang pagpapakilala ko sa inyo. Tinitiyak ko na lubos nyo pa akong makikilala bilang isang Filipino sa mga susunod kong artikulo. Salamat sa pagbabasa ng aking panimula at hanggang sa muli.


Sort:  
 4 years ago 

Welcome back to Steemit po! Hehe

 4 years ago 

Hehe salamat. hindi naman ako nawala sa Steemit sis. 😅

 4 years ago 

Welcome back po sa steemitphilippines community...God Bless

 4 years ago 

Welcome po sa Steemit Philippines! Ang sarap ng mga pagkain na nasa larawan. :D

 4 years ago 

Welcome to SteemitPhilippines Community, Mabuhay tayong lahat...

Welcome back to the world of Steem!

If you want to get started right away, the following community could be of interest to you:


https://steemit.com/trending/hive-119463

You are also invited to take part in my daily delegation draws.
There are 100 and more SteemPower to be won every day.
100 SP can make the start much easier for newcomers in particular.
Here is the link to the current raffle:


https://steemit.com/hive-119463/@kryptodenno/dddd-81-dennos-daily-delegation-draw-incl-winner-of-73

I wish you a great time on our blockchain!

Steem on!

Yours @kryptodenno

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.26
JST 0.041
BTC 98536.81
ETH 3483.92
USDT 1.00
SBD 3.40