The Diary Game Season 3 (06-15-2021) | Ibahagi Ko Sa Inyo Ang Paging Barbero Ko Sa Araw Na Ito
Masayang araw sa lahat. Sa araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang medyo may kahirapang ginawa ko sa araw na ito. Mula ng magpandemya hindi ko na napagupitan ang anak kong may kapansanan na si CJ sa kadahilanang dala ng aking takot na tumanggap ng bisita lalo na di ko alam kung saan pa ang kanyang pinanggalingan kung saan siya dumaan bago siya pumunta sa bahay namin.
Mahirap man gawin nilakasan ko ang loob kong gupitan ang anak ko dahil kapag nainitan siya sinasabunutan niya sarili niya. Siguro sasabihin ninyong napakadaling gawin ang paggugupit, pero iba ang sitwasyon ng anak ko. Meron siyang kapansanan at kahit anong bagay na mahawakan niya o makapag-irita sa kanya ay mahigpit ang hawak niya sa pangigigil sa ano mang bagay na mahagip niya. Natatakot syempre akong masugatan siya sa gunting na hawak ko.
Kailangan kong maglatag ng plastic para mahigaan niya at yung cushion pad na binalutan ng plastic para di malagyan ng buhok (mahirap magtanggal ng maliliit na ginupit na buhok sa unan). Nakiusap ako sa aking Ina para hawakan ang kanyang mga kamay para di niya mahawakan ang gunting habang ginugupitan ko siya.
Medyo may katagalan din ang paggugupit ko sa kadahilanang panay ang likot niya. Binilisan ko nga ang paggupit at alam kong madali siyang mainis at naiinitan siya dahil syempre pa pinatay ko ang Electric Fan (kakambal niya..hahaha). Maayos din naman ang kinalabasan ng paggupit ko sa kanya. Pagkatapos ng Gupitan session, kinarga ko na siya papuntang banyo at pinaliguan. Tuwag-tuwa naman siya habanh naliligo at alam kong presko na ang pakiramdam niya.
Ito ang kinalabasan ng kanyang gupit. Hindi ko lang masyado sinatsat at kailangan ng razor para dyan! Sa wakas nagupitan ko na rin ang aking binata. Pwede na pala akong "Barbero".
Ang aking pagbabahagi ng #thediarygame para sa inyong lahat. Hanggang sa muli. Maraming salamat sa pagbasa.
Ayan, pogi na si big boy. Pastel na kayo sa tabing dagat sis. Maganda para SA inyong dalawa Yan at magdala ng kukutin.
Wala kaming dagat dito sis. Bay meron pero not advisable for him at di maganda ang hangin.