THINGS TO KNOW ABOUT SMART TV

in Steemit Philippines4 years ago (edited)

androidtv2.png

Marahil ay marami ang nagtataka kung ano ba talaga ang smart tv. Ano ang pagkakaiba nito sa android tv? Sa article na ito ay liliwanagin natin ang mga tanong na ito. Kaya basahin nyo po ng buo ang blog na ito upang inyong maintindihan ang mga bagay tungkol dito.

Kung may mga tanong, suggestions at opinyon kayo, ilagay lang ang comment nyo sa ibaba upang mapag-usapan natin. Kung nagustuhan nyo po ang blog na ito paki-upvote lang po para mainspire po tayo na gumawa ng mga ganitong blog.

Ang pinakamahalang bagay na dapat iconsider kapag tayo ay bibili ng tv ay ang screen size, picture quality, sound quality at connectivity nito. Sa pagdating ng mga Smart TV, ito ay nagdala ng bagong dimension sa kakayahan nitong magdulot ng magandang video experience.

Ano ba ang SMART TV?

Sa madaling salita, ang smart tv ay television na nilagyan ng operating system o platform na pwede magamit para maka-access online at makapagstream online ng movies, tv shows at music, makapaglaro ng mga games at makapunta sa mga websites sa pamamagitan ng mga apps o applications. Tulad din ito ng smartphone na may kakayahan na makaaccess sa mga social media tulad ng youtube at facebook. Pwede din ito magconnect ng inyong phone at tv sa pamamgitan ng mirroring at casting. Ang smart tv ay may on-screen menu na magagamit para makapamili ng mga apps na available. Sa ngayon, marami ng media content, video at movies ang available sa iba’t ibang streaming applications.

Paano ba gumagana ang Smart TV?


Ang smart tv ay nakakaaccess sa online contents sa pamamagitan ng pagconnect sa inyong broadband router sa pamamagitan ng Wifi o Ethernet. Tulad din ng pagconnect ng cellphone sa Wifi, kailangan mo rin ipasok ang password para makaconnect. Kapagnakakonek ka na sa wifi, lalabas ang ang on-screen menu upang makita ang mga available na applications. May mga apps na pre-loaded na kaya gagamitin mo nalang tulad ng Youtube, Netflix, Vimeo at iba pa. Nagkakaiba ang mga on-screen menu depende sa brand ng tv mo o platform na ginagamit nito.

Application Platform or Operating System Na Ginagamit ng mga TV Brands.

Ang mga TV brands ay may ibat-ibang platforms na ginagamit na nagooffer ng mga apps. Narito ang mga ilan sa kanilang ginagamit na platform.

Ang mga kilalang brand na gumagamit ng popular ngayon na ROKU TV ay ang JVC, Hisense, Hitachi, Infocus, Philips, Sanyo, TCL at Westinghouse.

Ang LG naman ay gumagamit ng WebOS at ang Samsung ay Tizen Smart Hub.

Ang gumagamit naman ng pinakareliable na Android TV ay ang Sharp, Sony, Skyworth, Toshiba at Westinghouse.

Ang ibang Philips models ay gumagamit ng NetTV. Ang Sharp ay VEWD. Ang Devant ay VidaaU2. Ang VIZIO ay gumagamit naman ng Smartcast.

Ang mga brand na gumagamit ng CHROMECAST ni Google ay Haier, JVC, Philips, Polaroid, Sharp, Skyworth, Soniq, Sony at Toshiba.

Ang Android TV ay isa lang po sa mga platforms o operating system na ginagamit sa mga Smart TV. Kaya kung mahilig ka sa android os at sanay ka sa paggamit nito pumili ka sa mga brands na gumagamit nito.

Ano ba ang mga popular na Smart Tv Platform?

May dalawang platform na madaling gamitin at marami sa mga sumubok nito ay nageenjoy sa kanilang smart TV. Ang mga ito ay ang Roku TV at Android TV.

ROKU TV

Ang Roku ay may home screen menu na napakadaling gamitin at may automatic updates. Roku Tv is a smart TV that’s simple to use and easy to love. Sa Roku Tv pwede kang mag stream sa may 500,00 movies at TV episodes na available sa libo libong free at paid channels. Pwede kang gumamit ng voice search para mabilis mahanap ang inyong gustong content. Gumagana ito gamit ang tatlong kilalang voice assistant na sina Siri, Alexa at Hey Google.

ANDROID TV

Marami ang gumagamit ng Android Tv dahil pamilyar na silang gumamit ng android smart phone. Sa paggamit mo ng Android Tv, pwede kang makaaccess sa may 700,000 movies at shows sa lahat ng available na apps. Pwede mo ilagay ang iyong mga favorite shows at mga kasunod na episodes ng walang kahirap hirap. Hanapin ang iyong mga music, games at youtube videos sa unahan ng iyong screen. Ilagay mo ang iyong mga favorite apps sa iyong tv screen t pwede kang mamili sa more than 5,000 apps gamit ang Google Play. Naka built-in na ang chromecast para mapalabas ang screen ng laptop o smartphone sa inyong TV screen. At magagamit mo rin si Google Assistant para sa search at voice assist.

Ano ba ang mga benefits ng mga Smart TV?

Ang pangunahing benepisyo ng smart tv ay ang pagaccess sa napakaraming channels na nagbibigay ng TV programs, movies, at music na hindi mo na kailangan ng antenna o magsubscribe sa mga cable o satellite service. At pwede ka na rin magplay ng mga media contents na galling sa iyong computer. May mga applications na pwede mo maaccess ang mga channel sa cable tv at local channels.

May mga smart tv na gumagamit ng android OS na pwede kang mag-install ng APK galling sa external source sa labas ng Google Playstore. Kaya pwede kang gumamit ng thirdparty app pero maging cautious din kayo dahil di lahat ng mga third party apps ay subok na. Ingat lang at baka masira naman ang TV nyo. Kaya ang ginawa ko para hindi direct sa tv ko install mga third-party app bumili ako ng android tv box at dun ko ginamit ang mga thirdparty apps na gusto ko para masira man yung box at least mura lang.

Ang isa pang magandang magagawa ng smart tv ay ang kakayahan nitong makaconnect sa ibang device gamit ang Chromecast, Miracast at Screen Sharing na pwedeng makita yung mga content galling sa mga smartphone, tablet, personal computer at laptop sa inyong tv screen. Ang iba tawag sa mga katulad nito ay SmartShare sa LG at SmartView sa Samsung.

Dagdag na gastos at mga limitasyon.

Napakataas ng pagkilala ngayon sa paggamit ng smart tv, ngunit may mga dapat tingnan dahil may kasama ang iba dito na dagdag gastos at may mga limitasyon din.

Kahit marami sa mga platform ay nagbibigay ng access sa maraming applications at channels ng libre meron sa mga ito na kailangan mo ng monthly subscription para magamit ito o kaya ay babayad ka ng pay-per-view. Pumili lang nang inyong kailangan na naayon sa kaya ng inyong bulsa.

Ang brand ng smart tv ay nagbibigay ng service at features na iyong pwedeng maaccess, pero meron na itong core service na nakalagay dito tulad ng Netflix Hulu at Vudu. Ang ibang mga karagdagang niche channels ay maaring accessible sa iba ngunit sa iba ay hindi. Kaya marami ang gumagamit ng Android tv ay dahil sa napakaraming apps ang pwede mo agad gamitin. Ngunit kung mahilig ka sa iTunes para magaccess ng streaming audio at video contents, ang mga high-end smart tv palang ang capable makaaccess sa apple tv. Kaya marami ang bumibili ng apple tv box.

Pwede magamit ang smart tv para maSpyan ka?

Ang paggamit mo ng smart tv ay maaring magresulta ng privacy issu. Smart Tv content app providers ay pwedeng matrack ang iyong viewing habits para makapagprovide sila ng mga suggestions. Tulad sa Netflix, ang mga content sa menu na nakikita mo ay katulad ng mga palagi mo pinannonood at nagsasuggest pa sila ng iba pa.

Maaring isipin na ok lang ang ganito, ngunit ang smart tv ay maaring may magawa hindi lamang ang pagtrack ng iyong viewing habits. Lalo na kung ito ay may webcam at voice control kaya ingat po tayo. Ang isa pa huwag ka gumamit ng iyong credit card sa pagsubscribe sa mga channel na may bayad dahil baka matrack ito ng mga third-parties. Maging maingat sa inyong mga credit card purchases.

Paano kung ang LED TV ko ay Hindi Smart TV?

Kung ang nabili ninyong TVay hindi Smart Tv o kaya Smart TV pero limited lang ang mga pwedeng apps, wag mag alala pwede kang bumili ng andoird TV box sa murang halaga lang. Ang ginagamit ko po ay MiBox at MX Pro 5G. Ilalagay ko po ang link sa description sa ibab para kung gusto ninyong bumili.

Mga guidelines sa pagbili ng smart TV.

  1. Kung bibili ka ng bagong TV at wala kang ibang device para makaaccess sa mga streaming contents, ang pagkakaroon ng smart TV ay good choice.
  2. Lagi mo paring tandaan na ang smart tv function ay idagdag mo lang sa picture quality, sound quality at connectivity sa pagpili ng iyong nais na TV.
  3. Pumili ng platform o OS na sa tingin mo ay mag-eenjoy ka tulad ng Android Tv at Roku Tv.

Sa pagdating ng smart tv sa ating mga buhay malaki ang magagawa nito upang maging makabuluhan ang ating mga panonod. Ikaw ang magsasawa sa dami ng available na movies, audio tracks at games na pwede mong maenjoy araw-araw.

Sana makatulong ang blog na ito para maintindihan natin ang mga bagay tungkol sa Smart Tv.



The video and image in this blog are mine. Video is also posted in my youtube channel Appliance PH. This article is also posted in my blogsite APLYANSES and HIVE.


line.png

Your Blog Owl,

Follow Me:
FACEBOOKYOUTBETWITTERWEBSITE
Facebook YouTube Twitter Aplyanses

line.png

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.24
JST 0.038
BTC 106136.38
ETH 3327.24
SBD 4.43