The Diary Game Season 3, Week #18/ September 10, 2021 / pagsisilbi sa pamilya at pagtuturo ng gawaing bahay sa mga anak

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang araw po mga @Steemitphilippines family, kamusta na po kayong lahat? Ako naman po ay nasa mabuting kalagayan kasama ang aking pamilya.

Nais ko po ulit magbahagi ng aking munting diary sa inyo ngayong araw na ito.

Simulan po natin sa pag gising sa umaga, ang pinakaimportante na dapat gawin ay magpasalamat sa Diyos at tayo'y ginising na naman niya upang makapagsimula ulit ng bagong araw. Sunod naman po ay ang aking morning routine ang pag inom ng Igco milk powder upang may karagdagang lakas para po sa akin.

IMG_20210910_092519.jpg

Ang sumunod naman po ay pag gising ng aking panganay, syempre po kailangan laging may laman ang sikmura para ganahan at maging masigla sa buong araw. Kaya ang hinihain ko po sa kanya ay oatmeal at isang baso ng fresh milk.

IMG_20210910_092026.jpg

At sa wakas! Ang bunso ko naman po ang gumising. Sa tuwing nagigising si bunso sa umaga palagi ko siyang kinakantahan ng ganito. Para sumaya ang araw niya at maging good mood po siya.

At syempre kailangan din kumain ng bunso.. Pero minsan wala siyang gana kapag masyado pa pong maaga kaya binigyan ko lang po siya ng cheese wafer para kahit paano po ay malamanan ang kanyang sikmura at syempre ang paborito niyang tubig.

IMG_20210910_204839.jpg

IMG_20210910_114018.jpg

After po nila kumain ay pinapainom ko po sila ng kanilang vitamins. Ishare ko lang po itong vitamins nila dahil talagang nahihirapan po akong pakainin ang mga bata lalo na si bunso na minsan wala talagang gana sa pagkain. Ngunit nung nagsearch po ako sa internet nakita ko po ang vitamins na ito at sinubukan ko po kung sila ay gaganahan kumain.
At hindi po ako nagkamali, sila po ay talagang gumana sa pagkain yung tipong kakakain lang po ng pananghalian manghihingi po ulit ng pagkain . Minsan naman po ay bandang 10:30 ng gabi nagpapaluto pa ng hotdog, egg or noodles with egg kaya po sobrang natuwa po ako sa vitamins na nabili ko po dahil bukod sa abot kaya ang presyo talaga naman pong gaganahan sa pagkain ang mga anak niyo po.

IMG_20210910_130604.jpg

At dahil malapit na po mananghalian kaya ang aking byenan na lalaki ay abala na nag hihiwa na ng mga gulay para mailuto na po sa pananghalian. Habang ang aking bunso naman po ay nakatabi sa kanyang daddy"lolo" niya at naglalaro ng gulay gulay na laruan niya hehe.

IMG_20210910_112922.jpg

Nung natapos na po magluto si byenan, ang kuya jcei naman namin ay naghain na ng mga plato at iba pang kubyertos upang makakain na po kaming lahat.

IMG_20210910_121957.jpg

Sabay sabay po kami kumakain sa tanghali at pati na rin po sa gabi. Ang ulam po pala namin ay pritong isda at pakbet.

IMG_20210910_122823.jpg

IMG_20210910_122810.jpg

Pagkatapos po kumain at makapagpahinga ang aming kuya ay abala na sa pag huhugas ng plato at Syempre after maghugas ng plato walis naman po ng sahig..
Syempre po ang bunso hindi magpapahuli yan kaya siya naman po ay naglampaso sa sahig habang nakapacifier pa hehe.

received_1145535669303604.jpeg

received_574410320412121.jpeg

Screenshot_2021_0910_190846.jpg

received_1416419455411540.jpeg

Good job po talaga ang aking mga anak kahit kadalasan ay nagpapasaway kay mama at makukulit din po sobra hehe.

Pagkatapos po ng kanilang gawain, sila ay tinawag ni byenan ko pong babae dahil eat bulaga na po at gusto po nila sumali sa pagames nila.

IMG_20210910_210753.jpg

Hapon na naman po at ang aking bunso ay abala na naman magkalat hehe. Kaya ayan po nilabas na naman po niya ang mga costume niya na talagang kahit araw -araw niyang suotin eh hindi po siya nagsasawa.

IMG_20210910_130807.jpg

At syempre po dahil busy ang aking mga anak syempre po dapat busy rin ang mama nila kaya tinapos ko na po ang packaging ng mga order sa akin na lanyard at nagsimula na naman po ako sa aking proyekto.

IMG_20210910_132543.jpg

IMG_20210910_132533.jpg

IMG_20210910_112845.jpg

Ito po sana ang proyekto na gusto ko gawin. First time ko lang po kasi magsusubok ng ganitong proyekto kaya medyo kinakapa ko pa po kung makakaya ko siyang gawin. Napakacute lang po kasi ng wall hanging na yan dahil parang ang sarap lang po idisplay dito sa bahay dahil mahilig din po ako sa mga disney princess.

Screenshot_2021_0910_211310.jpg

At habang ako'y gumagawa ng aking proyekto, ang aking bunso ay nagrequest ng paborito niyang hotdog.

IMG_20210910_141514.jpg

At Dahil nailuto ko na ang request ni bunso, ako naman ang nagrequest sa kanya na iclean up na niya ang kanyang kalat.
Agad naman niya akong sinunod dahil nakita niya na ang hotdog na dala ko hehe.

IMG_20210910_154134.jpg

Dahil mainit pa ang hotdog na paborito niya, siya ay tumapat sa bentilador at kanya itong pinalamig. Matalino na talaga ang mga bata ngayon. Nakakaisip na sila ng paraan hehe.

IMG_20210910_141725.jpg

Nakaramdam din po ako ng konting gutom kaya ako'y kumain ng saging na may powdered milk. Isa po ito sa paborito ko bukod sa kanin na may gatas din sa ibabaw.

IMG_20210910_151127.jpg

Lumipas po ang maghapon at dumating na po ulit si habibi ngunit kailangan po naming umalis dahil nagmensahe po sa akin ang guro ni panganay na kailangan na pong mamili ng mga kakailanganin niya sa school para sa lunes po. Kaya agad kaming namili ng mga kailangan ni kuya at sinabay na rin namin ang pamimili ng mga pagkain dito sa bahay.

IMG_20210910_182255.jpg

IMG_20210910_181744.jpg

IMG_20210910_173531.jpg

At dahil nasa labasan na kami ni habibi, sinamantala na po namin kumain sa aming paboritong restaurant. At kainin ang paborito naming "Pork chop Dinner" na talagang binabalik balikan po namin at hindi po kami nagsasawa hehe.

IMG_20210910_175550.jpg

IMG_20210910_175502.jpg

Pagkatapos po namin kumain ay umuwi na po kami agad dahil miss na po namin ang aming mga anak at marami po kaming dalang pasalubong sa kanila.

Hanggang dito na lang po ang aking munting diary. Maraming salamat po sa mga magbabasa ng aking munting kwento.

Nais ko po imbitahan sina @austhalia @jewel89 at mommy @jurich60

Nagmamahal,
@chy07

Sort:  
 3 years ago 

Train na train mo talaga dalawa mong boyscout. Buti may nakita kang vitamins na hiyang nila para sila ay malusog. At ready na pala sila sa school.

 3 years ago 

Opo mi.kailangan po eh para paglaki nila alam na po nila mga dapat gawin.

Opo mi, sana matry din ng ibang nakakabasa yung vitamins para sa mga anak po nila.

Opo mi ready na po sa school si kuya at bunso hehe..

 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

New Diary Game Contest Rule

Diary Game Contest with new Rule Added

God Bless po!!!

 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbabasa. Stay safe po and God bless.

 3 years ago (edited)

That's a good move inday. Teaching them while they're still young at automatic na Yan paglaki nila. Reminds me of my kids too. Nkalima ba naman Kami. At pinuno ng mga medalya and kwadro namin! Wishing you all the success in life. God bless!

 3 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.26
JST 0.040
BTC 97807.69
ETH 3616.29
USDT 1.00
SBD 3.38