The Diary Game Season 3, Week #18 | September 08, 2021 | Maulan na panahon kasama ang pamilya

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang hapon po sa inyong lahat @steemitphilippines family. Naway nasa mabuting kalagayan naman po kayong lahat.

Nais ko pong ibahagi sa inyo ang araw na ito na pag gising sa umaga ay laging may pag asa. At dahil po dyan, gusto ko pong ibahagi sa inyo ang natuklasan ko pong inumin upang makadagdag ng lakas para sa pang araw-araw na gawain natin lalong lalo na po sa ating mga magulang na maraming gawain sa maghapon.
Ito po ay ang Igco milk na may colostrum po galing sa baka mula sa New Zealand. Eto po ay nagboboost ng immune system.
Bago po ako namili nito inalam ko po muna kung ano po ang benepisyo nito sa ating katawan.
At napag alaman ko rin po na ito po pala ay iniinom ng mga may sakit sa leukemia dahil ito po ay nagpapalakas ng kanilang resistensiya. Yan po ay nalaman ko sa isa kong kaibigan na ang anak niya ay may sakit noon na leukemia. Ngunit sa kasamaang palad, ang kanyang anak po ay pumanaw na.
Kaya ako po ay nacurious at napabili upang matikman at malaman ang benepisyo nito sa aking katawan. At hindi po ako nagkamali dahil talagang nagbibigay siya ng kalakasan sa aking katawan para mas maging masigla sa araw-araw.
Ito po ang Igco milk na iniinom ko po sa umaga "empty stomach" bago po ako mag almusal.

IMG_20210908_091710.jpg

Sunod naman po na aking ginagawa ay ang pag gagantsilyo habang tulog pa po ang aking mga anak sinasamantala ko pong gumawa para po makatapos ng order at makatanggap po ulit ng panibagong order.

IMG_20210908_163936.jpg

IMG_20210907_171336.jpg

Yan po ang aking mga nagawang gantsilyo na tamang tama po ngayong may pandemya. Ang tawag ko po diyan ay crochet lanyard na sinasabit po sa ating facemask upang hindi po natin basta basta nilalapag ang ating facemask kung saan-saan. Kaya laking pasalamat ko po at may mga taong patuloy na nagsusuporta sa aking munting negosyo.

Pag gising naman po ng aking mga anak pag katapos nila kumain ay playtime na po syempre. Ang bunso ko po ay binilhan namin ng writing book na pwede siyang magsulat at magdrawing.

IMG_20210905_101638.jpg

Para naman po sa aking panganay na anak, ang aming binili sa kanya ay tinatawag po na paint by numbers. Siya po ang nagrequest niyan dahil nakita niya daw po sa isang palabas na pinapanood niya.

IMG_20210905_120955.jpg

IMG_20210905_100717.jpg

Makikita niyo po ang obra ng aking anak at talagang nakakaproud po dahil ito ay kanyang natapos. Kaya ang sabi ko po sa kanya ay isasabit po namin ito sa kwarto para araw-araw niya itong makita at lalo pa siyang mainspire sa pag gawa.

Sa hapon naman po after namin maglunch, kanya kanya na naman pong gawain. Ang aking dalawang anak ay naglalaro habang ako naman po ay nanonood ng aking paboritong palabas sa hapon na ang title ay "nagbabagang mga luha".

IMG_20210901_150403.jpg

At habang nanonood, hindi mawawala ang merienda sa hapon. Ito ay ang putobumbong de leche bagong version po ng putobumbong na nilagyan ng leche flan sa ibabaw at ang mainit na tsokolate. Hindi po kasi ako mahilig sa kape dahil kapag po ako'y nakakainom at naparami ng inom ako po ay nakakaramdam ng palpitation.

IMG_20210908_152947.jpg

Sa tuwing nakakakain po ako ng putobumbong ramdam ko na po talaga ang simoy ng pasko. Malapit na po ang pasko at ang hiling ko po ay naway matapos na po ang pandemya na nararanasan natin upang magkasama sama na ang bawat pamilya. Lalo na po yung ibang tao na nasa malayong lugar na matagal ng hindi nakauwi dahil sa pandemya.

Kasabay po ng panonood sa hapon at pakikipaglaro sa mga bata. Kami naman po ay nahihintay sa pagdating ng aming haligi ng tahanan. Sa umaga po kasi ay nagtratrabaho po siya sa aming munting printing shop at bandang alas kwatro ng hapon ay dumarating na po siya.
Sa araw-araw ay nakikita ko ang excitement ng mga bata lalo na kapag dumating na ang kanilang ama dahil ito po ang time para makapag cuddle time kami at bonding sa isa't isa.

Screenshot_2021_0908_174103.jpg

Hanggang dito na lang po muna ang aking diary sa araw na ito. Naway napasaya ko po kayo sa aking munting kwento.

Nais ko pong imbitahan sina ma'am @me2selah @jewel89 at aking mentor @jurich60

Nagmamahal,
@chy07

Sort:  
 3 years ago 

Ang saya saya ng araw mo Mommy Chy kasama ang iyong happiness. Nakakatuwa ang iyong two boys na anak yong isa mahilig magsulat, tama yan para maganda ang penmanship niya nagaaral sya sa mga letters. Yong panganak mo naman coloring or painting amg cute ng gawa nya. Iba kapag ang mother talaga ay nasa bahay dahil natututukan ang mga bata na hindi palaging nasa gadgets or sa internet nalang naglalaro. Marami akong kaibigan na addicted na mga anak nila sa internet sa mga gadgets nila na kapag tanggalin mo sa kanila eh bored na bored na sa life nila hindi na nila alam kung ano ang gagawin nila.
Katulad nalang netong pamangkin ko anak ng bunsong kapatid ni hubby. Dahil wala ang both parents nagtatrabaho ang nanay nasa Dubai ang tatay may trabaho din kaya wala nagisnan na nya ang palaging nasa cellphone nya o di kaya sa computer. Hindi na maawat ni nanay ng byenan ko dahil hindi na makausap kapag kinoconfiscate nya ang phone dahil tinotilerate din naman ng tatay kasi kaya natutuwa ako sa mga anak mo at andyan ka para gumabay sa kanila.
Ganda ng mga lanyards mo ha may names pa, cute.
God bl3ss your family Chy, stay happy always.

 3 years ago 

Salamat po ate. Yan lang po ang tanging magagawa ko habang kasama ko po sila sa bahay kasi kapag ako na po ang nagwork baka hindi na sila maiwas sa gadgets hehe. Nagiisi pa nga po ako ng pwede nilang paglibangan eh kasi madali rin po mainip lalo na si bunso hehe.

 3 years ago 

oo nga ganyan mga bata ngayon, musical instruments ukelele or drums para maging into music naman sila.

 3 years ago 

Congrats @Chy07 sa unang mong post po dito sa Diary Game 😍
Wow kahit nasa bahay lang at maulan momsh ay productive parin..ang cute ng paint by numbers nabili mo sa anak mo momsh, bilhan ko din kids ko nyan im sure magugustuhan din nila yan. Ang ganda din ng crochet lanyard mopo 😍
Ingats kayo dyan at heavy rain tonight 🌧️

 3 years ago 

Oo mamsh maganda ang paint by numbers tiyak ko matutuwa at maaaliw sila.iwas gadget pa hehe. Stay safe din at God bless.

 3 years ago 

Wow ang sipag naman ng anak mo mag-aral sir. Sgurado ako may magandang Kinabukasan ang anak nyo po.

Salamat po sa pagbahagi mg inyong diary post. Godbless you all 😊😊

 3 years ago 

Salamat po sir. By the way, babae po ako sir hehe. Pero salamat po sa pagbabasa na aking munting diary. Ingat po and God bless.

 3 years ago 

Ah pasensya na po Ma'am. 😊

 3 years ago 

Ang saya ng pamilya basta magkasama.

 3 years ago 

Tama po ma'am..kumbaga po ay sa hirap at ginhawa.. be safe po and God bless..

 3 years ago 

Ganda ng lanyard na gawa mo. Kay saya nag mag hapon ninyong mag ina. Try ko din hanapin yang milk na yan dito sa grocery.

 3 years ago 

Salamat po mi. Mi sa mercury drug lang po siya pero dito po samin sa doctor ko po siya nabili.

 3 years ago 

sipag ng mga boys mag- aral at very artistic mana kay mommy.

 3 years ago 

I'm sorry to hear what happened to the child of your friend. Low chance of survival talaga pag Leukemia ang sakit. Nice milk. I also wanna try this one too. the crocheted strands that looked like hairs with beads are so amazingly crafted! Such skillfull hands indeed. Para pala sa facemask ito. which is good para hindi kung saan saan nilalagay ito after gamitin.

Ang ganda ng sulat ng iyong anak at tama yan, ang pag ddrawing ay nakaka enhance ng creativty ng mga bata at way na din para hindi kulitin ang mga magulang.

It's a pleasure to drop by here on your daily logs as diarygame entry. Please check mine as well and looking forward to your meaninngful comment on what transpired to my day.

See you around.

Your community moderator here from Luzon, @fycee

 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbisita ma'am sa aking munting diary.

Bisitahin ko rin po ang inyong account. God bless po.

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.26
JST 0.040
BTC 97807.69
ETH 3616.29
USDT 1.00
SBD 3.38