Open Mic Contest # 4: MAGBALIK + Ang Aking Ama!

in Steemit Philippines3 years ago

Naranasan mo na ba ang iniwan o ikaw ang naiwan?
Alam mo ba kung gaano kasakit ang iwanan?
Paano mo ba hinaharap ang bawat araw?

019E497C-1428-459B-837B-1E9E2F34A34A.png

Magandang Buhay, Steemit Philippines!

Para sa araw na ito, gusto kung ihandog sa inyo itong awiting pinamagatang “Magbalik” na orihinal na kanta ng Callalily, isang sikat na banda didto sa atin sa Pilipinas. Paki-click nalang po sa link, para po inyong mapakinggan ang aking kanta.

508021B8-4B3C-4761-B0A5-92613BC8CFC4.png

“Magbalik” cover by: @christianyocte


Hindi naman po dahil sa iniwan ako ng jowa ko, pero may hugot parin po ako dito sa kantang ito dahil sa aming papa. Masakit pong isipin na hindi na namin kasama si papa o hindi na kami isang buong pamilya dahil pinili po niyang lumayo sa amin. Bibigyan ko kayo ng maliit na background ng storya ng buhay namin bilang isang pamilya o bilang ako na anak at siya bilang ama.

Masaya po talaga ang pamilya namin noong ako ay bata pa, mahilig kaming mamasyal, maglaro sa bahay, at kami ay nagtutulungan sa mga gawaing bahay. Kaya masasabi ko talaga na naging masaya ng aking kabataan, punong puno ng pagmamahalan.

9F0B6667-01CB-429B-A15D-D0A76F4E9DAF.jpeg

Ngunit biglang nag-iba ang ihip ng hangin ng ako ay tumuntong na ng high school. Nagsimula itong lahat noong nag resign ang aking ama sa kumpanyang kanyang pinapasukan. Naghirap kami ng husto dahil pito kaming lahat sa pamilya. Nauna nang nagresign sa trabaho ang mama dahil sa kanyang asthma. Araw araw isang malaking hamon ang paglalagay ng makakain sa lamesa para sa aming lahat, napakarami naming utang sa iba’t ibang tao, at hindi kami makabayad sa paaralan.

Dahil dito hindi ako nakapag-college. Sa panahong ito ang aking ama ay nalulong na sa sugal. Parati itong galit kung umuuwi ng bahay dahil talo sa pustahan. Ang aking ina, bagamat parating hinihika, tumatanggap ng mga labada kahit hirap na hirap na ito. Kaya nagsimula akong magalit sa aking ama dahil sa kanyang pagiging irresponsable.

Dahil hindi ako nakapag-aral namasukan ako bilang isang tindero sa Mandaue Public Market. Nagbabasakali na makapag-ipon ng sapat na pera para makapag-aral pero huminto rin ako dahil parang hindi ito magiging sapat. Kaya tumutulong nalang ako kay mama sa kanyang mga gawain hanggat may isang pari na gustong magpaaral sa akin kapalit ng pagiging isang katulong o helper sa bahay, na tinitirhan ng kanyang ina.

Lumisan ako sa amin upang mamasukan bilang katulong para makapag-aral ng kolehiyo. Mahirap ang naging buhay ko doon kaya huminto rin ako pagkatapos ng 1st semester. Umuwi ako sa amin. Dahil nga sa pursigido akong mag-aral, pinaki-usaoan ko ang aking nakakatandang kapatid na tulungan ako sa pamasahe sa skul kaya natapos ko ang aking first year sa college. Pero, hindi naa raw niya kaya sa susunod na taon. Sa panahong ito patuloy parin ang pagsusugal ng aking ama, lalo na noong nakahanap siya ng trabaho bilang street sweeper sa barangay namin.

Namasukan na naman ako sa isang companya para makapag-ipon mg pera para may-ipangbayad ako sa balance ko sa skul para makapag-enrol ulit, pero naging mahirap ito dahil nga sa napakaraming bayarin at utang. Natapos ang aking contract ng walang ipon. Kaya naging istambay.

Nag-apply ako sa Jollibee bilang isang service crew at dito ko nahanap ang solusyon ng problema ko na makapagtapos ng college. Sa panahong ito patuloy parin ang pagsusugal ni papa. Paggalit siya, sinasabi nya sa amin na lalayas na siya at hindi na babakik pa . Kukunin din nya ang kanyang mga naipundar, kaya isang araw tinanggal niya ang kawayang sahig ng aming kusina dahil siya daw ang bumili noon. Buti nakang at hindi ako na disgrasya ng umuwi ako ng bahay na wala na palang sahig. Sumubra pa ang aking galit ng nalaman kong nambabae na siya, pero umuuwi parin siya sa amin at naghihingi ng pera sa aking mga kapatid.

Fastforward, nakagraduate ako, nakapasa ng board exam, at nakapasok sa DepEd. Giniba namin ang aming bahay para sa bago naming bahay na naging unang proyekto ko sa aking Teacher’s Loan. Nagiba rin ang kanyang maliit na kubo, malapit lang sa aming bahay, na kanyang tinutuluyan noong may babae na siya. Kaya galit na galit siya, nagscandalo siya kahit may mga karpentero na nagtratrabaho. May nilabas pa nga siyang baril, kaya umeksina na ako sa away nila ni mama. Umalis siya at nag renta ng isang kwarto na masa barangay parin namin.

Natapos ang construction ng aming bahay, bumibisita sya sa amin para sa kanyang apo at upang manghingi ng pera sa mga kapatid ko. Pero ang perang ito ay ginagamit niya sa sugal sa sa kanyang babae.

Lumipas ang mga panahon, napatawad na ni mama si papa sa kanyang mga ginawa sa kanya at sa aming pamilya. Naging mahirap rin sa akin ito, pero napatawad ko na rin siya.

Nitong taon lang gusto ko sanang pauwiin sa amin, dahil akala ko mag-isa nalang siya sa nirerentahan nyang maliit na kwarto. Pero nakita ng dalawang mata ko na may babae parin pala siya. Hindi naman pwede na pagsamahin ko sila sa isang bahay respeto narin para sa napakabait kong mama.

Kaya hinding-hindi na pwedeng “Magbalik” ang dating masayang pamilya namin. Para sa amin mabuti narin na wala dito sa amin si Papa dahil ang gulo talaga. Parati itong nagagalit, at naghahanap ng away. Mabuti na ang ganito dahil may peace of mind na kami.

Iniwan rin si Papa ng kanyang babae, hindi narin siya makapagbayad ng renta at pinapaalis na siya ng may-ari. Kaya ngayon ay nasa Masbate na siya doon na daw siya mamalagi.

EE7B50E0-D9A9-4864-A7EE-189BB0453E4F.jpeg


Maraming Salamat sa inyong pagbusita sa aking post! Ina-anyayahan ko ang aking mga kaibigan na sumali rin sa contest na ito: @rye143, @grasyaa, @lunajey!


Gusto ko rin kayong imbitahan na sumali sa #club5050 para po mas lumakas pa po tayo sa Steemit. Kung malakas po tayo, hindi lang po ang ating mga sarili ang ating matutulungan, pati natin po ang ating community na sinasalihan. Ito po ang aking participasyon sa nakataang mga araw. Mag rerenew po ako ng aking power-up sa loob ng 3 araw po!

20% ng post rewards nito ay mapupunta sa @steemitphcurator

Sort:  
 3 years ago 

0E95944B-F2D0-410F-940C-3B0815A948EC.jpeg

 3 years ago 

Napakalungkot na mga pangyayari sir. Pero hanga ako sa iyong determinasyon na makamit ang iyong goal na makapagtapos ng pag-aaral. Saludo ako!

 3 years ago 

Thank You maam! Laban ra jud always. Mura nanig dili open mic open life nani hahhah

 3 years ago 

hahahah pwede ra man gud gihapon lol pero salamat for sharing your life diri sa community.

 3 years ago 

Lagi hahah. Tungod jud nis open mic hahahha

 3 years ago 

Gipatulo nimo ako luha ani hehe, grabe no if not in this platform dili nato mabal an ang mga nagkalain lain na storya sa atong kinabuhi.

Emotional kaayo ko basta mag story na ug papa, although buotan kaayo ako tatay pero gikuha siya sa Ginoo at a very early age. mao grabe ako mingaw sa iya, wala na niya na witness ang kung unsa nako karon ug akong pamilya.

I'm happy sa imo naabot bisan pa sa kalisod nga imo naagian, I commend you and I salute you sa imo determination na makahuman.

Lastly, please don't disregard your father, learn to forgive him makasala man gyod ang tawo. Let him feel you love him while kaya pa o naa pa siya.

It may sound unfair sa uban entries, but for me without considering your song yet, ikaw na ako winner kung apil gihapon ko mag judge ani pohon.

 3 years ago 

Salamat sir! Kanang maikog man sad ko aning imong comment. Sure ko sir nga napasaylo naman nako pero lisod lang jud ibalik ang tanan, kay siya mismo dili man ganahan. Maong mag respetohay nalang me sa in ani nga set up.

thank you kaayo sir. Naappreciate kaau nako imong comment. Laban lang jud ta sa life.

 3 years ago 

liwat d ay kaau ka sa imong papa sir!

 3 years ago 

ngano man maam?

 3 years ago (edited)

Realate much kaayo ko aning imo story sir,,badlongon pud to akong papa sauna sa buhi pa siya,,,tanan trabaho ako gi sudlan,,pagka helper ug uban pa…pero ako na lang jud gi give-up ako pagtiwas ug college para maka support ko sa pagskwela sa ako mga igsoon. Maayo nalang pud kay gi bless ko sa Ginoo ug gihatagan ko niya ug tarong nga pamilya. Mao maka ana ko karon sa akong anak, salamat kay love ko ninyo, sauna naa ko sa inyong edad nakat-on nko ug kalagot sa akong papa…Pero ako na siya gi pasaylo kay nakita pud nko ang iyang mga pagmahay sa iyang mga nabuhat.

 3 years ago 

Lagi nindot sad kay apologetic imong papa. Salamat kaayo sir.

 3 years ago 

Magaganda ang pagkakanta mo sir. 👏👏

 3 years ago (edited)

Kani jung contest ni Tita Olive ba, murag nagiging MMK na ang dating nat noh, ahahaha.... ako pud nalahad pud sa mga kamahay sa mga naunang nahitabo pero as I grew older nga yong galit at inis mo ba mapalitan naman ng peace and love nalang kay maintindihan mo na why naging ganun, pero may maraming bagay tlaga ang hindi nimo maintindihan pero pinipilit mo nalng at pipilitin nalang ibaon sa limot ang lahat kay past is past na lagi jud and that's where they belong, all in the past.

I am so happy for you Christian kasi you've surpassed everything hindi ka nagpadala sa mga hamon ng buhay you made your weaknesses your strengths, I commend you for that.
Mga taong katulad mo ang dapat tinutularan ng mga kabataan ngayon. You never gave up for your dreams and goals for your family. You will be a very good father.
Kaya lang hinahanap nako yong song hindi ko mahanap ang link saan kaya?

ahahaha, nahanap ko din, dun pala sa title, kelerki naman, I thought kasi it's just a title pero I tried pressing it ayun nagopen.

Galing!

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.20
JST 0.039
BTC 95566.16
ETH 3591.48
USDT 1.00
SBD 3.83