Dairy Game Season 3 07/07/2021 - Ang Pa-aalaga ko sa Napaka Kulit kong Anak na si King2x

in Steemit Philippines3 years ago

Hello po sa ating lahat dito!!!

Medyo matagal na din na hindi ako nakabahagi nang aking Diary Game at salamat lang din ako na sa araw na ito, ibabahagi ko sa inyo ang aking pag-aalaga sa napaka lulit kong anak na si King2x.

image.png

image.png

Nitong araw nga na ito medyo maaga nagising ang aking anak na si King2x, siguro nasa oras na 5:00 nang umaga iyon at talagang ina antok pa ako pero dahil obligasyon ko ito bilang isang ina, inalagaan ko siya agad.

Noong nagising nga siya ay medyo matagal akong nagising pero narinig ko na lang na tinatawag niya ako kaya bigla na lang akong nagising at para naman na gusto na niyang makipag laro sa akin kaya binihisan ko na siya para makababa na kami.

image.png

image.png

image.png

Noong nasa baba na nga kami ay ayon, grabe ang likot na halos mawalan ako nang lakas kakalaro sa kanya pero habang nakikipag laro ako sa kanya at nakikita ko ang ngiti niya ay nawawala din ang pagod ko.

Para na siyang nasa higit isang taon kahit na pitong buwan pa ito, at parang gusto na rin din niyang tumayo ehh kahit na hindi pa marunong bumalanse.

image.png

image.png

Grabe ang likot talaga ehh, halos gusto nang kumawala at pag hinahawakan ay tinatanggal ang kamay namin kahit na hindi ito marunong mag balanse minsan nga ay natutumba ito.

Kahit na mahirap talagang mag-alaga sa maliit na anak pero masaya akong ma-alagaan siya kasi siya lang naman nag nagbibigay saya at pag-asa sa akin at sa aking asawa na bagamat marami kaming pagsubok na pinagdaanan ngayon dahil sa covid at pandemya, nakikita lang namin ang anak namin ay wala na ang lahat na problema.

Hanggang dito lang po ako para sa araw na ito at maraming salamat po sa lahat nang sumusuporta sa akin.

Sort:  
 3 years ago (edited)

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post sa araw na ito. Ang iyong Diary po ay kwalipikado para sa Diary Game contest sa linggong ito (Week 12). Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon.

Paki Bisita po rito

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 60704.11
ETH 2452.38
USDT 1.00
SBD 2.62