The Diary Game Season 3 ( 02-05-22 ) It's Barbeque Time

in Steemit Philippines3 years ago

Mabuhay na hapon po sa inyong lahat mga ka steemian. Ako po magbabahagi sa inyo ngayon ng aking karanasan sa pagtitinda ng barbeque ngayong araw.

20220205_183611.jpg

Umaga mga alas 6 pa ay naligo na ako. Kumain ng agahan dahil ako ng substitute ng tiyahin ko sa kanyang munting negosyo na barbequehan. May lakad kasi siya ngayon kaya ako muna ang pumalit sa kanya. Ka partner ko ang kanyang apo na si feauna. Medyo hindi ko pa kabisado kasi ang mga presyo. Ang mga tinda naming barbeque ay hotdog, paa ng manok, baboy, chorizo, chicken liver, at barbekyong atay at balun-balunan. Madaling araw pa ay hinanda na ng tiyahin ko ang mga ibebenta kami ng lang ni feauna ang bahalang mag salang sa apoy kapay may umorder na.

20220129_101902.jpg

Habang hinahanda ko ang mga sauce ay si feauna naman ang bahala sa barbeque grill. Matiyaga kaming naghintay ni feauna ng customer kasi malapit nang mag alas 12 baka may magpaluto na para ulamin nila. Sa kahihintay kung may customer na magpaluto ay napag isip-isip ko bakit pag ang tiyahin ko ang nagbabantay kahapon at noong mga nakaraang araw ay may maraming customer samantalang ngayon ay madalang lang. Heheje mayat-maya pa ay may nagpaluto na kaya sinindihan na ni feauna ang uling sa may barbeque grill.

20220129_101853.jpg

Napagtantiya kong ganito pala ang pagnenegosyo. Hindi mo masabing araw-araw ay may malaking kita. Meron itong araw na mabenta at may araw din na madalang ang bumibili. Ang sinusubok dito ay ang iyong pasensiya at pagtitiyaga sa paghihintay. Ang importante dito ay buo ang loob mo na mag negosyo at kumita kesa sa umupo lamang sa isang tabi at walang ginagawa. Kailangan din isa-alang alang ang pagkakaroon ng puhunan dahil siyempre hindi ka naman makapag negosyo kung walang puhunan.

20220129_101810.jpg

20220129_101720.jpg

Kuwento pa sa akin ng tiyahin ko noong tinanong ko siya. Para sa kanya ok sa kanya ang negosyong barbeque dahil sakto naman ang kita ngunit kakaiba ang sitwasyon noon sa mga magnenegosyo ng mga barbeque kesa ngayon. Dahil noon ok lang na mga bandang alas 7 ng umaga ka pupunta sa merkado upang bumili ng iyong mga ititindang barbeque samantalang ngayon bandang alas 4 ng madaling araw ay pupunta na siya sa merkado upang makabili. Bakit ganun siya kaaga? Kasi may posibilidad na maubusan siya ng mga ibebentang barbeque sanhi ng sa dami ng mga nagne-negosyo ngayon ng barbequehan. Ganoon siya ka tiyaga dagdag pa niya ay nakakapagod daw doln sa parte ng paghahanda niya. Pinapakuluan pa kasi niya ito bago tuhugin.

Natapos ang araw namin sa pagtitinda. Bandang alas 5:30 ay nagligpit na kami kasi wala kaming ilaw doon sa pwesto na aming tinitindahan. Kumita naman kami ng kaunti hehhee, sabi ng tiyahin ko babawi na lang tayo sa susunod na araw...

Hanggang dito na lang dahil pagod na ang inyong ka steemian. Maraming salamat sa pagbisita ng aking post.
Iniimbitahan kong magpasa ng kanilang diary sa araw-araw sina @jonabeth, @amayphin, @momshie85.

Ang iyong lingkod,

D5zH9SyxCKd9GJ4T6rkBdeqZw1coQAaQyCUzUF4FozBvW8dAXsVcjyhwY1SGpeDmR7CXZwk1QtL4uJjYPrxe925gsMe6NjQxSQY3RDiRYB3t6FzwjcUxPU6woCW21JrXR12LGm.gif

Sort:  
 3 years ago 

Tiyaga tiyaga lang talaga sa negosyo. Buti may pwesto siya. Sayang din ano pag hindi maubos ang nabili na na mga ingredients. Yan ang risk pag foods ang tinda.

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.20
JST 0.033
BTC 92584.54
ETH 3110.84
USDT 1.00
SBD 3.06