Steemit Philippines | Steemit Engagement Challenge Season 8 (Week 3) “Silver Lining"

in Steemit Philippines2 years ago

Magandang araw po sa lahat!

Una sa lahat inihango ko ang aking kwento sa sarili kung buhay. Dahil meron tayong mga sariling kwento at drama sa buhay. At inspirasyon na rin sa kwentong nabasa ko na gawa ni sister @patjewell. Na kung saan meron akong nakuha na magandang mga aral at syempre ideya galing sa kanya. Saludo ako sa 'yo amiga sa kahusayan at katatagan ng iyong loob para humawak sa mga bagay-bagay.

At dahil naman ito ay pa contest na pinangungunahan ng Steemitphilippines na komunidad at ako naman ay Pilipino. So nais kung isulat ang aking kwento sa Tagalog para atleast ma inspired naman ang aking mga kapwa-Pilipinong makakabasa nito at gayundin ma inspired naman na sumali. At makapag share sa kanilang mga sariling opinyon tungkol sa magandang panig o "silver lining". Mga mabigat na pangyayari at karanasan kung saan nagdulot ng magagandang panig sa buhay ng bawat tao.

20211011_085030.jpg

At ang tangi kung gabay ay ang salitang pagmamahal o "love" sa kahit ano pa man. Sa pagmamahal sa Diyos, sa kapwa man, sa bayan, sa kalikasan, sa mga pangyayari na hindi talaga sinasadya. Tulad na lang ng mga pangyayari sa tutuo kung buhay. Mga pangyayari na nakatatak at nakaukit na sa aking saloobin. Ang matinding dagok na nangyayari sa aming mag-asawa. At ito ay ang pagkawala ng bata sa aking sinapupunan kung saan talagang winasak ang aking puso. Na kahit anong ingat ang aking ginawa para lang sya mabuhay. Ngunit pinagkait talaga sa amin ng mundo at siya'y bumigay. Matitinding kalungkutan ang aking naramdaman sa kanyang pagkawala. Ilang buwan akong walang tulog at parating umiiyak dahil sa dagok na ito na hindi ko inaasahan. Walang ganang kumain at para bang pinagkaitan na ng tadhana. Ngunit may rason talaga ang Diyos kung bakit sya kinuha sa amin. Abnormal kasi ang paglaki ng bata sa aking sinapupunan at may nakitang malaking bukol sa kanyang ulo at leeg. Talagang naaawa ako sa kanyang kalagayan. At sabi ng doktor kung mabubuhay man sya ay hindi pa rin normal at magdurusa pa rin sya at pati kaming mga magulang. Subalit gayun paman hindi ko parin kinalimutan ang aking sarili. Na may maitira pa akong pagmamahal sa aking sarili. At meron pa naman akong mga anak na nagmamahal sa akin. At magpatuloy pa rin sa buhay kabila ng pangyayaring ito.

20230316_224911.jpg

Ang pag resign ko sa aking tinatrabahuan. Lugod man sa aking kalooban na huminto na sa aking trabaho dahil buntis ako nun. At dahil hindi na ako makatulong sa aking asawa sa mga gastusin sa bahay. At wala na akong pera para pangbili sa gusto kung bilhin. Ngunit hindi ko namalayan na may magandang maidulot ang aking paghinto sa trabaho. Kasi may nag offer sa akin na kaibigan na mag-aaral kami ng Nihonggo sa isang Japanese Teaching School. Dahil isa po akong ex-Japan trainee at may tyansang makapagtrabaho sa Japan kung makatapos na ako sa aking pag-aaral ng Nihonggo. At ang magandang panig nito ay ang makapag focus na ako sa aking pag-aaral ng Nihon, kanji at hiragana. Kung saan ito ang mga pangunahing kinakailangan para makapagtrabaho ng Japan. Balak ko kasing magtrabaho ulit ng Japan dahil sa napakalaking sahod doon. At para rin sa kinabikasan ng aking mga anak pag magkolehiyo na sila. Praying and hoping by 2024 nasa Japan na po ako.

20230316_195656.jpg

Kabila man sa pangyayari sa aking buhay hindi ko talagang kinalimutan na habang may buhay ay may pag-asa, kung baga there was a sunshine hiding behind those clouds. And in behalf of challenges and problems in life important is we were still remain strong and straight to go and move forward.

received_330693411771113.jpeg

At syempre sabayan ng pananalig at dasal sa ating buhay na Panginoong Jesu Kristo.

At iniimbitahan ko sina @kyrie1234, @jess88, @jonabeth.

Hanggang dito na lamang po at Maraming salamat.

Nagmamahal,
Keta

Sort:  

Silver lining adalah sebuah ungkapan yang merujuk pada sisi positif atau keuntungan yang bisa ditemukan dalam situasi yang sulit atau buruk.

 2 years ago 

Exactly...

You've got me crying here!!! Not only with your kind words but with your first story. I also lost a baby due to a decision I had to make. It was the baby or me. As I had other children I choose myself.
Till today it is hard when I think about it. I know exactly how you felt. Even now, I don't speak about it.
Yet, there was a silver lining. It just took me ages to find it.
Wishing you all the best for the contest!

 2 years ago 

Thank you sis. God has really a reason why He gave us this particular situation. Although it is so hard to accept but we need to accept it and face the reality.

Actually, there are times that my eyes got tears when a coincidence remembering those situation. And yes, you are right sis that I had also my other children which to be focus and needs a care & love of a mother.

And for now, I am so very busy of my children in accompanying them to school. And much thankful to God because He gave me enough courage to handle those happening which the wound was already started to heal.

Thank you so much sis and God blessed you.

Thank you!
God's richest blessings to you also!

𝕮𝖔𝖓𝖌𝖗𝖆𝖙𝖚𝖑𝖆𝖙𝖎𝖔𝖓𝖘 𝖄𝖔𝖚𝖗 𝓹𝓸𝓼𝓽 𝓱𝓪𝓼 𝓫𝓮𝓮𝓷 𝓾𝓹𝓿𝓸𝓽𝓮𝓭
by @dove11 For 𝐒𝐭𝐞𝐞𝐦𝐅𝐢𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧✍

Screenshot (85)123.png
Join- HERE

 2 years ago 

thank you..

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.27
JST 0.040
BTC 96876.24
ETH 3451.68
SBD 1.58