"The Diary Game Season 3, Week #14 (July 21, 2021) | "Papa's Birthday"

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang Gabi po at Mabuhay sa lahat ng mga kababayan kung Steemians, lalo na sa lahat ng active members ng ating Steemit Philippines Community.

@bellekiss-31 po ulit, masayang magbahagi ng aking araw araw na byahe sa buhay dito sa ating mahal na Steemit Philippines Community.

Kasiyahan kung maibahagi sa inyo ang pinagkakaabalahan ko sa araw na ito July 21, 2021.


IMG_20210722_203506.jpg

Sa araw na ito po ay kaarawan ng aming nag iisang Papa, si tatay Romy sa kanyang (10) sampung apo. Ika limamput pitong taong gulang palang ng Papa namin ngayon (57th) medyo bata pa kung tutu-usin, kaso nagkasakit kasi si Papa noong Nobyembre lang ng atakihin siya sa HB niya sa ikatlong pagkakataon, kaya parang medyo mas matanda siya tingnan kaysa sa edad niya, kaya't laking pasasalamat po namin at binigyan pa siya ng mahaba pang panahon na mag stay sa aming tabi, kaya lang mahihirapan na siyang maglakad ng walang cane at wala ring lakas ang kaliwang bahagi ng kanyang katawan, gayon paman ay makikita namin na pursigedo talaga si tatay na babalik dn siya ulit sa dati.

IMG_20210722_203715.jpg

Muntikan talaga akong magkasala kasi nga nakalimutan ko talaga ang kaarawan ni Papa, hindi ko naman nakalimutan ang araw ng kanyang kapanganakan, kaso nga dahil sa call center ako nagtatrabaho, nasa isip ko hindi pa 21, kasi ang sa USA na date ay huli ng 12 hours sa date natin, so ayon, kung hindi lang ako pina aalahanan ng kapatid ko magtatampo talaga si Papa sa ako akin panigurado.

Bilang panganay sa limang magkakapatid inobliga ko na ang sarili ko na magdesisyon para sa lahat, kahit medyo krisis pa rin tayo, at least nagawa pa rin naming ma celebrate ang birthday ni Papa.

IMG_20210722_203918.jpg

Pagkagaling kong office sinundo ako ni hubby at dumeritso na kami sa palengke para makabili ng pa pansit para kay Papa at Isda para ihawin, kasi yon lang ang safe na kainin nila Mama at Papa. Ang nag iisa kong kapatid na lalaki naman ang nangako na bumili ng cake, so hindi na ako. nag demand pa sa dalawa kong kapatid kasi understandable naman, kasi yong isa kapapanganak palang, ang isa naman ay nasa trimester pa ng kanyang pagbubuntis.

IMG20210721181325.jpg
IMG20210721191709.jpg
Ito po naging ulam namin sa dinner, at dahil birthday kaya may pansit, alam niyo na kababayan, sabi nga nila "Pansit Pampahaba ng Buhay" Happy 57th birthday ulit sa Papa namin, Wishing him Good Health all the time.

Maraming Salamat po sa oras na inyong inilaan para sa pagbabasa, Nawa'y biyayaan din po tayo ng malakas na pangangatawan.

Stay Safe and Healthy Everyone!

Love & Care 💗 @bellekiss-31!
received_314598630159213.webp
gPCasciUWmEwHnsXKML7xF4NE4zxEVyvENsPKp9LmDaFuzqYucNDVEeVjneX5REAXg5qRKzgSqP9WQ29iY5hyacTyR3cYm3UKdSvBehsJyMewi4ydZqgNtP2bRnvn5vMcKtm3WXNSUSRkVEzFF.gif

Sort:  
 3 years ago 

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post sa araw na ito. Ang iyong Diary po ay kwalipikado para sa Diary Game contest sa linggong ito (Week 14).

Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating Diary Game contest.

Updated Rules and Regulations

Para po makapag patuloy na maka sali sa ating Diary Game contest at sa iba pang parating na mga contests sa community, kailangan mo pong magpa fully verify.

Ito po ang mga detalye kung paano magpa verify.

Verification Process Link

 3 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 56544.71
ETH 3000.89
USDT 1.00
SBD 2.17