The Diary Game Season 3 : Dec 1, 2021 : Ang Masayang Community Resbakuna naming Magkakapitbahay

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang araw Steemit Philippines! Sana ay nasa mabuti tayong lahat lalong lalo na at ilang araw na lang ay magpapasko na.

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko ang aming Community Resbakuna laban sa virus na Covid19.Noong mga nakaraang buwan ay hindi ako nakapag pabakuna dahil sa lagi akong nagkakasakit na ikinatatakot kong magpabakuna.

received_318950963152418.jpeg

IMG_20211125_165057.jpg

IMG_20211125_124356.jpg

IMG_20211125_124301.jpg

Noong nakaraan ay ikinatatakot kong magpabakuna dahil sa marami akong naririnig na nasawing buhay dahil sa bakuna at wala talaga akong balak na magpabakuna.

IMG_20211125_122835.jpg

IMG_20211125_121554.jpg

IMG_20211125_121541_1.jpg

IMG_20211125_121539.jpg

Ngunit dahil sa naghihigpit na lahat na di na pinapapasok sa mall, restaurants, palengke at iba pa.Hindi na rin pedeng bumyahi kapag hindi fully vaccinated o kapag kapag walang vaccination card na maipakita.Kaya nag panic ang mga tao ngayon na magpabakuna dahil sa December daw ay may bayad na ang bakuna at hindi na ito libre.

Naging kombinsido akong magpabakuna dahil sa naging limitado na ang mga galaw at mapupuntahan kapag di bakunado kaya pinaghandaan ko ang araw na ito at nagpa kondisyon para araw ng vaccine.

Nakakatuwa yung madami kaming mga magkakapitbahay na di pa nagpabakuna noon kaya sabay sabay kami ngayon at nagpabakuna at mas nakakabawas ng kaba kapag madami kayong nagpabakuna.

Kaninang 11 ng umaga Dec.1 2021 ay kinuha kami ng sasakyan ng Kagawad ng aming City na si Kagawad Dra.Gaane pag dating sa lugar ay inorient kami na hindi kami dapat matakot sa bakuna dahil para ito sa aming proteksyon at proteksyon ng aming pamilya.

Binigyan kami ni Doktora ng gamot na paracetamol at ascorbic acid din.Mahaba haba ang pila at maraming proseso ngunit umabot din kami sa unang dose ng pagbabakuna at itoy tagumpay at walang kaba.

IMG_20211125_131152_1.jpg

Nang dumating kami sa vaccination site sa Lim Ket Kai Center ay nagpaalam muna ako sa mga kasama ko na kakain muna ako dahil sa wala pa akong pananghalian.Umorder ako ng Chicken meal sa S & R at kumain.Pagkatapos kong kumain ay agad akong bumalik sa pila ko.

Nagpapasalamat ako sa mga frontliner at sa mga tumulong sa amin lalo na ang team Gaane na nag assist sa amin.

Natapos ang aming vaccine na masaya at sa wakas ay mayroon na akong vaccine card.Inaantay nalang namin ang ang schedule ng text ng aming second dose.

IMG_20211201_214813.jpg

received_318950963152418.jpeg

Hanggang dito na lamang maraming salamat sa inyong pagbabasa ng aking Diary game ngayong araw na ito.

Sort:  
 3 years ago 

Same bheb! Good job satin!
inbound3624906025007274607.jpg

 3 years ago 

Congrats sa bakuna sis. Ako fully vax na.

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.20
JST 0.034
BTC 91358.60
ETH 3091.62
USDT 1.00
SBD 3.16