The Diary Game April 19, 2021 : Ang Pamamasyal Namin sa SM at Kainan sa Labas

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang Araw mga kaibigan ko sa Steemit.Panibagong araw ngayong Linggo na naman sa ating buhay.Ngayong araw na ito ay nais kong ibahagi sa inyo ang mga kaganapan at actividad ko ngayon.

IMG_20210419_194613_1.jpg

Maaga kami ng mga anak ko na gumising upang makapag linis ng bahay at makakain.Pagkatapos ng aming gawaing paglilinis ay inuumpisahan ko na naman ang aking hanapbuhay sa online sa pamamagitan ng pagrerecruit ng mga talents para sa live streaming app.

Ang ginagawa ko ay pinaprocess ko sila kung paano sila mag download ng app para sila ay makakapag umpisa magtrabaho online sa pamamagitan ng pag livestream.

Kanina ay nag aaya ang panganay ko na anak na kumain kami sa isang eat all you can sa labas at kami ng mga anak ko ay pumunta upang kami ay makakain.

IMG_20210419_194034.jpg

Gustong gusto namin doon sa Bojaks Grill Eat All You Can dahil sa masarap ang kanilang pagkain at may seafoods din sila sulit sa halagang 199 pesos.Paborito ko ang crabs at hipon yun ang lagi kong binabalik balikan.

Mahihinang kumain ang mga kasama ko ako lang ata ang pabalik balik kumuha ng pagkain at malakas na kumain.

Pagkatapos namin sa kainan ay namasyal kami sa SM mall sinamahan ko sya magpagawa ng salamin nya at magpagupit ng buhok.Habang nag aantay ako sa kanya na ginugupit ang buhok ay nag selfie muna ako at sinimulang i compose ang post na ito hababg nka upo sa sofa ng parlor dahil hanggat maari ay nais kong mkapag post araw araw dito sa steemit.

IMG_20210419_184659.jpg

IMG_20210419_184813.jpg

Tapos na ang aking anak na magpagupit kayat umakyat kami sa taas ng SM mall dahil meron silang mini park at nag picture2x muna kami sandali.Maya maya lang ay dahil sa gabi na ay nakaramdam kami ng pagkagutom kaya kumain muna kami sa Shabu shabu bago kami umuwi.Ito ang unang beses na nakakain ako ng shabu shabu at masarap pala ito.

IMG_20210420_221836.jpg

IMG_20210419_181219.jpg

`
IMG_20210419_181238.jpg

IMG_20210419_194534_1.jpg

Hanggang dito nalang muna at nawa ay nagustuhan ninyo ang kwento ko sa araw na ito at sa muli.Maraming salamat sa pagdaan at pagbasa.

Maraming salamat kay @steemitblog@steemcurator01@steemcurator02@steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Sort:  
 3 years ago 

Hala! Ang sarap ng food. 🍲😍😍😍

 3 years ago 

Uu nga lalo akong tumataba haha

 3 years ago 

Sarap ng mga pagkain.. 😁😁

 3 years ago 

Pag muanhi mu cdo migoy soroy ta dha

 3 years ago 

Puhon ate . 😊😊

 3 years ago 

Oy nice ang araw mo Sis naka pag un wind ka talaga

 3 years ago 

Uu nga sis puro nlng kc stress at work online pero naisingit pa rin compose habang nmmasyal :)

Sobrang yummy yan ate ahh

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Curated by @blessed-girl

r2cornell_curation_banner.png

Enhorabuena, su "post" ha sido "up-voted" por @dsc-r2cornell, que es la "cuenta curating" de la Comunidad de la Discordia de @R2cornell.

 3 years ago 

Mabuhay at Maligayang Pagdating sa ating Steemit Philippines Community. Maraming salamat sa iyong pag-suporta sa ating **The Diary Game Steemit Philippines Contest Week 1.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 65761.91
ETH 3385.70
USDT 1.00
SBD 2.62