Steemit Philippines Photography Contest Week #5 - Filipino Food Photography : "Kumain ka na?"
Pahabol entry sa kasalukuyang pa contest ng Steemit Philippines.
Ito po ang latest update:
Steemit Philippines Photography Contest Week#5
"Kumain ka na?"
Kumusta..
Magandang araw..
Kumain ka na?
Mga mensahi ng sagutan nating dalawa
Heto na nga at dito ang simula
Sa agahan, tanghalian, at hapunan
Hindi mo kinalimutan mga tanong
Kung tiyan ay may laman
Mga bati mo ay kinasasabikan
Boses mo ay naging himig sarap pakinggan
Tela nagkakabuhay ang mga letra
Sa bawat mensahing pinapadala
Puso ay naligalig sa pag-alala
Bawat araw na nasasabik
Hindi mapigilan ang pusong lintik
Unti-unti nahuhulog na yata
Sa mabusilak na mga salita
Isang araw, pinagyaya mo
Kain duon, kain dito
At minsan pinagluluto
Paboritong kong Pakbet!
Kinikilig dahil ang sweet
Tuluyan ng nahulog ang puso na
Dati tahimik, ni walang imik
Nagbabalik tanaw sa kahapon
Habang hawak kubyertos
sa gilid lumalamon
Mag - isa ngayon
Kumusta? Kumain ka na ba?
Duon ang simula
Pero ewan ko kung paano nag-iba
Kung bakit Ikaw ay nawala?
Asan ka? Miss kitang kumain na Kasama
Pag-ibig
Sa simula, masarap sa simula
Magandang hapon Steemit Philippines 😊.
May oras pa para sa makasali kaya heto ang aking entry bilang suporta sa kumunidad. Ako ay naniniwala na ang pagkain ay siyang nagbubuklod ng tao. Tulay para sa masayang buhay. Hindi lamang ito ay dahil kinakailangan natin para sa katawang pang pisikal kung hindi pati sa pakikipagsalimuha natin sa nakapaligid sa atin. Ito ay pwedeng- pwede ring gawing instrumento para makabigay biyaya sa iba. Sana po tayo ay nakakain ng tama, yan ang aking dasal.
Tagging 3 friends: Salamat sa imbetasyon @chibas.arkanghil
Hello @sweetwater97
Hello te tag sa teka ha keep safe all of you. @remay,
20% rewards of this post goes to @steemitphcurator
Dghana tungdan murag naa jud niy punu-an diha dah. Hehehe amping sad diha dai.
Naay daghan sa merkado,thanks friend.
Very healthy foods.
Judge: @juichi