STEEMING COMMUNITY: SA PAGLUBOG NG ARAW (POEM NO.2) | SUNSET
Good afternoon everyone!
I want to share with you how beatiful this "POEM" it is. (SA PAGLUBOG NG ARAW or SUNSET) By: Alnaver Baltazar
Nagbabagang bolang ginto'y gumugulong sa kanluran,
Dahan-dahan kung ibuyog sa maulan na hantungan;
Ang katalik na maghapon ay aayaw na paiwan,
Nakabuntot sa pag-isod mula roon sa silangan.
Kandilimang naghuhunab sa mababang panginori'y
Pasalubong sumusunson sa luhaang takipsilim;
Ang daluyong ay pataghoy kung humalil sa pampangin,
Habang doon sa tumana'y dumadalit yaong hangin.
Ang akasya sa libingan ay nagtuping mga dahon
At ang hayop na nagligaw sa pastula'y nagsiyaon;
Alaala'y tiklop-tuhod sa bisitang nasa nayon,
Samantalang ang dukipal sa simboryo'y lumulungoy.
O kaylunglot na tanawing iginuhit ng tadhana,
O kaygandang panimdiming napupuntos ng hiwaga;
Sa masining na damdami'y likhang-guro ni Bathala,
Talinhaga't salamisim sa daigdig ng Makata!
Hope you like this poem.
Love,
@mayann
Amazing entry... Great job
Thank you so much ma'am.