ACT OF KINDNESS (11-20-2020) | Ang Aming Bagong Feeding Mission Sa Mainit Iligan City
Magandang Buhay sa ating lahat!!!
Dalangin ko po sa ating lahat ang maganda at masaganang buhay para sa atin. Ngayon nga ay meron na naman kaming bagong Feeding Mission na natapos at taos puso ko po itong ibabahagi sa inyong lahat.
Noon nga pong nakaraang linggo, beyernes ay nag sagawa na naman kami nang panibang Feeding Mission at sa araw na iyon ay maaga kaming gumising mga nasa 3:00 nang umaga upang makapaghanda at ma luto namin nang maaga ang aming mga pagkain para sa Feeding. Nag tulungan kami sa pagluluto hanggang matapos namin ito nang mga nasa oras na 8 nang umaga.
Mga nasa oras nga na 9 nang umaga ay umalis na rin kami dahil nga sa ang lugar na aming pagdadausan ay medyo malayo at ay sa Mainit Iligan City, isa sa mga Barangay sa syudad na nasa bundok at talagang napakalayo, mga nasa dalawang oras siguro ang aming byahe bago makarating at makalipas ang higit sa dalawang oras ay narating na rin namin ang lugar nang Mainit Iligan City.
At sa pagdating namin ay agad na din kaming nag simula sa aming programa dahil ang mga bata na rin ay nakahanda na at naghihintay na sa amin. Hindi namin akalain na marami palang mga bata ang aming madadatnan dahil sa paaralan ang aming venue.
Ang una talagang ginawa namin ay inaliw muna ang mga bata sa pamamagitan nang mga kanta at sayaw na pang bata, para na rin sil ay malibang at hindi ma inip habang hinahanda namin ang iba pang mga pagkain. Syempre, ang mga nag bigay aliw para sa mga bata ay ang aming mga magagandang mga binibini, ang mga ate.
Pagkatapos ma aliw nang mga bata ay sinundan din ito nang pagbabahagi nang aming Leader sa aming Feeding Mission ang aming Pastor nang mga salita nang Dios para na rin sila ay merong matutunan sa salita nang Dios at pati na rin ang kanilang mga magulang na kasama nila.
At pagkatapos din ay sinimulan na rin namin ang pagbibigay nang mga pagkain sa mga bata at kitang kita nga namin na talagang masaya sila sa kanilang natanggap na pagkain. At ito ang mga pagkain na ibinahagi namin sa kanila.
Nawa ay matapos na itong pandemyang ating nararanasan ngayon upang maipag patuloy namin ang aming misyong ito na mapakain at maituro sa mga bata ang mga magagandang mga asal at salita nang Dios sa kanilang mga murang mga pag-iisip at ito ay ginagawa namin para sa kanila at ini-alay namin sa Dios.
At ito ang aking Act of Kindness na ginawa namin sa nakaraang Feeding Mission, nawa ay marami pa kaming magawa at akin itong maibahagi sa inyo. Maraming salamat kay @steemcurator01, @steemcurator02, @steemcurator08, @steemitblog at sa lahat nang Steemit Team sa bagong challenge na ito nawa ay mas marami pang darating.
Good job! We need this especially in times like this. Keep up the good deeds. God bless you all!
SELAMAT
Postingan anda telah mendapat kurasi secara manual dari akun komunitas @steemseacurator.
Terimakasih telah berpartisipasi dalam komunitas Steem SEA
Kami akan sangat berterimakasih jika anda bersedia mendelegasikan Steem Power (SP) anda untuk kemajuan komunitas Steem SEA ini
Salam hangat
Anroja
Link pintas untuk delegasi:
100SP 200SP 300SP 500SP 750SP
1000SP 2000SP 3000SP 4000SP 5000SP
Kurang tahu bahasa nya hehehe emang gatau
This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.
Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.
Anroja
Thank you for setting your post to 100% Powerup.
Keep following @steemitblog for the latest updates.
The Steemit Team