The Diary Game December 23, 2020 : Betterlife for Senior Citizens Distribution of Wheel Chairs and Government Pension Distribution Day

in Steem SEA4 years ago (edited)

Maligayang Araw sa ating lahat at sa mga Lolo at Lola na tumanggap ng Pension ng Mga Senior Citizen.

PicsArt_122302.26.36.png
Cerilo Yecyec Accepting the Wheel Chair

Lahat tayo ay papunta sa pagtanda tatanda rin tayong lahat at magiging senior citizen dapat ay pahalagahan , mahalin at alagaan natin ang ating mga matatanda sapagkat malaki ang utang na loob natin sa kanila sa mundong ito bilang ating mga nkakatanda o magulang.

IMG_20201221_105803.jpg
*Nanay Susing Rivera *

Marami sa mga kabataan ngayon ay wala ng paggalang at respito sa mga matatanda lalong lalo na sa henerasyon ngayon.Noong kabataan ko ay di ko masyadong pinapansin ang mga matatanda ngayong patanda na ako ay parang unti unti ko ng nararamdaman na ako ay papunta na rin doon.

IMG_20201221_110159.jpg
My Mother and the DSWD officials while Im taking pictures

Ngayong araw na ito ay sinamahan ko ang aking Ina na isa ring senior citizen upang gabayan ang mga taga DSWD na magbigay ng pension sa mga sinior citizen sa mga bahay bahay nila.Ginawa na lamang house to house ang pagbibigay ng mga senior citizen sapagkat karamihan sa mga senior ay hindi na nakakatayo o nakakalakad.

IMG_20201221_104415.jpg

IMG_20201221_104220.jpg
Nanay Consuelo Hilario

Ang aking Ina ay isang Senior Citizen President sa aming lugar kaya sa kanya lumapit ang mga tiga DSWD upang makilala ang mga matatandang tatanggap ng pera sa halagang 3,000 pesos bilang pension nila kada tatlong buwan.

IMG_20201221_110717_1.jpg
Nanay Landa Gumanit

May anim na mga matatanda ang nakatanggap ng pension ngayong araw na ito at bakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan ng matanggap ang tatlong libong pera kasabay ng pagpapakuha ng picture at pag pirma.
IMG_20201221_105553.jpg*
Tatay Basilio Rivera*

Ang bigayan at hinatid namin ang pension ng mga matatanda mula kaninang 9 am ng umaga hanggang 1 pm .Iniisa isa naming puntahan ang bahay ng mga matatanda .Ngaun ay masaya na ang mga matatanda dahil may natanggap na silang pambili ng Noche Buena nila at ang iba naman ay pambili ng maintenance nila na gamot.

Masaya ang makatulong sa kapwa lalo na sa mga matatandang hindi na maka kilos at maka hanapbuhay dahil sa katandaan ng edad nila.Kahit sa ganitong maliit na bagay ay makatulong ako.Minsan sinasamahan ko din ang aking ina na pumunta sa OSCA office (OFFICE OF THE SENIOR CITIZEN ASSOCIATION) dito sa aming syudad upang maglakad ng mga papeles ng mga matatanda tulad ng Senior Citizen ID at mga karapatabg papeles para sa tulong pagamot.

Simula ng bumalik ako dito sa aking lugar na aking pinagkalakihan ay nag umpisa na akong maging aktibo sa gawaing pang komunidad na may layuning maka tulong sa kapwa at nangangailangan.

Sa susunod na linggo ay magpapatuloy ang pamimigay ng pension dun sa mga matatandang hindi pa nakakatanggap ng pera dahil ito ay aming pina follow up sa DSWD upang masagot ang katanungan ng ilang matanda kung kelan sila makakatanggap ng pera.

Yan lang muna ang maibabahagi ko ngaung araw na ito sa #thediarygane at bukas ulit ay mayroon na namang akong iba pang kwentong ibabahagi sa mga pang araw araw na gawain.

Maraming Salamat sa Panginoon na di nya ako pinabayaan at unti unting natutupad ang aking mga munting pangarap na makatulong sa Kapwa
At kay @steemcurator01 @steemitblog @steemcurator08 at sa lahat ng bumuo ng challenge ng #thediarygame .

Sort:  
 4 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

Thank you so much for the support and curation @steemcurator08 Merry Xmas and happy New Year !!!

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.27
JST 0.040
BTC 96948.35
ETH 3468.05
SBD 1.56