The Diary Game 2 : Biyaya ng Langit Mula Sa Karagatan Pangingisda Ngaung Araw na Ito Dec.3, 2020

in Steem SEA4 years ago (edited)

received_135761311416121.jpeg

Maganda at Mabiyayang araw sa ating lahat dito sa Steemit.Ngayong araw ay ibabahagi ko ang biyayang nakuha namin mula sa karagatan.

Sa kabila ng kahirapan ay pinagpasalamat ko na kami ay nakatira sa tabi ng dagat.Kung wala kaming maiiulam ay pupunta kmi sa dagat upang mangisda.Minsan nangigisda kami pag hunas ngunit madalas ay ang aking kapatid na lalaki ay namamana.

Bumili ang aking kapatid ng gamit sa pagpana.Madalas araw araw sya ay nag papana ng isda.Tinitingnan muna ang dagat kung ito ay malinaw ang tubig at ito ang magandang pagkakataon upang kumuha ng isda.

FB_IMG_1607002570845.jpg
Mga Gamit na Pana para sa pagkuha ng Isda

Kaninang madaling araw ay nagpapana mula 4:30 am gumagamit sila ng maliwanag na ilaw upang makita ang mga isda natatapos namang ng alas 7:30 ng umaga kami naman ay nag aantay lang sa dalampasigan upang antayin ang mga nakuha nila.Minsan naman sa hapon ay pumupunta kami sa dagat ng alas 3:00 ng hapon upang manguha ng isda.

Screenshot_20201203_215752.png
Pamangkin ko kinukunan ko ng litrato habang nag aantay kami sa dalampasigan

Ito ang nakuha namin ngayong araw na ito mga alimasag na maliit sa bisaya tawag nito ay lambay at mga maliliit na isda na pede ng pang ulam ngayong araw na ito.

FB_IMG_1607002588243.jpg
Alimasag na Maliliit at Isda maliliit

FB_IMG_1606888982915.jpg
Medjo malaking alimasag at malaki konti na isda

Minsan ay walang nakukuhang isda at minsan naman kapag sinuswerte ay may kasama pang alimango.Kanina ay medjo maswerte dahil nakakuha ng alimango at isda.Pag mas sinuswerte talaga ay may kasama pang pusit o tabogok sa bisaya.

Napakasarap dahil bagong ahon mula sa dagat napaka sariwa.Madalas ang pag luto namin ay sinasabaw namin , minsan naman ay piniprito at ang pusit ay inaadobo.

FB_IMG_1607002636482.jpg
Adobong pugita mula sa dagat

Paborito ko ang alimango gustong gusto ko ito at ng pamilya ko na ginigisa o kaya naman ay sinasabawan upang maka higop ng mainit at malinamnam na sabaw pero ang madalas na sinasabaw ang isda at ginagawa itong tinolang isda kahit wala ng sangkap na gulay sibuyas lamang, kamatis at luya ay sapat na lagyan lang ng asin at bitsen na kaunti.

Malaking bagay talaga ang may alternatibong paraan na pinagkukunan ng pagkain sa araw araw sa kabila ng kakapusan sa buhay ay may biyaya sa karagatan kahit na hindi na ito kasing dami ng katulad noon dahil sa marami ng binago sa dagat namin dahil sa ginawang coastal road ang dagat namin ay naapektuhan ang dami ng isda na nakukuha sa dagat dito sa tabi namin.

Mabuti na lamang ay umaayon ang panahon ngaun at hindi na laging umuulan upang magkaroon ng pagkakataon na lumusong sa dagat at kumuha ng isda sa karagatan.

Mayroon ding mga nangingisda na mga kapitbahay namin pero iilan na lamang dahil di na nangingisda ang mga tao at nag tatrabaho na lamang bilang empleyado.

Ang pagkakataong makakuha kami ng isda ay minsan lamang kapag ang aking kapatid na lalaki ay naka uwi ng bansa mula sa trabaho niya sa barko bilang seaman dahil sa napakahilig nya talagang kumuha ng isda sa dagat at ginaganahan kami ng pamangkin ko na sumama dahil ayaw ko rin lumusong sa dagat na kami lamang.

FB_IMG_1607001748308.jpg
Ulam namin kaninang tanghali

Naalala ko nung bata pa ako ay mahilig talaga akong pumunta dito sa aming dagat at maglaro sinasabayan na rin ng pangunguha ng kalaykay at alimamgo.Boung araw ako noon na nasa dagat maligo pagkatapos maligo ay manguha na ng isda .

Ikinukwento ko sa aking mga anak kaning tanghali na kami ay nanggaling sa dagat at nanguha ng isda.Sabi ko sa kanila sana ay maranasan din nila ang ganitong pagkakataon na makakuha ng biyaya mula ss dagat na hindi na binibili sa palengke.

Napakasaya ng araw na ito dahil sa aming pagiging produktibo at tyaga upang magkaroon ng ulam.Napakalaking bagay at tulong na pinasasalamatan namin ang bigay na dagat ng Panginoon.Sana ang mga tao ay pahalagan ang yamang dagat dahil paano na lamang ang mga nabubuhay sa dagat at umaasang mabuhay sa karagatan sa pamamagitan ng pangingisda kung ang iba ay ginawang tapunan ng basura ang karagatan.

Mabuti na lamang at may batas na dito sa amin na bawal ang magtapon ng basura sa dagat at ang mahuhuli ay pinapatawan ng parusang mag bayag ng limang libo kapag ito ay nahuli at alerto naman ang mga tao dito sa amin upang magbantay at magmalasakit sa aming tabing yamang dagat.

Maraming salamat sa pagkakataong ganito na may #thediarygame upang magsalaysay ako ng napakagandang karanasan natin sa araw araw at naway nagustuhan ninyo ang aking kwento ngaung araw na ito mula sa biyaya ng karagatan na napakalaking kaginhawaan sa aming araw araw na pamumuhay.

Lubos ang Pasasalamat ko sa mga bomou ng pagkakaton na ito sina @steemitblog @steemcurator01 @steemcurator08 at sa lahat ng bumasa ng aking kwento ngaun araw na ito.

Nais kong magpasalamat kay @nazarul at kay @anroja sa kanilang gabay bilang baguhan dito sa #thediarygame.

Mabuhay taung Lahat !!!
Mabuhay ka Steemit !!!

Sort:  
 4 years ago 

Octopus is very good. Where I live, a lot of cooking using potatoes.

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

 4 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.27
JST 0.040
BTC 96948.35
ETH 3468.05
SBD 1.56