Puno ng Niyog - Puno ng Buhay

in #health6 years ago

Sino ang hindi nakaka-kilala ng Niyog?


Image Source

Ito ay isang prutas na binubuo ng isang makapal, mahiblaang hugis-itlog na kayumanggi na takip na may isang matigas na bao. Ang mga niyog ay naiiba sa iba pang mga prutas dahil sa kanilang endosperm na naglalaman ng isang maraming sabaw na tinatawag ding "gatas".

Ang terminong niyog ay maaaring tumutukoy sa buong puno ng niyog o binhi, o ang prutas. Ang salitang ito ay nagmula sa salitang Portuguese at Espanyol na coco na nangangahulugang "ulo" o "bungo", mula sa tatlong indentations sa coconut shell na katulad ng mga mukha.


Image Source

Nakakakain ka na ba ng murang niyog o buko?


Image Source

Ang buko o ang murang niyog ay paborito ng marami di lamang ng mga gustong maging malusog kundi lalo na ng mga gustong magpalamig.
Ang buko ay may nakakain na puting laman na pumapaligid sa loob ng bao ng isang murang niyog, at habang ang sabaw naman ay mistulang gatas na likido na tinatawag na gata. Naiinom din ang sabaw at nagagamit bilang panlunas sa mga hirap makapaglabas ng ihi, at UTI.

Ang proseso ng copra


Image Source

Kapag tuyo, ang laman ng niyog ay tinatawag na copra. Ang langis at gatas na nagmula dito ay karaniwang ginagamit sa pagluluto at pagprito, pati na rin sa mga sabon at mga pampaganda.

Mula sa bao ng niyog at aalisin o ihihiwalay ang puting laman at ibibilad, matapos ang takdang panahon ay tinatawag na itong copra at naibebenta upang magamit bilang sangkap para sa pag-gawa ng mga produktong panganga ilangan natin sa buhay gaya ng langis na pangluto at langis na panghilot, ito rin ang sangkap na kailangan para sa paggawa ng mga pampaganda

Ang mga produktong gawa ng niyog gaya ng mga kosmetiko.


Image Source

Ang isang kahalagahan ng niyog ay ang langis nito na ginagamit bilang sangkap na kailangan para sa paggawa ng mga produktong kailangan natin gaya ng mga kosmetiko. ang mga pampagandang produkto ay may mga halang langis dahil sa taglay nitong antioxidant at iba pang mga benepisyo sa katawan at sa ating balat.

Ang mga bunot o husk ng niyog ay maraming nagagawa.

Ang mga bunot o husk ng niyog ay maaaring gamitin bilang materyal upang makagawa ng iba't ibang mga produkto para sa muwebles at dekorasyon.

Dagdag impormasyon ukol sa niyog.


Image Source

Sa tamang pag-aalaga ,kapag lumalaking nsa magandang kondisyon ang mga puno ng niyog, ang mga ito ay gumagawa ng kanilang unang bunga sa anim hanggang sampung taon , at umaabot ng 15 hanggang 20 taon

Ang mga puno ng niyog ay nangangailangan ng mainit na kondisyon para magimng malusog, at hindi nito gusto ang masyadong malamig na panahon, maaari ang pabago-bagong klima ngunit mainit ang talagang naaayong panahon para sa tamang paglaki at magandang pagbubunga.

Maraming salamat sa pagbabasa.

Sort:  

Napaka-palad ng Pilipinas sa pagkakaroon ng maraming puno ng niyog

Salamat sa pag-bisita. Totoo yan , mapalad ang Pinas.

Napakaraming tulong ng niyog sa buhay ng tao

Puno ng niyog, puno ng buhay!

True! Higit sa lahat, mura pa.

Tunay nga po na maraming kapakinabangan ang makukuha mula sa puno ng niyog. Kaya naman po tinatawag ito ng marami na "Ang Puno ng Buhay"

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.26
JST 0.040
BTC 100671.43
ETH 3655.73
USDT 1.00
SBD 3.14