Mga Dahilan Upang Mapigil Ang Pagdami Ng Puting Buhok

in #health6 years ago (edited)

Mahalaga sa atin ang itsura at kulay ng ating mga buhok.

Ito ay nagbibigay sa atin ng magandang itsura at magandang pakiramdam upang lumakas ang ating paniniwala sa ating sarili.


Image Source

Tatlong dahilan kung bakit dapat natin hayaan na lang ang mga puting buhok.

Tayo ay sadyang may angking ganda, kulay abo man o hindi ang ating buhok. Maaaring ang dahilan ay nahihiya tayo sa sasabihin ng ibang tao dahil hindi sila nasanay na makakita ng taong puti o grey ang buhok.
Ngunit para naman sa ayaw na may puting buhok sa ulo ay nagpapasalamat sil dhil na-uso a ng mga nalikhang kemikal mna pampa kulay ng buhok.

Maaari mong maiwasan ang mga sumusunod na negatibong epekto na nauugnay sa pangkulay ng buhok.


Image Source

1. Nakakasira ng buhok ang matapang na kemikal.


Image source

Dahil sa matatapang na sangkap ng pampa-kulay ng buhok at sa palagiang pag-gamit ay nasisira ang ating buhok, kaya marami tayong nakikitang mga tao na may mga split ends, magagaspang na buhok. parang mga patay na buhok ang hibla ng buhok.
Sa paglipas ng panahon at sa tulong ng pagaaral, unti-unting nababawasan ang mga matatapang na sangkap (harnful carcinogen), mayroon pa ring kemikal na di maiwasang isama gaya ng Maging ang tinatawag na "Organic" na hair dye, na nakikita natin sa labas ng lalagyan ng produkto, O yung mga produktong ang sangkap ay gaya ng coconut oil o mga natural na sangkap, sa paglipas ng maraming taon na paggamit ito ay makakapinsala din sa ating buhok.

2. Isipin natin na ito ay ang normal na paraan.


Image Source

Nakasanayanna natin na nakikitang itim ang ating buhok at iyon ang dahilan kung bakit gusto natin na kahit may edad na tayo ay gusto pa rin narin na itim ang buhok.
Ang pagtanda ay isang normal sa buhay ng tao at kasabay nito ang pagbago ng kulay sa ugat ng ating buhok, kaya hindi dapat na maging maliit ang tingin sa mga may puting buhok, o ang laitin ang mga ito dahil ang mga nakikita nating mga may edad na ngunit hindi puti o grey ang buhok ay hindi normal.

3. Pagaaksaya lamang ng pera

Napakahirap kumita ng pera, lalo na sa hindi naman mapakataas ng mga sweldo at ang pagbili ng mga produktong para sa pagkukulay ng buhok ay isang malaking gastusin. Kung ikaw ay magkukulay ng buhok kada buwan ay makakabawas na ito sa iyong perang panggastos para sa mas importanteng bagay at sayang din ang iginugugolna oras at panahon para sa apgkukulay.

Gumamit ng mga halaman para sa buhok.


Image Source

Kung ikaw ay talagang nagnanais na magkulay ng buhok, may mga natural na paraan na hindi makakasira ng buhok at nakabubuti pa sa ating kalusugan.
Hindi lahat ay naniniwalang mas mabisa ang halaman para sa ating ikagaganda ng buhok. Napakaraming mabibili sa pamilihan at marami din matatagpuan lamang na nasa inyong kusina o sa mga paso sa hardin. Kung ikaw ay tao na tumatangkilik sa halaman bilang gamit para sa ikalulusog ng buhok ay makakatulong ka pa sa komunidad at sa mga tao na nagtatanim, at nagbebebta ng mga ito.

Ano ba ang mga halaman o pagkain na mabisa para sa pagkukulay ng buhok?

Ang Henna ay isang popular na sangkap sa pagkukulay ng buhok. Ito ay isang halaman. Ang giniling na dahon ng henna ay makakapagkulay ng matingkad na itim sa iyong buhok. Nanaisin mong mag-suot ng gwantes sa kamay kung ikaw ay magpapahid nito dahil madaling kumapit ang kulay itim na henna sa balat
Upang maiwasan ang magkaroon ng mantsa sa mukha ay maaaring magpahid muna ng "petrolium jelly" sa hairline.
Maaari ding haluan ng ibang kulay ang henna kung ang nais ay di masyadong itim ang kulay ng buhok.

  • Lemon juice


Image Source

Kung ang nais mo ay mas mapusyaw na kulay ng buhok, maaaring gumamit ng lemon juice, hindi kna mangangailangan ng bleach para magpusyaw lang ng kulay ng buhok mo. Katasin ang lemon at ilagay sa isang lagayang bote na may spary, iispray lamang ito sa buhok. Ngunit ito ay mangangailangan ng init ng araw kaya matapos maglagay ng lemon sa buhok ay ibilad ang ulo sa arawan.

  • Kape at tsaa


Image Source

Sa mga tao na an gnais ay magkaroon ng matingkad na itim na kulay ng buhok, ang organic espresso ay mabisang gamitin. mag-spray lang sa buhok, takpan ng plastic ang ulo sa loob ng isang oras at banlawan ngunit huwag na muling sasabunin.
Ang kulay ng tsaa ay galing sa tintawag na tannins. Kung ito ay palagiang gagatin o ipapahid sa buhok ay mapapansin ang pagpapalit ng kulay ng buhok sa matagalang pag gamit.
Maaaring magdagdag ng ibang sangkap na may ibang kulay upang makamtan ang nais na kulay ng buhok.

  • Beet juice


Image Source

Ang beet root juice ay may magandang kulay na juice, at para sa mga gusto ng kakaibang kulay n gbuhok, maaaring ito ang gamitin. Magpiga ng dal;awang pirasong beet root at ilang kutsaritang olive oil. Ipahid ito sa buhok na may gamit na gwantes sa kamay upang di magka-mantsa ang kamay. Hayaang ito na magtagal ng isang oras bago banlawang mabuti na hindi gagamit ng sabon.
Maari ding maghalo ng ibang sangkap na may kulay kung ang nais ay hindi masyadong mabula. Pwede ring haluan ng henna para mag kulay itim konti.

May natutunan ka ba o nagustuhan sa artikulong ito?

Sort:  

Gusto ko magkulay ng buhok pero di ako marunong.

May mga instructions naman ang mga naabibiling pangkulay.

I want to try making my hair black using coffee? will it be effective?

Congratulations @ilovelichie! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the total payout received

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @steemitboard:
SteemitBoard World Cup Contest - Colombia vs England


Participate in the SteemitBoard World Cup Contest!
Collect World Cup badges and win free SBD
Support the Gold Sponsors of the contest: @good-karma and @lukestokes


Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.24
JST 0.038
BTC 94692.02
ETH 3236.92
USDT 1.00
SBD 3.29