Mga Dahilan Ng Pag-kulubot Ng Ating Balat

in #health6 years ago (edited)

Mayroon ka na bang pileges o wrinkles? Ano ba ang mga dahilan at bakit ba tayo nagkakaroon nito? May mga paraan ba para maiwasan o magamot ang mga ito?


Image Source

Bihira ang taong may edad na walang guhit sa mukha na gawa ng pagtanda. Habang tumatanda tayo ay makakakita tayto ng mga unti-unting guhit sa ating mukha, di natin namamalayan kung paano ito nagkaroon,


Image Source

Alamin natin ano ba ang dahilan bakit tayo nagkakaroon nito.

Ang lahat ng ating pagkilos at pagiisip ang nagiiging dahilan ng mga ito. Ang araw-araw na ginagawa natin, mga pagiisip ng matindi at marami pang iba.

Isa sa pinakadahilan ng maagang pagtanda ng itsura ay ang di sapat na pagtulog. Ang magkaroon ng walo o mahigit pang oras ng pagtulog ay nagbibigay ng maaliwalas na itsura sa atin at nakapagdudulot ng maraming benepisyo di lang sa ating mukha kundi para sa buong katawan.

Ngunit ang di natin alam ay mayroon pala tayong dapat na ingatan sa ating pagtulog.
Ang ating pagtulog ay isang dahilan din kung bakit tyo may mga guhit sa mukha, ang palagiang pagtulog sa iisang posisyon, ang matagal na pag patong sa unan ng iisang bahagi ng pisngi sa matagal na oras at palagiang pwesto ng pagtulog.
Kaya para di na lumala pa, ngayon na nalaman mo na ay baguhin mo na ang pwesto mo pagtulog. Pinakamainam ang matulog ng nakatihaya. Maroon din gmga nabibiling unan na sadyan gginawa para proteksyonan ang mukha at makaiwas sa wrinkles.

Ang pagkilos ng ating mukha o ang "facial expressions.


Image Source

Hindi natin namamalayan na kung tayo ay nagsasalita, nagagalit, nagiisip o sumisimangot, ang mga ito ay nagdudulot o lumilikha ng mga linya sa ating mukha sa palagiang pagkilos ng mga ganito. Kung tayo ay nasisilaw halimbawa ng araw, o ng anumang maliwanag , pinaliliit natin ang ating mata, o halimbawa ay ang pagtataas ng kilay kung nagsasalita, ito ay bumubuo ng mga muscle sa itaas ng kilay . Kaya iwasan natin ang mga pagkilos ng ating mga muscles sa mukha na hindi kinakailangan, makabubuting palagi tayong ngumiti dahil ito ay nakapagdudulot ng magandang hubog ng ating mukha.

Mga nakasanayang maaaring magdulot ng wrinkles.

Hindi pag-alis ng make-up paglilinis ng mukha bago matulog.

Maging gawi rin natin na magalis ng make-up bago matulog, isan gmasamang nakaugalian, ang mga produktong pampaganda ay may mga sangkap na makakasira sa ating balat. Nagiiwan ito ng mga toxins na nanunuot sa ating balat at sumisira ng collagen at elastin.

Pagkabilad sa araw


Image Source

Kung tayo ay nabibilad sa araw, nababawasan ang pagiging moisture ng ating balat, at dahil sa pagkakaroon ng edad ay nababawasan din ang ating collagen. Dahil dito, ang pagbibilad sa arawan ay mas higit pang wrinkles ang magkakaroon tayo .
Para sa mga mahilig mag-tan o magpaitim ng kulay ng balat sa araw, magandang tingnan ang maging tan ang balat, mas matagal na bilad sa araw ay mas magandang resulta para sa may gusto ng tan. ngunit ang ibig sabihin nito ay mas maaga rin na tayo ay magkakaroon ng kulubot sa balat. Magandang tan o magandang kutis, ano pipiliinnyo? Kaya piliin ninyo ang desisyong magkaroon ng magandang balat at normal na kulay ng balat.

Sobrang paginom ng alak at spaninigarilyo.


Image Source 1
Image Source 2

  • Ang sobrang paginom ng alak ay mabilis makatanda ng balat. ang alak ay isang toxic sa ating katawan at ito ay nagdudulot ng pagka-pula sa balat.
    Ganoon din ang sobrang paginom ng kape, ito ay nagpapataas ng cotisol na nagpapatanda sa balat, ito ang masaklap na epekto ng diuretic na nagpapatuyo ng balat at ito ung gusto natin maiwasan, ang maging tuyo ang ating balat.

  • Ang paninigarilyo ay walan gmaidudulot na mabuti sa ating katawan, may malaking epekto ito sa ating maagang pagtanda. Ito ay walang maidudulot na mabuti sa katawan kaya dapat ito iwasan at itigil.

Iba pang dahilan

  • Ang matagalang pagkakaupo ay nagiging dahilan din ng mgan guhit o wrinkles sa katawan. Kung tayo ay nasa isang posisyon sa pagkakaupo ng palagian, ang mga muscles natin ay nabubuo sa ganoong posisyon.

  • Ang polusyon sa paligid na kumakapit sa ating balat at kung di natin mahuhugasan sa loob ng isdang araw ay manunuot sa loob ng malat at makakasira sa ganda ng ating balat

1.JPG

Sa dami ng mga paraan na pwede gawin para makaiwas at maalis ang mga wrinkles, totoo kayang kaya nito alisin ang mga guhit natin sa mukha? Iniisip pa lang natin kung paano natin gagamutin at aalisin ang mga ito ay maaaring nagdadagdag na naman tayo ng panibagong guhit sa noo , hay buhay!

Napakarami na sa panahon ngayon ang mga produkto para maiwasan ang wrinkles, samot-sari na mga klase, may mahal mga mura, may mabisa at meron ding di naman totoong nakagagamot ng pileges. Meron nman mga sangkap na makatutulong para makaiwas sa kulubot ng balat lalo na sa noo at mukha.

Lunas sa kulubot ng balat na matatagpuan sa kusina


Image Source

Merong mga mask na ipinapatong sa buong mukha upang ito ay makaramdam ng masarap pakiramdam. Gawin ang puti ng itlog o aloevera o abokado, Ang tatlong sangkap na ito ay epektib. Gawin itong paste at ipahid sa nabibiling face mask at ilagay sa mukha .
Meron ding mga pampahid sa pabi bago matulog at meron ding mga advanced age-defying, wrinkle-reversing serums na tinatawag na ginagamit ng mga may pera na magagastos para sa ikagaganda nila.
Magpahid din tayo ng mga creams sa umaga o sa gabi bago matulog at panatilihing well-moisturized at hydrated ang balat, importante sa ating balat sa mukha ang gumamit ng mga ganitong facial creamssiguraduhing banayad at natural ang panlinis natin upang makapagbigay alaga sa balat at masuportahan nito ang likas na hugis at kabataan ng ating magandang mukha.

HIgit sa lahat...

Huwag kalimutan na ang ehersisyo ay may napakalaking tulong sa lahat ng problema sa katawan, sa loob man o sa labas.

Sort:  

Ehersisyo, yang ang the best para wag tayo agad tumanda. lulusog ang ating katawan, at gaganda ang ating kutis.

That's right, most of all it's still the exercise that can naturally makes us feel and look younger.

Right, but I don't say and I don't disagree on the modern methods of beautifying oneselves.

It does help a lot of course.
Thanks for your comments.

Forehead wrinkles is a part of aging, I think we all of us are going to have it, but tes there are lots of remedies to cure and avoid.

I love your pictures, and Everything you said is so true.

Thanks for your kind comment

I hope I wont have so much of it when I grow old

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.24
JST 0.038
BTC 94692.02
ETH 3236.92
USDT 1.00
SBD 3.29