Get Rid of Bed BUgs - Paano Puksain Ang Bedbugs

in #health7 years ago (edited)

Alam mo bang merong mga nakikitulog na maliliit na insekto sa ilalim ng inyong higaan?


Image Source

Wala tayonh kaalam-alam na may nakatagong mga insekto o bed bugs sa ating mga higaan, kutson, banig, katre, o mga silya o sofa. Di natin alam kasi ay hindi naman natin sila nakikita.Nakikitira sila sa kahit anong mga sulok ang pwede nila pag-taguan. Gusto nila ang mga sulok at ilalim sa kadahilanang mainit at di natin sila naiistorbo palagian.
Hahayaan na lang ba natin sila makitira kasama natin at kagatin tayo habang nasa kasarapan tayo sa ating pagtulog?

Huwag magalala dahil merong mga solusyon upang sila ay ating mapuksa o mapa-alis.

Maraming paraan para sila ay tuluyan ng mawala ng lubos sa ating palgid.
Kailangan lamang natin ng mga pampatay at panlinis namakakatulong sa atin sa pagpuksa sa atin gmga maliliit na kalaban. At ating alamin ang mga paraang ito.


Image Source

1. Alamin kung gaano ba kalawak ang nasasakupan o kinalalagyan ng mga ito.

Una ay ating alamin kung napakarami na ba ng mga ito. Saan-saan dako na ba mayroon. sa higaan natin sa kwarto? Sa sofa o mga upuan natin sa ating sa sala, sa loob ng mga kabinet natin sa kwarto at kusina? Sa mga sulok ng bahay, sa ilalim ng mga carpet at basahan? Sa mga bawat crack ng dingding at sahig?

Kung matapos natin alamin ang lawak nila at malamang marami na pala ang mga ito ay kailangan na natin ipagbigay alam ito sa mas nakaka-alam ng mas mabisan gparaan kung paano ito lubusang mapupuksa. Maaari nating mapatay ang iba pero di natin kakayaning patayin lahat, sa paraang alam ng mga propesyonal. Ngunit kung hindi pa grabe ay kakayanin natin ito sa ating sariling paraan.

Simulan nating halughugin ang ilalaim ng kama o banig, mga kasangkapan at sa mga bawat sulok ng bahay.
Maghanap tayo ng mga palatandaan ng mga bug ng kama. Ang pinaka-halatang palatandaan ay mga itim na mantsa o smears, na maaaring lumitaw sa mga kasangkapan sa bahay, mattresses at iba pang materyal sa paligid ng bahay. Ang iba pang palatandaan ay ang mga dagta o mga bakas ng kanilang dumi o bug shell na iniwanan nila matapos na sila ay makapanganak ng bagong mga insekto.
Ang bed bugs ay hindi palaiang nagtatago sa ilalim ng kamo , matress or banig. Sila ay lumilipat din sa ilalim ng mga clack ng sahig o dingding, o kahit saan gsulog na kung saan ay pwede nila isiksik ang kanilang sarli.

Pigilan ang pagdami.

Ang susunod na dapat natin gawin matapos alamin ang kanilang dami ayang mapigil ang kanilan gpatuloy na pagdami. Ito ay mahalagang gawin sa kadahilanang mas madaling mapuksa at maubos ang mas kaunting dami nila.


Image Source
Upang mabawasan ang kanilang dami at bilang ay simulan ito sa paggamit ng vacuum cleaner. I-vacuum ang lahat ng carpet at kasangkapan maging ang mga kurtina at sopa. Siguraduhing maitapon ng wasto ang laman ng vacuum cleaner . Ibuhos ito sa isang lalagyang supot, isaradong mabuti at mablisisang itapon.
Maari ring itapon na ang mga lumang kasangkapan at hindi na gaanong ginagamit na kagamitan upang makaiwas sa mga natirang insekto, na maaaring ito ay muling makapanganak at magpatuloy sa pagdami .

3. Huwag itong itago o ilihim sa kaalaman ng iba.

Huwag ikahiya ang problema na ikaw ay nagkaroon ng bedbugs or maliliit na insekto. Maaaring makatulong din sa kanila an gkaalaman na maaari pala na magkaroon ng bedbugs sa paligid at mga sulok, upan gsila man ay makaiwas din o alamin kung sila maan ay mayroon din upang gawin din nila kung ano man ang ginawa mong nakatulong sa iyo na mapuksa mo ang mga ito. Ipaalam din higit sa kanino ay sa may-ari ng bahay kung ikaw ay nangungupahan lang upang sya man ay makatulong sa iyo sa pagpuksa at pagpigil ng pagdami.
Ganoon din na dapat lagyan ng tatak o marka angmga kasangkapang itinapon, ipagbigay alam na ang mga ito ay "infested" .

$. Gamitan sila ng Init upang mapuksa.

Isang mainam na paraan ng pagpuksa sa mga bedbugs ay ang patayin sila sa pamamagitan ng mainit. Gamitan ng mainit na tubig na may temperaturang 60-degrees Celsius/ 140-degrees Fahrenheit ang atin gpaglalaba, sa ganitong paraan ay mapapatay na nito ang anumang insekto na mayroon man ang ating mga damit at mga kumot, kobre-kama, punda at maging ang mga kurtina.
Maaari ding gumamit ng tumble dry sa loob ng isang oras
Tandaan na hindi dapat papatayin ang mga insektong ito sa pamamagitan ng pagsunog

Gumamit ng Baking Soda


Image Source

Matapos na daanin sa init ang lahat ng bagay at atin naman itong gagamitan ng baking soda. Budburan ng baking soda ang mga damit carpet, kabinet, sofa hunos, pati ang mga sulok ng bahay, cracks ng dingding at sahig Maininam an gbaking soda disinfectant.

Meron ding nabibili na gamot na pamatay sa mga insektongmaliliit gaya ng "Diatomaceous Earth ngunit it oay nangangailanganng ibayong pagiingat sa paggamit sapagkat ito ay may matapang na kemikal na masam kung malalanghap natin, Siguraduhing makapag-suot ng mask kung ito ay nanaising gamitin.
Kailanngang iwanan pansamantala ang bahay dahil sa matapang na amoy nito. Kailangan ding ulitin itong gamitin matapos matapos ang dalawa o tatlong araw.

Huwag sila hayaang muling makabalik pa.

Sa pagkakataong ito ay maaaring napatay mo na ang mga bedbugs at maliliit na insekto sa loob ng bahay mo. Maaaring balutin ng plastic an gilalim ng kama at amglagay din paminsan minsan ng disinfectant o baking soda upang makasiguro na di na sila makakabalik pa.

Sort:  

Ewwww, LOL.
Thanks for sharing those tips.

You're welcome,
Yours truly, bug buster!

nakakadiri pero totoo. magingat tyo sa bedbugs.

Congratulations @ilovelichie! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

You got your First payout
Award for the total payout received

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

To support your work, I also upvoted your post!

Do not miss the last post from @steemitboard!


Participate in the SteemitBoard World Cup Contest!
Collect World Cup badges and win free SBD
Support the Gold Sponsors of the contest: @good-karma and @lukestokes


Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

Congratulations @ilovelichie! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes received
Award for the number of comments received

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @steemitboard!


Participate in the SteemitBoard World Cup Contest!
Collect World Cup badges and win free SBD
Support the Gold Sponsors of the contest: @good-karma and @lukestokes


Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.25
JST 0.039
BTC 105501.72
ETH 3331.30
SBD 4.03