Hindi na Ipipilit

in #god3 years ago

God hindi ko na ipipilit pa
Hindi na ako magpipilit pa
Isiksik ang sarili sa taong hindi naman ako mahalaga...

God habang nagaantay pwede po bang Ikaw muna kunwari ang taong matagal ko ng inaantay..
Pwede bang sayo ko sabihin lahat ng mga bagay na gusto kong gawin..
Mg lugar na gusto kung puntahan.. Hindi dahil sa layo o sa ganda kundi dahil kasama..

God bakit ganoon andine na naman ako umiiyak dahil sa pagaakalang siya na nga ang iyong ibinibigay sa akin pero bakit ganito
habang tumatagal nakikita kong hindi aiya ang tao na mag-aantay sa akin sa dulo ng simbahn.
Hindi siya ang taong sasama at aakay sa akin sa aming pagtanda..

Habang tumatagal mas nakikita kong hindi niya ako gusto.. at hindi niya ako pipiliin hanggang dulo..
God pwede po bang bitaw na.. habang mas maaga.. ayaw ko na... hindi ang sarili ang aking inaalala ngunit ang mga taong naghahangad na ako ay sumaya.. pero mas naasin pa ang lungkot at pag iyak ng mas maaga kesa sa huli saka ako magdudusa..

God please ayaw ko na po.. isusuko ko na ang pag-asa pang natitira..

God please bigyan mo po siya ng taong mas magmamahal sa kanya.. Yung taong pipiliin po niya sa araw araw...

Hindi po ako yun alam ko.. pero okay lang kesa dumating ang araw na ako ay iwan at gawing abandonado..

God I'm giving up.. ramdam ko naman po.. hindi ako ang pinipili at pipiliin hanggang dulo..

HINDI NA AKO MAGPIPILIT PA SA ISANG LABAN NA ALAM KONG AKO AY TALO NA..

Hindi ako matapang na ipaglaban ang puso kung may mga lamat na..

Matatag lang ako sa mga sakit ..

Ang mga matang mugto na sa pagiyak

Ayaw ko na po.. nawa ay maturuan ko ang hangal kong puso na tumigil ng umasam sa pagibig na sa simula pa lang ay puro na panlilinlang...

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 58981.78
ETH 2669.36
USDT 1.00
SBD 2.44