"Crispy-licious Porkchop" ang Aking Ulam
Hello po, ako pong muli, @motherearthph na magbabahagi ng aking lutuin.
Sa ngayon ay nagluto ako ng aming ulam, ito ay ang "Crispy Porkchop".
Ito ang aking inihanda na ulam dahil nagisip na lang din ako ng madaling lutuin sa gabi dahil pagod na din ako sa maghapong pagbebenta ng meryenda.
Kaya naisip ko itong porkchop. Binabad ko muna o marinade sa mga pampalasa tulad ng toyo, calamansi at iba pa. Para manuot ang lasa, mas mabuting itago muna ng mga 2-3 hours bago ito lutuin.
Daoat po sa pagluluto ng porkchop para makuha ang nais na lutong at linamnan ay kinakailangang mainit na ang mantikang gagamitin. Lubog din dapat ang baboy sa mantika. Alam kong kayo ay nanakam din sa porkchop na ito kaya, chibugan na!!
yummy crispy
Thanks for sharing with #dailyfoodphotography
The pork looks very crispy!