Ang Aking Lutong Ulam - "Nilagang Bulalo"
Hello mga kasamahan ko dito sa Steemit. Eto na naman po ako para magshare ng aking nilutong mga pagkain, ulam at iba pa.
Ngayong tag-ulan na dito sa Pilipinas, masarap humigop ng mainit na sabaw lalo na din na tamang tama na holiday ngayon.
Ipinagluto ko ang aking pamilya ng aking paboritong "Nilaga".
Ang pangunahing sangkap na ginamit ko dito ay mga buto-buto na pangbulalo para mas malasa at malinamnam ang sabaw nito. Nilagyan ko din ng mais, pechay baguio, pechay, dahon ng sibuyas at beans.
Pinakuluan ko lamang ito tulad ng natural na pagluluto ng nilagang baboy. Dagdagan din ng mga pampalasa.
Popular itong lutuin dito sa Pilipinas. Isa nga ito sa masasabing pambansang ulam sunod sa Adobo.
Ang buong pamilya ko ay hindi nag-atubiling humigop ng mainit na sabaw at kitang kita naman sa kanila na sila'y nasiyahan at nabusog sa aking hinanda.
To give @surpassinggoogle your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Other recommended witness: @beanz @curie @teamsteem @acidyo @reggaemuffin @utopian-io @good-karma @blocktrades @timcliff @hr1 @cloh76.witness @busy.org @precise @arca