"ALON "

in #filipinopoetry6 years ago (edited)

Isang araw nakita kita
Kislap ng iyong mga matay sadyang kayganda
Kaya't akoy parang nahuhulog na
At simula non, ikaw ay hanap sa t'wina

Ngunit isang araw nalaman kong may mahal ka na palang iba
Bakit ngayon pa na mahal na kita
At handa akong magpakatanga
Para lang maging akin ka
Ngunit alam kong huli na
WALA NA! Dahil may mahal ka nang iba!

Kaya't akoy naglakad sa dalampasigan
Mag-isa dahil wala na akong matatakbuhan
Nilamon na ako ng kalungkutan
Di ko alam kung ano at kung saan ang aking patutunguhan
Ang nasa isip ko lang ay gusto kitang takbuhan!

Kapiling ko'y tunog ng alon
Damdamin koy nalulunod at di na makaahon
Kaya't nais ko na itong itapon!
Itapon sa karagatan at dalhin papalayo ng alon

Ngunit kahit anong pilit kong itapon ang nararamdaman ko sa galit ng alon
Bumbalik at bumabalik ito at sa puso ko'y mas bumabaon!
Akala koy dadalhin ng alon papalayo ang aking nararamdaman sayo
Ngunit nagkamali ako!
Dahil bumabalik at bumabalik ito sa dalampasigan at unti-unti lang akong mas nasasaktan!

Ang sakit na...
Ayoko na...
Tama na...
Sana'y wala na....

Di ko na alam ang gagawin kaya't naisip kong magpakalunod sa hagupit ng alon
Kalimutan ang pagtingin kong malalim pa sa balon
Ngunit gaya ng alon bumabalik ako sa dalampasigan
Pag-ibig ko sayo'y akin na lang iniyakan
Ngunit luha may maubos DI PARIN KITA MALILIMUTAN.

Ngunit ginising ako sa hagupit ng alon
Ngayo'y tanggap ko na ang katotohanan
Nakalabas nako sa palasyo ng kawalan
Nabuwag na ang tanikala sa aking nararamdaman
Salamat at tuluyan na kitang nakalimutan.

From a very friend of mine , Ate Paulie . He wrote this for his crush .

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 54034.48
ETH 2262.26
USDT 1.00
SBD 2.31