Balik tanaw: Noong Bata pa ako

in #filipino-writing7 years ago

_20180208_182043.JPG

Isa sa mga karanasan na hindi natin malilimutan ay ang panahon ng kabataan. Ang panahong uso pa ang makiuso. Panahong tapos na ang martial law. Ang sarap ng buhay noon. Tulog, laro kain lang ang ginagawa mo buong hapon. Hindi pa masyadong high-tech ang panahong ito pero hindi rin "old-fashioned". Masasabi kung sakto lang.

_20180208_182033.JPG

Tanging paglalaro sa kalye, maligo sa dagat at ang mga laro na luto-lutoan, bahay-bahayan, doktor-doktoran at kung ano-ano pang pagkukunwari na laro ang aking libangan kasi wala akong ginagawa noon kundi magpakasaya sa paglalaro sa aking mga kaibigan at pinsan. Ang dakilang manika ko lamang noong panahong iyon ay ang nag-iisang si Barbie. Naalala ko pa kung paano ako naging masaya sa paglalaro ng taguan sa kalsada, patintero, larong tumbang preso, luksong tinik at iba pang laro noong panaho ng aking kabataan.

_20180208_182026.JPG

Naalala mo pa ba ang salitang " TIME FIRST" or dito sa amin "TIME SA"? kahit saang lupalop ka ng Pilipinas naroon, alam ko na alam mo ang mga katagang ito. Kung ano-ano nalang ang naiimbento nating laro na pwedeng gawin sa kalsada noon. Pero kung ano man ang mga karanasan ko noon ay mananatili nalang itong alaala na hindi ko pwedeng balik balikan pa. Masaya na rin akong naging bata ako sa panahong iyon. Masarap alalahanin at balik-balikan ang mga masasayang ala-ala nong bata pa tayo.

Sort:  

Beautifully written. 😊

Thank you👏

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.27
JST 0.045
BTC 102228.51
ETH 3688.34
SBD 2.80