#95 Filipino Poetry: "Ikaw Pa Rin"
"Ikaw Pa Rin"
Hindi ko lubusang mapagtanto
Kung gaano na ako kabaliw sa sitwasyong ‘to
Sa paggising ko ika’y hinahanap
Na wari’y gusto talaga kitang mayakap
Ang sakit para sa akin na isipin
Na kahit ano pa mang dalangin
Ay hindi ka na talaga babalik sa aking piling
At ako’y mag-iisa na lang sa dilim
Alam ko’y tayo parin ay nagsasama
Sa bawat araw na ako ang nakatoka
Ngunit kaibigan nalang ang iyong nadarama
Sa akin at wala nang iba pa
Sa bawat araw na alam kong kayo ang magkasama
Para ba akong hibang habang naglalakad sa kalsada
Miss na miss ang mga bawat sandali
Na tayo ay masayang tumatawa at ngumingiti
Alam kong sitwasyon ay nagbago na
Di ko na maipipilit pa sa’yo sinta
Na ako nalang sana ang ibigin ,
Kasama sa araw-araw at piliin
Ngunit ito pa rin ako,
Pilit na kumakaibigan at dumadamay sa’yo
Sa tuwing sinasaktan ka niya
Dalangin ko’y sana ako nalang at wala ng iba pa
Ikaw lang ang magiging bituin,
At ikaw lang ang para sa akin
Na kahit ay lumipas ang ilang taon
Ang pag-ibig ko sa’yo sa puso ko pa rin ay nakabaon.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
- Nakakamiss
- Tumawa Ka
- Banal na Rosaryo
- Kaibigan
- Nagsusumamo
- Halina
- Hinahanap ang Yakap
- Amang
- Binata Part 1
- Binata Part 2
- Binata Part 3
- Dalaga Part 1
- Dalaga Part 2
- Dalaga Part 3
- Isang Pulubi
- Ang Buhay
- Pananalig
- Ikaw
- Sakit
- Nag-iisa
- Sining
- Mahal Kita
- Anghel
- Umagang Parating
- Magigiting na Kawal
- Munting Diablo
- Pagbati sa Walang Ligtas
- Mainit na Gabi
- Salamin
- Inuman
- Prinsipyo
- Aklat
- Ukit
- Mangkukulam
- Bangungot
- Oras na
- Pananaw
- Paalam
- Ako'y Nagbalik
- Napapanahon na Makata
- Tunay na Lalaki
- Alak
- Buhay na Payak
- Sarili
- Maynila
- Nagsisisi
- Mahina
- Luntian
- Pula
- Bitaw
- Sampung Taong Naghintay
- Rosas
- Kadiliman
- Alas 5 ng Umaga
- Laban
- Laro
- Ang Makabagong Sandata
- Basura
- Saplot
- Inggit
- Dulo
- Sugat
- Pangarap
- Aliping Manggagawa
- Pasko sa Pinas
- Hindi Mawawala
- Santa
- Ninong at Ninang
- Keso de Bola
- Simbang Gabi
- Caroling
- Minsan
- Pagod
- Konti na lang
- Wag Kang Mag-alala
- Usok
- Mapanghusga
- Pluma
- Lingwaheng Tunay
- Katuwaan
- Ating Lisanin
- Oh Giliw Ko
- Bigkas
- Pakisuyo
- Ala-ala
- Mapanuri
- Nilisan Ngunit Lumaban
- Pananampalataya
Previous Filipino Poetry with English Explaination
Image Taken from Unsplash
Friendzone. 💔
Pero ang ganda po ng tula ninyo. 👌
Salamat po @lxyng
thank you, your post
Ang galing nmn po..! I feel it.!
Salamat @julymae07