#75 Filipino Poetry: "Simbang Gabi"

photo-1506430806163-511b73d549b8.jpg

"Simbang Gabi"

Pasko na naman!
Panahon na naman ng taos pusong pasasalamat
Pasasalamat at pananampalataya sa poong Maykapal
Sa mga biyayang natatanggap araw-araw

Simoy ng malamig na hangin ay dumadampi
Mga bata na bagong gising ay lumalambing
Handa na ang buong pamilya
Para sa isang banal na misa.

Simbang gabi, sa bawat bukang liwayway
Nagsisimula sa ika-16 ng Desyembre
Ito ay misa na ginugunita
Kapag nakompleto mo ang siyam na ito,
mga hiling mo ay nagkakatotoo

Ngunit sumisimba lang ba tayo dahil may gusto tayong makuha?
Nawawala na ba ang importansya sa panahon ng pasko?
Ito ang panahon ng pasasalamat
Dahil binigyan tayo ng Diyos ng tagapagligtas

Kung may hiling kang gusto makuha
Idaan mo ito sa sikap at tiyaga
Samahan mo na rin ng masidhing paniniwala
Na makakamit mo ito ng walang balakid

Simbang gabi na!
Sa loob ng ilang oras magsisimula na
Makukumpleto mo kaya?


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

maRAMing salamat sa pag share, maligayang pasko..

Calm and beautiful photography.

I can smell the yuletide scent sa poem nyo po

wow nice poem...

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.25
JST 0.039
BTC 102839.57
ETH 3231.39
SBD 5.29