#152 Filipino Poetry: "Huling Hakbang"

photo-1476981789336-1bdf6e3a6528.jpeg

"Huling Hakbang"


Sa hinahaba ba naman ng aking paglalakbay
Ito't ako'y nasa tuktok na ng tagumpay
Mga binti ko'y pagod na pagod na
At ang katawan ko'y lupaypay na sa lupa

Huling hakbang man kung tawagin
Ang mga sakripisyo ko ay nagbunga rin
Mga ginawa kong tama o mali
Hindi ko kailanman pagsisisihan

Noong ang pangarap ko ay ginuguhit ko lang
Ngayon, binabalot ko na para ibahagi sa iilan
Sana'y ito ay magsilbing gabay ko sa buhay
At ng masuklian ko ang biyayang sa akin naibigay

Huling hakbang at ako'y andito na
Kasama ko ang aking mga minamahal na kapwa
Pinagtulungan ang lahat na puwedeng makamtan
Hanggat umabot sa huling hakbang ng kasaganahan


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

Thanks for sharing this photography is very nice post

Napakahusay talaga. :)

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 62589.43
ETH 2437.01
USDT 1.00
SBD 2.65