You are viewing a single comment's thread from:

RE: BUHAY SA BOTE

Maganda po ang tugma at ang mensahe ng akda mararamdaman ang pagmamahal. Ngunit may tanong lang po ako, sa huling linya

Ay oo nga pala hindi pala pepwede
Kahit anong gawin ko, talagang di maaari
Upang kayo ay aliwin, at pati na rin ang magsilbi
Kung di lang sana ako nakakulong dito sa bote

Ano po ang ibig sabihin ng naka kulong sa bote? Naglalaro sa isip ko kagabi pa kung patay na ba ang karakter o kaya naman isa siyang alaga na nakalagay sa bote.

Salamat po sa magiging paliwanag.

Sort:  

bali ganito po yan sir, isang bata ang nasa bote, wala nang buhay. ang nasa isipan ko ang isinulat ko na wariý kung ano ang nakikita nung bata sa kanyang pamilya at iniakma ko po ang sitwasyon para maipaliwanag din kung bakit siya nasa bote.

Sabi na! Salamat sa paglilinaw grabe hindi ako nakatulog ng kaunti sa pag iisip nyan hahahaha.

Ang galing sir!

hahaha,, pasensya na po at naging dahilan pa ang isinulat ko sa iyong pagkalito at hindi naging kompleto ang iyong pagtulog,,, pero gayun paman salamat na rin sa iyong pag tangkilik sa aking gawa :)

Hahahha di kita mapapatawad 😂 kailangan mong magbayad ng isang bagong tula bago kita patawarin.

hahaha cge po mag iisip na naman po ako kung anong magiging paksa ng susunod kong isusulat :),,, maraming salamat po :)

Hahah pag wala kang maisip isulat may patimpalak ako na Biglaang Kolaborasyon 😂. Sayang di na magagamit itong tula mo pero gusto ko syang gamitin din nung una hahaha. Malapit na kasi ang pay-out nya. Tsk!

Sympre ayaw ko naman na ako lang ang sumakit ang ulo dapat sila ring sasali hahahahah.

Aasahan ko ang iyong bagong likha @mryuss!

Coin Marketplace

STEEM 0.23
TRX 0.25
JST 0.038
BTC 107830.67
ETH 3350.87
SBD 4.85